fourty one

1745 Words
XLI. "Kuya Billy!!!!" Naiwas ang tingin sa'kin ni Billy Suarez nang sumisigaw na lumapit sa kanya ang isang babae. I know her, she's Miracle Agustin! Nag-usap sila kaya kinuha ko na ang pagkakataon na iyon na umalis dito. Yumuko ako habang binababa ng husto ang sumbrero ko pero may nabangga ako, nagulat siya kaya napataas siya ng kamay at natamaan ang baseball cap na suot ko kaya tumalsik iyon. "s**t! I'm sorry, miss!" Natatarantang sabi no'n, hinawi ko ang buhok ko bago damputin ang cap ko sa sahig at nilingon siya. So, siya 'yung isa sa mga babae na nag-uusap kanina. "It's okay.." "Oh!" Namimilog ang mata na tinuro niya ako kaya tinalikuran ko agad siya. "Teh! Hindi ba't si Savanna Castro iyon?!" "Baliw! Savanna's already dead, ano ka ba!" "Pero.. kamukhang kamukha niya 'yung nasa picture!" "Shh.. Baka kamukha lang, imposible 'yang sinasabi mo gaga!" Napangiwi ako at binilisan ang paglalakad, baka mamaya pagkaguluhan ako dito at isipin na ako talaga si Savanna. That will be a huge mess. Pinara ko agad ang taxi na dumaan, napahinga ako ng malalim nung nakasakay na ako sa taxi at tinanggal ang baseball cap ko. Bakit ba ako nagpunta sa school na 'to? Pumikit ako at sumandal. "Ma'am Vanna...?" Napadilat ako dahil sa boses ng driver. Ngayon ko napansin na hindi pa pala kami umaandar at gulat na pinagmamasdan niya ako. "Why?" "Ma'am! Nagdalawang isip ako dahil nag-iba ka ng kulay ng buhok.." Maligayang sabi niya. "Natatandaan niyo pa ba ako? Ako 'yung service niyo dati! Nalungkot ako nang bigla na lang kayo nawala, bumalik po ba kayo sa Canada?" Kumunot ang noo ko. Service ni Savanna ang taxi na 'to dati? "Hindi niyo na ba ako natatandaan?" Bigo ang tono nito. "Si Tatay Poli ito, ako lang 'yung nakakaalam nung nagpapanggap pa kayo na nerd.." "N-nagpapanggap na nerd?" Gulat na tanong ko. Tumawa ito. "Ma'am naman! Hanggang ngayon ay wala pa rin akong pinagsasabihan no'n, loyal ako sa inyo!" Kumamot siya sa ulo niya. "Sabi niyo ay nagpapanggap ka para sa bestfriend mo na mayroong amnesia. Wala akong pinagsabihan no'n, ma'am! Kahit mga anak ko.." Nagpapanggap na nerd si Savanna dati? Bakit ang dami niyang katauhan? Ano ba talaga siya? Gosh, she's really something! "Thank you.." Nakangiting sabi ko. "Basta ikaw, ma'am! Malakas kayo sa'kin dahil mabait kayo.." Pinaandar niya na ang taxi. "Saan tayo ma'am? Doon pa rin ba sa bahay niyo dati?" Alam nya rin 'yung bahay ni Savanna dati? Tumango ako. "Yes, doon pa rin.." Halos isang oras ang naging biyahe, tahimik lang ako habang tinatahak namin ang pamilyar na daan na ito. Tumagal kami sa isang mababa pero malawak na bahay. "Dito na tayo, ma'am. Nakakatuwa lang at kabisado ko pa rin ang daan hanggang ngayon!" Nangingiti na sabi ni manong. Ngumiti ako at nagbayad ng fee bago magpaalam sa kanya. Ilang minuto pa akong tumayo lang dito, pinagmamasdan ang buong bahay. Puti ang gate nito. May mga halaman sa gilid na halatang naaalagaan pa sa tubig, kung matagal nang patay si Savanna ay sino ang nakatira dito? Sinilip ko ang loob ng gate, malinis ang loob. May nakatira nga dito! Iba na ba ang may-ari nito o baka nangungupahan lang si Savanna dati dito? Kinagat ko ang labi ko at nagtawag na lang ng Uber, hindi naman na pwedeng pasukin ko na lang bigla 'yung bahay na 'to para lang malaman kung sino 'yung nakatira sa loob. Fifteen minutes pa akong nag-hintay at dumating din agad ang Uber, dumiretso na lang ako ng bahay. Busy sila Gael ngayon at mukhang mapapatagal sila dahil nung tinawagan ko siya ay hindi sumagot. Hindi ko alam kung anong iniisip ko, dapat ko nang tigilan ang buhay ni Savanna Castro. Kamukha ko lang siya! Kamukang kamukha pero magkaiba ang ugali at buhay namin. Napapaisip lang ako na paano niya kinaya ang pagpapanggap? Sinong bestfriend ang dahilan? Si Monique Agustin ba? Nagbuntong hininga ako. Pinatay niya ba talaga ang kapatid niya? Why would she kill her? Paano niya nakaya na pumatay? Hindi ordinaryong tao si Kyle Vergara, maaaring gano'n din kaya siya? Agent din kaya sila? Kinurot ko ang sarili ko. Stop thinking about someone's own life, Silvana! It has nothing to do with you! Pagdating ko sa bahay ay sakto naman na tumawag si Gael. "Nasaan ka?" Napapaos ang boses niya. "Are you currently on your mission?" Tanong ko kaya narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Yes, Vana. Hinahabol ko ang target ngayon.." May narinig akong kalabog sa kabilang linya. Napanganga ako, nasa mission siya ngayon at nagawa niya pa akong tawagan? "Gael Chavez, could you please focus on your mission first? Let's talk later!" Sermon ko. "Mamaya kung ano pang mangyari sa'yo dahil occupied sa pakikipag usap sa'kin ang utak mo!" "Oh.. It's okay.." Halos marinig ko sa boses niya ang pag nguso niya. Oh, Gael.. "Sige na nga, tatawagan kita mamaya.." At namatay na nga ang tawag. Napailing na lang ako at pabagsak na humiga sa kama ko. I just wanted to sleep all day! "Miss... Miss?" Mabigat ang mata na dumilat ako. Napapikit ulit ako dahil sa liwanag na tumama sa mata ko, napangiwi ako nang maramdaman ang pagkirot ng buong katawan ko. "S-savanna?" Pagtawag ng isang lalake. Dumilat ako ng mata, naharangan niya ang liwanag ng araw kaya unti-unti akong nakadilat. "S-sino ka? Nasaan ako?" Natatarantang tanong ko. Nanghihina ako, sobrang sakit ng ulo at nararamdaman ko ang dugo na tumutulo mula sa ulo ko. "Naaksidente ang sinasakyan mo.." Mahinang sabi nito. Hindi na ako nakapagsalita, hinang hina ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw. Halos hindi ko alam kung saan ako nakahiga ngayon. Bumigat ang pag-hinga ko. Mamamatay na ba ako? Bakit naging ganito? Ang naaalala ko lang ay dadalhin na ako sa presinto dahil pinaratangan ako na pinatay ko ang sarili kong kapatid. "C-chloe.." Halos walang boses na sambit ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko mula sa mata ko. Pilit akong naghanap ng hininga, hindi na ako makahinga ng ayos! Sobrang bagal na ng pagtibok ng puso ko. "s**t, s**t s**t!" Naririnig ko ang pagmumura ng lalake na kasama ko. Dumilat ako saglit, nakita ko ang nag-aalalang mukha niya. Kinakagat niya ang labi niya habang nakatingin sa'kin, may hawak siyang isang parang injection at mukhang nagdadalawang isip siya kung ituturok niya sa'kin ito. Sino siya? Ano 'tong injection na 'to? "Sorry.." Malungkot ang boses nito. "Sorry, Savanna Castro." At naramdaman ko ang pagturok nito sa leeg ko. Napapikit ako dahil lalong bumigat ang mata ko, halos maramdaman ko ang likido na dumaan sa leeg ko. "Sleep for now.." Mahinang sabi nito bago ako tuluyan na nawalan ng malay. Nagdilat ako ng mata nang marinig ang tunog ng parang makina. Puro puti lang ang nakita ko kaya mukhang nasa hospital ako. Biglang sumulpot sa paningin ko ang isang babae at isang lalake. "Are you awake now?" Tanong ng isang babae. "Do you remember your name?" "Ahm..." Pangalan ko? Ano bang pangalan ko? Sino ako? Bigla akong napaupo nang mapansin na wala ako ni isang maalala, bakit ako nandito? "Oh, calm down.." Sabi nung babae habang hinahawakan ang balikat ko. Ngumiti siya ng malambing at hinaplos ang buhok ko. "Your name is Silvana Rivera.." "S-silvana Rivera?" Ayun ba talaga ang pangalan ko? Bakit hindi ko matandaan? "Yes, you are Silvana Rivera.." Huminga ito ng malalim. "And i am your older sister, Agnes Rivera.." Kapatid ko ang babaeng 'to? Bakit ba ako nandito? Anong nangyari sa'kin? I feel so lost! Wala akong maalala! "Oh.. My little sister.." Naiiyak na sabi nito. "Sorry at hindi kita naprotektahan! Akala ko ay mawawala ka na sa'kin, kung hindi ka lang nadala ni Gael agad dito ay baka wala ka na sa'kin ngayon.." "G-gael?" Tanong ko. Lumingon siya sa tahimik na lalake na nandito, mataman ang titig niya sa'kin. Pinaglalaruan niya ng daliri niya ang ilalim ng labi niya. "Yes, si Gael Chavez.." Sagot ng babae. "Boyfriend mo si Gael, Silvana.." Natigilan ako. Nagtiim ang bagang ng Gael na 'to at nag-iwas ng tingin. Boyfriend ko siya? "Bakit hindi mo siya lapitan, Gael?" Tanong ni Agnes Rivera. Kinagat ni Gael ang labi niya at huminga ng malalim, mabagal syang lumapit sa'kin at pinagmasdan ang mukha ko. "Are you feeling fine?" Malumanay ang mata na tanong nito. Wala sa sarili na tumango ako, he must be really my boyfriend. I can feel his love through his eyes. Mabagal na tumango ako at tumingin kay Agnes Rivera na nakangiti. Napadilat ako ng mata at mabilis na napaupo. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Napahagulgol ako ng iyak nang sabay sabay na pumasok sa utak ko ang maraming nangyari sa buhay ko. Naalala ko na ang lahat. Naaalala ko na ang lahat! Nanginginig na tumayo ako ng higaan habang walang tigil ang paghagulgol. s**t! I can't take this. Para akong sasabog! Napaupo ako sa sahig nang hindi ko kinaya. Tinakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko at humagulgol ng malakas. I am Ynna Savanna Castro. May tatlo akong bestfriend simula nung bata pa ako, sina Billy Suarez, King Cadwell at Monique Agustin. Nagkaproblema sa pamilya namin kaya dinala ako sa Canada, bumalik ako dahil kay Monique na nagkaroon ng selective amnesia. Nagpanggap akong nerd para sa kanya, nag aral ako sa Kcads University at doon ko nakilala si Kyle Vergara. My boyfriend, Kyle Vergara. "Kyle.." Kahit nanghihina ang sistema ay tumayo ako. I need to see Kyle! Hindi ko pa alam kung makakaya ko pa kapag hindi ko pa siya nayakap ngayon. I need to see him! Nanginginig ako habang inaayos ang sarili ko. I am crying so hard at wala akong pakialam kahit marinig ako ng mga kapitbahay. I sniffed at pinunasan ang luha ko. Niloko ako ni Gael at Agnes Rivera, niloko nila ako. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD