XL.
Nagising ako kinabukasan dahil sa katok sa pinto ng kwarto ko. Kinusot ko ang aking mata nang masilaw ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana.
"Vana?" Si ate Agnes habang patuloy pa rin sa pagkatok.
"Yes?" Namamaos na tanong ko bago bumangon at nag-inat ng braso.
"Hindi ka ba magpapa-laundry? Ayusin mo na 'yung mga dirty clothes mo!" Aniya. Tumango ako kahit hindi niya naman nakikita, tamad na nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko. Nagkalat ang maduming damit!
Oh, man. Naghilamos muna ako at nag-toothbrush para magising ang diwa ko bago isa-isahin ang mga bulsa ng mga maduduming damit ko. Minsan kasi ay may naiiwan akong mga pera or mahahalagang resibo sa mga bulsa nito, di bale sana kung may nakikinabang ng mga pera! Nababasa lang ang mga iyon at nasasayang dahil napupunit. Such a waste!
Humikab pa ako bago kapain ang jacket na suot ko last week, tinatamad na binuklat ko ang lukot na papel na natagpuan ko sa loob ng bulsa nito. Saglit akong natigilan nang makita na ito 'yung ni-print ko sa HQ (Headquarter) last week na parang resume ng babaeng nag nangangalang Ynna Savanna Castro. I forgot about this!
Huminga ako ng malalim nang maalala ang nangyari kagabi, ang dahilan kung bakit namamaga ang mata ko ngayon. Mula nung humiga ako ng kama ay tatlong oras pa yata ang lumipas bago ako nakatulog. I think, think and think so hard! Ni hindi ko nga alam kung anong iniisip ko, kung 'yung mga sinabi ba ni Kyle Vergara, o si Kyle Vergara mismo or 'yung guy na nag ngangalang King Cadwell, or 'yung magulong scenes na bigla na lang umandar sa utak ko. Dahil sa nararamdaman na sobrang frustration sa mga iniisip ko ay hindi ko na naiwasan na umiyak na lang, para bang sobrang nakakapagod na isipin 'yon.
Binuksan ko ang laptop at sinearch sa sss ang pangalan na Ynna Savanna Castro. Lumabas agad ang isang babae na kamukhang kamukha ko, itim ang mahaba at straight nitong buhok, seryoso ang mukha niya sa profile picture niya, nakatayo siya doon at background niya ay ang asul na kalangitan. Nakasuot siya ng dark blue na damit na lalong nagpa-fierce ng dating niya, nakaka-intimidate ang itsura niya. Ganito rin kaya ang tingin sa'kin ng ibang tao? We look exactly the same! Is this even normal?!
Nag-scroll down ako sa timeline niya at halos tumigil ako sa paghinga nang makita ang picture nilang dalawa ni Kyle. Medyo nakanguso si Savanna habang nakatingin sa camera na para bang nagtatampo ito, nakatingin sa kanya si Kyle habang malawak ang ngiti nito na para bang natutuwa siya sa naging reaction ng babae. The way he looks at her.. his smile. May malalim na dimples pala siya kapag nakangiti! Damn! Hindi ko alam kung bakit kumirot ang puso ko habang nakatingin dito.
Caption: I crave the side of you that you don't show to anyone else.
Yes! He definitely don't show it to anyone else but her, ngayon ko lang nakita ang ngiti niyang ganyan. Yung nakalabas ang ngipin at halos mawala na ang mata dahil sa sobrang pag ngiti. He looks so happy.. and inlove. May mga comments pa ng mga kakilala nila, sobrang dami no'n pero napukaw lang ng atensyon ko ang mga pamilyar na pangalan.
Monique Agustin: Aw! This is so cute :> Can you show it to us too, Kyle? Hahaha!
Chloe Tan: Gusto ko sana sabihin na nakakadiri pero hindi na lang, this is kinda cute. :P
Miracle Agustin: OMG! Bakit sayo lang 'yan ngumingiti ng ganyan, ate Vanna?! So unfair!
Kieran Domingo: The f**k is going on....
Nag scrolll down pa ako at nakita ang mga pictures na magkakasama sila sa parang isang outing. Si Billy Suarez (Yung nakasabay ko sa taxi) and King Cadwell (yung sumundo ka Kyle kagabi) si Monique at Miracle na magkapatid na nakabunggo ko sa mall, 'yung Kieran Domingo (i don't really know him pero familiar ang pangalan niya) and of course.. Si Kyle na nakaakbay kay Savanna, sa picture na 'to ay hindi siya nakangiti pero halata rin na hindi siya bad mood. Talagang pinapakita niya lang ang ibang side niya kapag sila lang ni Savanna ang magkasama. Damn, Kyle.
Kinagat ko ang labi ko habang sinasara ang laptop ko. Hindi ko na kayang tiisin, kumikirot ang puso ko at nalulungkot ako sa hindi malaman na dahilan! Bakit ganito ang epekto sa'kin ng mga ito?! This is driving me insane! Gusto ko nang tigilan ang pagiging curious sa pagkatao ni Savanna dahil sa nararamdaman ko but i can't help it! I want to know more!
Binaba ko ang laundry ko sa baba kung saan nandoon ang isang hindi pa gano'n katandaan na babae, siguro siya ang magdadala ng mga damit na 'to sa laundry shop. Pagkatapos no'n ay naligo na ako at nagpaalam kay ate Agnes na may pupuntahan ako, paalis na rin naman siya dahil nagtext sa'kin si Gael kanina na may serious mission sila ngayon. They will be real busy.
"Saan ang punta mo? Wala kang klase today, right?" Ani ate Agnes habang kinukuha ang pula niyang bag na pinatong niya kanina sa round table.
"Ah.. Yeah, i just wanted to have some air." Sabi ko. Naningkit ang malapusang mata ni ate Agnes bago tumango at nagpaalam na aalis na siya.
Pinasadahan ko ng tingin ang whole body mirror sa harap ko, nakasuot ako ng faded skinny jeans, plain black shirt, itim na mid cut shoes at itim din na baseball cap. Kinuha ko ang puting bag pack ko sa kama at sinabit iyon sa kanang balikat ko, huminga muna ako ng malalim at lumabas para pumara ng taxi.
"Saan tayo, ma'am?" Tanong ng driver. Tumingin ako sa papel na hawak ko bago sumagot.
"Sa Kcads University po, manong.." Sagot ko. Kumunot ang noo niya pero hindi na nagsalita, sa tingin ko ay alam niyang malayo ito. Siguro two and a half hour din ang byahe? Dapat pala dinala ko na lang ang kotse ko! Pero tinatamad akong magmaneho ngayon.
Napagpasyahan ko na puntahan ang school na ito ni Ynna Savanna Castro, ang pupuntahan ko na school ay ang nakalagay sa information na hawak ko. Gusto kong malaman kung anong pagkatao ng babaeng kamukhang kamukha ko, or should i say ang babaeng mahal na mahal ni Kyle Vergara.
Nakatulog ako sa byahe, nagising na lang ako nang marinig ang marahan na pag-gising sa'kin.
"Ma'am! Nandito na po tayo.." Ani manong driver habang tinatapik ng sobrang hina ang balikat ko. Napangiwi ako at nagbayad ng fee sa kanya, inayos ko muna ang baseball cap na suot ko at nakayuko na lumabas ng taxi.
Hangin pa lang ay alam ko nang mayayaman ang mga nag-aaral dito. Sobrang taas ng front gate at halatang halata na hindi kaya ng mga estudyante na bumakod dito. Maingay ang mga estudyante at nagkalat pa, rich kids everywhere.
"I.D mo?" Napatigil ako sa pagpasok sa mini gate nang may magsalita mula sa guard house. Napangiwi ako at nag-angat ng tingin, kumunot ang noo ng guard nang makita ang mukha ko. Pinasadahan niya ang kabuuan ko bago ako hayaan na pumasok na sa loob. What was that? Akala niya ako si Savanna?
Matataas ang mga buildings ng school namin ni Gael pero mas matataas ito! Malinis ang paligid, may mini park sa pinaka-gitna na maraming benches. Hindi mawawala ang halaman sa gilid, may waiting area sa bawat tapat ng building. Cool.
May mga napapalingon sa'kin pero hindi nila nakikita ang mukha ko dahil bahagyang nakayuko ako. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang naglalakad na magandang babae, si Monique Agustin! Nakalagay ang phone niya sa tenga niya habang may kausap, may bumabati sa kanya at ngingiti siya kaya nawawala ang mga mata niya.
Tumagilid ako nang dumaan siya sa harap ko, sinundan ko pa siya ng tingin. Ibinaba niya ang phone niya at bumilis ang paglalakad niya para salubungin ang matangkad na lalake na naglalakad din papunta sa kanya. Si King Cadwell, nakahalukipkip lang ito pero sumilay ang maliit na ngiti nang pabiro siyang kurutin ni Monique sa tagiliran. Oh..
Pinanood ko lang sila hanggang sa pumasok sila sa isang building, ngumuso na lang ako nang mawala sila sa paningin ko. So this is where they study, huh. Naglakad na ulit ako para libutin ang buong school, may nakita ako sa tabi ng bulletin board na mga mukha.
Top 1 Student year 20xx, Ynna Savanna Castro.
Napanganga ako nang makita iyon. Top student siya ng school na 'to?! She must be really smart! Wow. I feel so small!
"Look at her, she's so pretty. Diba?" Nilingon ko ang dalawang babae na nag-uusap sa tabi, tinuturo ng nagsalita ang malaking picture ni Savanna Castro.
"Yeah, she is. And top 1 student?! Wow! Sa lahat ba ng course 'yan?" Gulat na tanong ng isa.
"Oo, sa lahat ng estudyante dito!" Aniya. "May mga top 1 student din naman ang bawat courses, ito oh!" Tinuro ng babae ang mas malilit na pictures sa ilalim.
Psychology; Top Student, Billy Reid Suarez.
Namilog ang mata ko. Si Billy Suarez!!!
"Oh, s**t! He's real hot!"
"I know right?" Ngumiti ito. "May mga barkada siya na ka-level niya ang hotness! Kaso hindi sila kasama dito dahil hindi sila kasing-focus ni Billy mag aral. Si Kyle Vergara, top student siya ng Comp. Engineering last last year pero napabayaan niya ang pag aaral niya mula nang mamatay ang girlfriend niya.."
Napalunok ko habang nakikinig, nagulat ang reaction nung isang babae at lalo naman ako. Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.
"Sino ang girlfriend niya?" Tanong nito.
"Sino pa? Edi si Ynna Savanna Castro!"
"What?! She's dead already?!" Nanlalaki ang mata nito samantalang ako ay naestatwa sa kinatatayuan ko. Patay na siya. Patay na si Savanna..
"One year ago na, girl!" Ngumiwi ito. "Sa car accident daw. Actually.. may bali-balita na dadalhin na daw siya sa kulungan ng oras na mangyari ang aksidente, nasa loob siya ng police car no'n. She died along with three cops! Sunog na sunog nga daw ang katawan nilang lahat dahil sumabog ang kotse, as in hindi na talaga ito makilala."
"Oh my.. Bakit dapat siya ikukulong?"
Tumingin sa paligid ang babae kaya yumuko ako. Nang nakumpirma niya na walang nakikinig ay lumapit siya sa kausap niya para bumulong.
"She killed her sister, si Chloe Tan!"
Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko, napahawak ako sa bulletin board sa harap ko dahil parang matutumba ako. Pumikit ako ng mariin nang maramdaman ang pagkirot ng puso ko. s**t! It's aching so hard right now!
Sinubukan kong iproseso ang lahat sa utak ko. Patay na si Savanna, naaksidente ang police car na sinasakyan niya nung ikukulong na siya and she killed her own sister?! Tama ba ang narinig ko? O gawa gawa lang ito ng mga tao sa paligid?
"Speaking of Kyle Vergara.." Mas mahina iyon pero narinig ko pa rin. Nagdilat ako ng mata at nakita ang mag-isang naglalakad na lalake. Naka-white polo siya na halatang uniform, black slacks na hindi masyadong hapit sa binti nito. His usual cool messy hair ay hinahangin habang naglalakad siya, walang expression ang madilim niyang mata at ang labi niya ay halos guhit na lang sa sobrang straight no'n. Bored, he's bored and he looks so done with everyone! Is he having a bad day? May hang-over ba siya dahil sa pag-inom niya kagabi?
"Now that's Kieran sexy Domingo!" Kinikilig na sabi ng babae sa sasalubong na matangkad din na lalake kay Kyle. May pilyong ngiti sa mga labi nito habang maangas na naglalakad. Oh.. Fuckboy spotted!
Niluwagan ni Kyle ang tie sa leeg niya bago naka-kunot ang noo na kinausap 'yung Kieran Domingo, hindi ko maiwasan na kagatin ang labi ko nang hawakan niya ang bridge ng ilong niya habang nakapikit at humagalpak naman ng tawa si Kieran. Ano kayang pinag uusapan nila?
Naiwas ang tingin ko kay Kyle nang maramdaman ko na parang may nakatitig sa'kin, nilibot ko ang mata ko sa paligid. Normal naman ang lahat pero tumigil ang mata ko sa isang matangkad na lalake na nakasandal sa railings ng waiting area sa kabilang building, nakahalukipkip siya doon at naka-focus ang malalim niyang mata sa'kin.
Shit, Billy Suarez! Napahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bagpack ko nang tumaas ang isang kilay niya habang nakatitig pa rin sa'kin. Dammit.
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ