XLII. Walang tigil ang pagtulo ng luha ko habang nakatayo sa labas ng bahay ko bilang Savanna Castro. Alas onse na ng gabi at hindi ko alam kung nasaan si Kyle, nanginginig ako ng sobra dahil sa lamig ng hangin at pag-iyak. Hindi ko alam kung nagpupunta pa si Kyle sa apartment na 'to na inupahan ko dati pero base na rin sa mga halaman na inaalagaan ko dati na ngayon ay buhay pa; ayun ang nagsasabi na nagpupunta pa dito si Kyle. Hindi ko alam kung pupunta siya dito ngayon pero wala na akong lakas na hanapin pa siya sa ibang lugar. I need to see him! Kailangan ko ng yakap niya para bumalik ang lakas ko. Kulay ang orange ng daan dahil sa ilaw ng poste, simula ng dumating ako thirty minutes ago ay wala pang dumadaan dito. Lagpas alas dose na ng madaling araw at nasa sari-sarili na nilang ba

