thirty nine

1570 Words
XXXIX. Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Kyle. Napaawang ang bibig ko habang madilim ang mata na nakatitig siya sa'kin. Sarkastikong tumawa ako at pinagsusuntok ang dibdib niya, gusto kong maisip niya na hindi ako ang mahal niya. Na kamukha lang ako ng Savanna na hinahanap nila. I am Silvana f*****g Rivera for pete's sake! "Are you an idiot, huh?" Tanong ko habang walang tigil na sinusuntok ang dibdib niya. "Akala mo ay kapag sinabi mo 'yan ay magbabago ang isip ko? Hindi mababago ng mga salitang 'yan ang katotohanan na hindi ako si Savanna--" Hinawakan niya ang magkabilang pulso ko para pigilan ako sa pagsuntok sa dibdib niya, hindi ako nakapalag dahil sa nararamdaman na panghihina. Mabilis pero malalim ang bawat pag hinga niya habang pinagmamasdan niya ang kamay kong marahang hinihimas niya ng isang daliri niya. Para bang pinapakiramdaman niya kung malambot ito, mapungay ang mata niya dahil sa kalasingan. "I am sorry, Silvana Rivera.. but can i say this?" Malungkot at mahina ang boses niya, nanginginig. "You know.. Everytime i see you, i just want to run to you and i want you to know that everytime I dont.. I almost do." Pumikit ako ng maramdaman ang pagtulo ng luha sa mata ko. Ewan! Hindi ko alam! Hindi ko alam pero parang pinipiga ang puso ko sa bawat salita na sinasabi niya. Kahit lasing siya, alam na alam kong nanggagaling ito sa puso niya. Magkahalo ang pangungulila at sobrang kalungkutan sa boses niya at nakakasakit iyon. Paano niya nagagawa 'to? Ni hindi naman ako ang mahal niya at lalong wala naman kaming ibang pinagsamahan dahil kakakilala lang namin. Pero bakit ang sakit sakit na nakikita ko siyang ganito? Nagdilat ako ng mata nang maramdaman kong nilagay niya ang isang palad ko sa pisnge niya. Nakatingin siya sa'kin habang dinadama niya ang nanginginig kong kamay sa pisnge niya, malungkot ang mata niya at nangingilid ang luha. "What did you to me?" Tumulo ang luha niya sa likod ng kamay ko. "Why does it feel impossible to let you go?" Hindi ko kaya na tignan ang mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Napakagat ako sa labi nang marinig ang paghikbi niya. Oh my God.. He's crying hard, crying so freaking hard in front of me! Hindi ko alam na posible pala 'to sa kanya, hindi ko inaakala na makikita ko siyang umiiyak ng ganito. He must be really really sad. Savanna, whoever she is.. Sobrang swerte niya, no one can love someone as much as Kyle Vergara loves her. Buong buo 'yung pagmamahal, halos maubos ang sistema nito para sa kanya. Napapaisip ako, paano nagawang iwan ni Savanna ang ganitong klaseng tao? Kasi kung ako, i would never leave this man. I would always hug this soft and warm man in front me, i would love him as much as he deserves. But sadly, i am not the Savanna that he is longing for. Lasing siya at napagkakamalan niya lang na siya ako. Bukas, pagkagising niya at hindi na siya lasing ay makakalimutan niya ang lahat. Makakalimutan niyang umiyak siya sa harapan ko, hindi niya maaalala na may iba pang tao na nakakita ng mahina niyang side. I know he wanted to look tough and cold kaya gano'n ang naging first impression ko sa kanya. "Kyle.." Namamaos na sabi ko. Mabagal siyang nagdilat ng mata kaya nagtama ang mata namin, kumikinang ang mata niya dahil sa luha, namumula ang ilong at pisnge niya, basang basa ng luha ang mukha niya. Oh, Kyle.. "I'm sorry, i am sorry for seeing this side of you. Alam kong tinatago mo 'to sa ibang tao but i'm sorry dahil kamukha ako ng babaeng mahal mo, siguro ayun ang dahilan kung bakit lalo kang nasasaktan.." Huminga ako ng malalim. "If i am not with somebody else right now, i would help you. I would really help you brush the pain away but there's these boundaries that we should not bound." Binitawan niya ang kamay ko kaya nahulog ang kamay ko mula sa pisnge niya, nanginginig ako at gusto ko pa siyang yakapin but i can't. I can't give him false hope again. Tumingala siya at pumikit, parang pinapatuyo niya sa hangin ang mga luha sa mukha niya. Kinapa ko ang panyo ko sa bulsa ko, kinuha ko iyon para ibigay sa kanya ngunit tumigil na ang kamay ko bago ko pa ito mai-angat nang may sumulpot na matangkad na lalake sa gilid namin. Nakatuon ang mata niya sa'kin kaya halos mapasandal ako sa puno sa takot. Wow, he's got an intense and scary pair of eyes. Kyle has dark, expressive and mysterious eyes while Billy (na nakasakay ko sa taxi) ay may nakakakilabot na mata. Parang blangko ang mata niya dahil walang expression iyon pero mararamdaman mo na binabasa niya ang bawat kilos mo na para bang tumatagos ang bawat tingin niya sayo. And this guy right now, siya ang may pinaka nakakatakot na mata. Ang tapang ng mata niya at hindi ko alam kung anong balak niyang gawin sa'kin ngayon. "I apologize for the disturbance, miss.." Malalim ang boses na sabi niya kaya napakurap ako. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Kyle para alalayan. "Hmm, are you his friend?" Tanong ko, baka kasi kung sino lang ito na may masamang balak pala kay Kyle. Lasing pa naman. Hindi siya sumagot at malamig akong tinignan. Binuksan niya ang kotse sa tabi at marahang tinulak papasok ang lasing na si Kyle, bago niya pa maisara ang pinto ay pinigilan ko na siya. "Are you really his friend?" Tanong ko pa, nakatingala ako sa kanya dahil sa katangkaran niya. Ngayon ko lalong nakita ang mukha niya, he's handsome as hell! Talaga palang ang cold ng itsura niya, just like his eyes. Tumunog ang phone na hawak niya kaya sabay na napalingon kami doon. Monique Agustin calling... Ayun ang naaninag ko. Hindi niya pa iyon sinagot at huminga ng malalim bago tuluyan na isara ang pinto ng kotse habang diretso ang tingin sa'kin. "I am King Cadwell," Malamig na sabi niya bago pasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "It's so nice to see you again.." Napanganga ako. Hindi ko namalayan na nakaikot na siya sa kabilang gilid ng sasakyan at nakapasok na, pinaandar niya na 'yung kotse kaya naaninag ko na lang si Kyle na nakatihaya sa backseat. Sinundan ko na lang ng tingin ang kotse papalayo hanggang sa hindi ko na iyon makita. King Cadwell. King Cadwell. Saan ko ba narinig iyon? Ang familiar! Yung parang kilala ko siya pero parang hindi. Napaupo ako nang maramdaman ang pagkirot ng utak ko, hinawakan ko ang buhok ko at pumikit. Kung anu-anong scenes ang pumapasok sa utak ko. Pati ang puso ko ay unti-unti na rin na sumasakit, kung hindi lang ako nakaupo ay baka tumumba na ako dahil sa panginginig ng tuhod ko. What is happening to me? "Vana!" Narinig ko ang tumatakbong yabag ng isang tao. Alam kong si Gael ito dahil sa boses, umupo rin siya sa harap ko at hinawakan ang kamay kong nakasabunot sa buhok ko. "Vana!" Nag aalalang sambit niya. Hinawi niya ang buhok kong nakaharang sa mukha ko bago iangat ang baba ko para makita niya ang itsura ko. Unti-unting nawala ang pagkunot ng noo niya nang magtama ang mata naming dalawa. "Gael, i want to go home.." Nanginginig na sabi ko kaya tumango-tango siya. "Yes, Vana. Iuuwi na kita sa bahay niyo.." Nag-aalala pa rin ang boses niya. Hinila niya ako patayo at niyakap kaya sumubsob ako sa dibdib niya. "Ayos ka lang? May masakit ba sayo? Tell me.." Yes. Yung utak ko, 'yung puso ko. Masakit iyon pareho at hindi ko alam kung bakit. Umiling ako kaya huminga siya ng malalim, hinila niya ako papunta sa kotse niya kaya nagpadala na lang ako. Naging tahimik ang byahe, nararamdaman kong nililingon ako ni Gael habang nagmamaneho pero hindi siya nagsasalita. Tahimik lang ako, tulala habang nakatingin sa labas ng bintana. "Magpahinga ka na, Vana." Malumanay na sabi ni Gael pagkapasok namin ng bahay. Pinisil niya ng mahina ang pisnge ko. "Kung may kailangan ka, tawagan mo ko agad. Kahit natutulog pa ako, maliligo ako ng nagyeyelong tubig para lang magising ang diwa ko at mapuntahan ka.." Hindi ko maiwasang ma-touch sa sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit kaya hinaplos niya ang likod ko. "Drive safely.." Paalala ko habang nakangiti. Ngumisi siya bago tumango at nagpaalam para umalis. Napabuntong-hininga ako nung makaalis siya, dapat pala ay hinayaan ko na lang siya na dito matulog. May mga guestroom naman dito na pwede niyang tulugan, wala pa si Agnes dahil baka nasa condo niya 'yon ngayon. Kailangan ko ng kasama ngayon, pero sa tingin ko ay kahit presensya ni Gael ay hindi makakapagpalubag ng loob ko. I feel so lost... and incomplete. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD