XXXVIII.
Nilayuan ko na si Kyle Vergara mula ng araw na 'yon, ayoko nang mapalapit sa kanya. Para niya kong kinokontrol! At nakakabaliw dahil nagpapakontrol ako. Unang beses mula nang magsimula ang memory ko isang taon ang nakakaraan, ngayon lang ako nag-failed sa mission ko. Nakakahiya kay ate Agnes, kay Gael at sa mga ibang agent, malalapit ako sa mga pinakamagagaling na agent pero hindi ko magawa ang simpleng misyon.
I could really kill Isabelle Torres in a split second, gano'n siya kadali. Pero hindi ko nagawa, nakakahiya! Binigay na lang kay Gael ang mission na 'yon nung oras din na 'yon. Akala ko may kinalaman si Kyle kay Isabelle Torres dahil ayaw niyang ipapatay ito, pero hindi niya naman tinulungan nung si Gael na ang may hawak ng misyon.
Isabelle's already dead. Baka nung oras pa lang na naglalakad palabas ng school si Kyle Vergara nung araw na 'yon ay naghihingalo na si Isabelle. Gano'n kabilis si Gael and it's crazy.
Nalaman ko rin na kaya gustong ipapatay ng school principal si Isabelle dahil hinaharot nito ang asawa ng principal. Of course, nagpapaharot naman ang asawa niya. Isabelle is sizzling hot! Nakikita ko kung paano siya pag agawan ng mga kalalakihan sa block nila. But yeah, she wanted a sugar daddy. Kaya ganoon ang kinahantungan niya, kahit na alam kong bet niya rin si Gael.
Ang daming nagulat nang bigla na lang bumagsak si Isabelle sa hallway habang naglalakad, may malalim pero sobrang nipis na hiwa ang nakita sa leeg niya na hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa buong school kung paano nangyari. May mga nagsasabi na baka sa suot nitong kwintas ay nasugatan ito, o kaya ay sa mahahaba at matulis nitong kuko.
No one suspected Gael Chavez, 'yung lalakeng nakasalubong niya at binati niya pa ng nakangiti. Mga limang segundo matapos niyang makasalubong si Gael ay bigla na lang napaluhod si Isabelle, at nakakatakot dahil walang nakakita kay Gael sa ginawa niya dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Kahit iniisip ko ngayon ay kinikilabutan ako kahit isang linggo na ang nakakaraan, hindi ko alam kung hanggang saan ang kayang gawin ng lalakeng iyon.
Nagha-hum na naglalakad ako habang palabas ng gate ng school, gabi na at ngayon lang kami dinismiss. Halos wala ng tao sa loob ng school, madilim na at medyo tahimik.
Niyakap ko ang sarili ko habang nakapikit nang dumaan ang malakas na simoy ng hangin, inayos ko 'yung earphone sa tenga ko habang patuloy sa paglalakad nang biglang may humila sa'kin sa isang madilim na parte na maraming puno.
Papalag na sana ako nang manghina ako dahil sa pamilyar na mainit na bisig na yumakap sa'kin, lahat ng nararamdaman kong lamig ay bigla na lang nawala. Nararamdaman ko ang pagtibok ng puso nito sa balikat ko, sobrang higpit ng yakap niya kaya naririnig ko pati ang paghinga niya na tumatama sa leeg ko. Naaamoy ko ang pinaghalong amoy ng sigarilyo at alak. Si Kyle. This is Kyle Vergara. Bakit niya ako niyayakap?
"I miss you.." His voice was husky.. and sad. Rinig na rinig ko iyon kahit naka-earphone ako.
Tinulak ko siya palayo kaya napakalas siya sa pagkakayakap kaya nakita ko ang mukha niya. Oh.. Namumula siya dahil sa kalasingan, mapungay ang mata niya at sobrang pula ng labi niya ngayon, magulo ang buhok at mabilis ang paghinga niya.
"Ano bang sinasabi mo? Pwede bang tigilan mo na ako?" Halos mapasinghap ako nang mag-dilim ang mata niya, nakaawang ang bibig niya pero wala siyang sinasabi. Tinanggal ko ang earphone sa tenga ko.
"Savanna--"
"I am not f*****g Savanna!" I yelled. "Silvana Rivera, okay? Hindi ako 'yung babaeng mahal mo. Hindi ako 'yon so please, tigilan mo ako. Tigilan niyo ako! May sarili akong pamilya! May kapatid ako at may sariling buhay! At may boyfriend ako! So stop interfering in my life!"
Nag-iwas ako ng tingin nang kumislap ang mata niya. s**t, s**t, s**t. He's about to cry. This mysterious, tough guy in front me is about to shed a tear dahil lang sa salita na sinabi ko. Pero iyon naman ang totoo, hindi ako 'yung tao na hinahanap nila kaya dapat ko siyang itulak palayo.
"Sino ka ba? Sino ka? Kalaban ka ba ng agency namin? Mission mo ba 'to? Na kontrolin at imanipulate ako?" Sunod-sunod na tanong ko kaya mabagal na umiling-iling siya. "Who are you, then? Nilalapitan mo lang ba talaga ako dahil kamukha ko ang babaeng sinasabi niyong si Savanna? Guess what, Kyle Vergara.. Hindi ako pamalit, kung iniwan ka ng taong mahal mo then be at it! Move on, okay? May boyfriend ako at mahal ko siya.."
"H-how can you say that?" Nanginginig ang boses niya. Kinagat ko ang labi ko nang tumulo ang isang luha sa mata niya. No way.. No way in hell he's crying in front of me! I want to wipe off his tears. Dammit!
"I'm sorry.." I breathed. "Pero kailangan mong lumayo sa'kin, alam mo na kung anong pagkatao ko. Alam mo na secret agent ako ng isang secret agency, at may ideya ka ba kung anong mangyayari sayo pag nalaman nilang alam mo 'to? They will kill you. Hahanapin ka nila kahit saan ka pa magtago, you can't escape from them.."
"Wala akong pakialam.." Mariin niyang sabi.
"Wala kang pakialam? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Dahil lang sa'kin? Dahil sa babaeng kamukha lang ng taong mahal mo? Nababaliw ka na ba?" Frustrated na hinawakan ko ang buhok ko, nagmamakaawa na hinawakan niya ang makabilang siko ko.
"I love you.." Aniya. Naestatwa ako. Tama ba ang narinig ko? No, no, no! He doesn't. Lasing lang siya at inaakala niyang ako si Savanna. Wala siya sa sarili niya ngayon.
"You're drunk. Go home.." Sabi ko bago tabigin ang kamay niya.
"I am not f*****g drunk!" Frustrated na sigaw niya. "I know what i'm thinking and i know what i'm doing! I love you so damn much, okay? I love you, Savanna, Silvana, Vanna or Vana.. Whoever you are, whatever your goddamn name is. Kahit ano pang pangalan mo, kahit sino pa ang pamilya mo, kahit sino pa ang mahal mo ngayon.." Humina ang pagkakasabi niya sa huli. Tears rolling down on his eyes.
"I love you like a heaven and it hurts like hell.." Nakatutok ang mapungay at napaka lungkot niyang mata sa'kin. Napasinghap ako nang marahan niyang hinaplos ang pisnge ko. Darn it! Lumuluha na pala ako pero hindi ko namalayan!
Hindi pwede 'to. Hindi pwedeng madala ako sa emosyon niya! Naaawa lang ako dahil umiiyak siya sa harapan ko ngayon. Nanginginig na inalis ko ang kamay niya sa pisnge ko, pinanood kong bumagsak ang kamay niya sa gilid niya.
"You love me, you say?" Tanong ko. Napalunok ako nang walang pag-aalinlangan siyang tumango. "Kapag nag-stay ka pa sa tabi ko, mapapahamak ka. We're not allowed to be friends with anybody dahil may inaalagaan at iniingatan kaming pagkatao. Kapag nalaman nilang alam mo ang trabaho ko, mapapahamak ka dahil sa'kin. Dahil sa'kin Kyle.. papatayin ka nila dahil sa'kin at hindi kita matutulungan!"
"I told you, i don't care.." Mahinahon niyang sinabi.
Napapikit ako ng mariin. "Would you die for me?"
Hindi siya sumagot. Binalot ako ng hiya dahil sa tanong ko, bakit ko naisip na kaya niyang mamatay para sa'kin? I am not even Savanna! Kamukha ko lang ang babaeng mahal na mahal niya. Lalong pumungay ang mata niya, parang ang daming tumatakbo sa isip niya ngayon. Tumingala siya at pumikit, parang nagdadalawang isip siya sa isasagot niya.
Pinanood ko lang siya na gano'n, naaaninag ko lang ang mukha niya dahil sa ilaw ng poste na tumakas sa anino ng mga dahon ng puno. Nakapikit siya at malalim ang bawat paghinga, kinilabutan ako. Why are you so mysterious, Kyle Vergara?
Yumuko siya at itinagilid ang ulo saka dumilat para tignan ako sa mata. Kinamot niya ang ibabang labi niya habang nakatutok ang madilim niyang mata sa'kin, marahan siyang umiling.
"No.. I won't." Mahina niyang sagot. "But i would kill for you.."
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ