XLIII.
Bumalik din ako ng bahay ni ate Agnes ng mga alas-tres ng madaling araw, ayaw pa nga ako paalisin ni Kyle nung una pero nagpumilit ako. Kailangan kong bumalik, they will search everywhere just to find me and that's going to be a chaos.
"Vana! Ikaw na lang ang mag dadala ng cake?" Tanong ni Hana sa'kin.
"Sure!" Nakangiting sagot ko. Nandito kami ngayon sa headquarter, it's odd dahil nagbalik na ang memory ko. Para bang.. para bang nasa pugad ako ng mga kaaway.
Ngayon ang birthday ni ate Agnes. Kaninang madaling araw lang ng magkita kami ni Kyle at nagbalik ang memory ko. Wala pang ibang nakakaalam nito kundi si Kyle at ako, well baka sinabi niya na rin kila King ito and that's okay. I actually miss them so much.
"Guys! Nasa elevator na daw si ma'am Agnes!" Natatarantang sabi ni Dianne; secretary nila Gael. Mabilis na nagpunta sa kanya kanyang pwesto ang lahat. Hinawakan ko 'yung cake na nasa lamesa at pumwesto sa gitna.
"Oh, s**t!" Hindi magkandaugaga si Tyler sa pagsindi ng kandila ng cake na hawak ko kaya tawa kami ng tawa lahat.
"Happy Birthday to you...." Sabay sabay kaming nagkantahan lahat nung bumakas ang steel door nitong HQ. Tumambad ang gulat na gulat na mukha ni ate Agnes kaya natahimik ako.
"Happy birthday! Happy birthdaaaaay... Happy birthday to you!" Naghiyawan sila Hana dahil sa tuwa at ngiting-ngiti naman si ate Agnes, gulat na gulat at hindi inaasahan ang pangyayari.
"Blow the candle!" Sabi ng isang agent. Lumingon sa'kin si ate Agnes dahil ako ang may hawak ng cake kaya ngumiti ako, dahil sa pilit iyon ay baka nagmukha ito na ngiwi.
"I wish everyone's health and... loyalty!" Maligayang sabi ni ate Agnes bago i-blow 'yung kandila. Loyalty, meron ba ako no'n? How can i be loyal to them?
"Thank you, everyone! Hindi ko inaasahan 'to.." Sabi niya habang nililibot ang tingin sa paligid. Halos nandito ang lahat ng agent, may mga nilagay sila na decorations kaya nagmukhang party talaga. Yung mahabang lamesa sa pinakagitna ay punong-puno ng masasarap na pagkain. Yung mga regalo naman ay nasa mga bilog na lamesa sa pinaka-dulo.
Napakurap ako nang bigla akong yakapin ni ate Agnes. "Thank you for this.."
"Actually.. sinama lang talaga ako nila Hana! Sila ang nag-isip nito." Natatawa na sabi ko kaya ngumiti siya at binalingan sila Hana, niyakap niya sila isa-isa at nagpasalamat.
Sana ay bumalik na lang ang memories ko matapos ng party na 'to. Kasi kahit ang saya saya ng ambiance ay hindi ko magawang maging masaya, lahat ng tao na nandito ay niloko ako. Alam kong alam nila lahat na nagkaroon ako ng amnesia at hindi talaga ako si Silvana Rivera. Magkahalo ang emosyon ko, galit ako sa kanila pero hindi. Napamahal na ako ng sobra sa kanila dahil tinuring naman nila ako na parang matagal nang kaibigan, na para bang ako talaga si Silvana Rivera na matagal na nilang kakilala.
But yeah, mas lamang ang sakit sa puso ko kesa sa takot. Nagbuntong-hininga ako. I guess i just need to pretend na hindi pa bumabalik ang memories ko, kailangan kong makihalubilo sa kanila kung paano ko sila pinakisamahan sa loob ng lagpas isang taon.
Biglang may humawak ng bewang ko kaya napaigtad ako. Nilingon ko iyon at nakita ang seryosong mukha ni Gael, napaiwas ako ng tingin nang maalala ang sinabi ni Kyle kagabi.
"Can you please not allow that bastard to touch you?"
Pasimple kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko at tinulak siya papunta sa mga pagkain. Kumunot ang noo niya kaya pinandilatan ko siya ng mata.
"Let's eat! I'm hungry.." Ngumuso ako kaya napangisi siya.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya kaya tinuro ko 'yung mga gusto ko, siya na mismo ang naglagay ng mga iyon sa pinggan ko at pinapanood ko lang siya. He's really taking care of me too much. Mukhang mahihirapan talaga akong magpanggap dahil maiilang ako sa ka-sweet-an niya.
Wait, so dalawa sila ni Kyle na boyfriend ko?! But Kyle is my real boyfriend. I love Gael, pero ngayong iniisip ko ito ay hindi iyon love bilang isang girlfriend; mahal ko siya dahil isa siya sa nag-alaga sa'kin nung wala ang memories ko. I love him but not in a romantic way. Hindi ko alam kung mahal niya talaga ako o kasama lang ito sa panloloko nila sa'kin, maybe he's just pretending? Parang kinurot ang puso ko dahil doon. I love them dearly though, hindi ko lang maiwasan na magtanim ng hinanakit.
"What else?" Tanong ni Gael habang pinupuno ang plato ko.
"Hey! That's more than enough!" Sabi ko habang pinipigilan siya maglagay ng kung anu-anong pagkain sa plato ko.
"Kailangan mong kumain, Vana.." Aniya sa nag aalalang tono. "Tignan mo sarili mo, you look so stress."
Ngumiti ako. "I'm just tired.." Ngumuso siya at minuwestra ang upuan sa tapat nila Hana, umupo ako doon saka niya inilapag 'yung pagkain ko sa harap ko. Punong puno talaga ito! Mauubos ko ba 'to?
"Woah! Bibitayin ka na ba bukas, Vana? Parang huling kain mo na 'yan ah?" Halakhak ni Romeo; isa sa mga agent.
"Si Gael ang kumuha nito para sa'kin!" Naiiling na sabi ko kaya ngingisi-ngisi na nilingon nila si Gael na palapit na ngayon galing sa pagkuha ng sarili niyang pagkain.
"What?" Supladong tanong ni Gael nang makita na nakatingin sa kanya ang lahat ng nandito sa lamesa. Nag-iwas sila ng tingin pero mga nakangisi pa rin, takot pa rin talaga sila sa kanya.
Hindi na iyon pinansin ni Gael at kumain, samantalang ako ay tahimik. Mukhang ang sasarap ng pagkain pero parang wala akong gana kumain, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Bakit sila nag sinungaling sa'kin? Bakit hinayaan nilang maniwala ako na ako si Silvana Rivera?
"What are you thinking?" Gulat na lumingon ako kay Gael na mabagal na ngumunguya habang nakatuon ang mata sa'kin. "You look sad, what is it?"
Kinagat ko ang labi ko at binaling ang tingin sa pagkain ko. "Iniisip ko lang kung paano ko uubusin 'to.." Sagot ko. Si Gael siya, alam kong hindi niya bibilhin ang ganitong palusot pero hindi na lang siya nagsalita.
"Ang alat naman nitong isang menu!" Reklamo ni Krizel na katabi si Tyler, tinuturo niya ang isang kulay orange na pagkain.
"Hindi naman ah?" Sabi ni Tyler, halata sa pagsasalita niya ng tagalog ang pagiging foreigner.
"Maalat nga! Taste it again." Sabi ulit ni Krizel, bored na tinikman ni Tyler iyon at nilasahan bago umiling.
"I told you, it's not!" Natatawang sabi nito. Umapila naman si Krizel, napakagat ako sa labi ko nang maalala kaming dalawa ni Kyle.
Pinagluto ko si Kyle dati at confident ako dahil ilang beses kong pinanood sa internet ang recipe no'n. Kyle looooves kare-kare so much! Kapag nasa restaurant kami ay hinahanap niya agad kung may ganoon. Kahit mahirap ay pinagluto ko siya pero confident talaga ako.
"How is it?" Kinakabahan na tanong ko nang tinikman niya 'yung luto ko. Hindi siya sumagot at tumikim ulit, mabagal siyang lumingon sa'kin kaya napalunok ako.
"Is this your first time to cook this?" Tanong niya kaya tumango ako. Ngumiti siya at tumango rin. "It tastes good!"
Nanlaki ang mata ko. "Really?!"
Tumango siya at pinanood ko siyang kumain. Hindi ko maiwasan na mapangiti, mukhang nagustuhan niya nga dahil tuloy-tuloy ang pagsubo niya.
"Why aren't you eating?" Tanong niya nang mapansin na pinapanood ko lang siya.
Ngumuso lang ako at naglagay ng kare-kare sa kanin ko. Sumubo ako ng marami pero nabulunan ako kaya nagmamadaling inabutan niya ako ng inumin, tinanggap ko naman iyon at uminom bago siya tignan ng masama.
"What?" Tanong niya.
"Ang alat kaya!" Inis na sabi ko kaya kumunot ang noo niya. Ang alat ng luto ko, hindi lang basta maalat. Sobrang alat!
"It's not.." Mahinang sagot niya kaya kinagat ko ang labi ko.
"Yes it is, Kyle. Maalat talaga, wag mo na itanggi.." Walang ganang sabi ko. I feel bad for him! Ang alat ng luto ko at ang dami niya na agad nakain. Tiniis niya lang para hindi ako mapahiya.
"It's your first time cooking it anyways," Aniya at ngumiti. "It's not that bad you know, you can cook it again for me next time.."
"And now your smiling," Napalingon ako kay Gael na nakatingin na naman sa'kin. "What are you thinking this time?"
Napawi ang ngiti ko at tinuro sila Krizel at Tyler. "Natatawa lang ako sa kanila.."
Umiling-iling siya habang parang na-aamaze na tinitignan ako. "You're a real moody."
Nagkibit-balikat na lang ako at kumain, nagpatuloy ang party hanggang mag-gabi. Pinayagan din sila na mag-inuman kaya tuwang tuwa silang lahat.
"Sir Gael, payagan mo naman si Vana mag shot!" Ani Romeo, namumula na siya at medyo malikot na.
"Oo nga naman, sir! Birthday naman ni ma'am Agnes e!" Gatong ni Dianne kaya naramdaman ko ang paglingon sa'kin ni Gael. Mapungay na ang mata niya dahil marami-rami na siyang nainom.
"Ano ba kayo! Ayoko.." Tanggi ko kaya ngumisi si Gael. Pinatong niya ang braso niya sa sandalan ng upuan ko at prenteng sumandal sa sandalan ng upuan niya.
"Ayaw niya kaya wag niyo nang pilitin." Namamaos na sabi ni Gael. Hindi na nagpumilit sila Hana, natatakot din naman sila kay Gael dahil medyo may pagkasuplado ito.
Nagkakasiyahan ang lahat nang biglang tumunog ang alarms sa bawat sulok ng HQ, umilaw ang mga pulang ilaw hudyat ng WARNING. Nagulat ang lahat at biglang napatayo sila Tyler, what's going on? May nagtrespass ba na intruder?
"Someone hacked our site! Shit.." Mura ng mura si Tyler habang walang tigil sa pag pindot sa computer niya. Nanlaki ang mata ko at lumingon kay Gael na tumayo na at nakapamewang na pinapanood ang ginagawa ni Tyler.
"Oh my gosh! First time na may nakapag hack ng site natin," hindi makapaniwalang sabi ni Rose habang pinapanood ang ginagawa ni Hana sa computer nito. "Masyadong secure ang site natin at mga information kaya kung may makagawa man nito, i think they're not ordinary.."
"What's going on?" Nagmamadaling pumasok dito si ate Agnes.
"Ma'am, may nanghack ng site natin.." Nag-aalangan na sabi ni Dianne.
"What?!" Namilog ang mata ni ate Agnes. "Gawaan niyo ng paraan agad! Secure the personal informations!"
Kinagat ko ang labi ko at pinanood sila. Nakahawak sa noo si ate Agnes at nakapikit, si Gael naman ay nakatayo sa gilid ni Tyler habang nakakunot ang noo, tinanggal niya ang unang butones ng suot niyang white longsleeves at huminga ng malalim. Nawala ang kalasingan ng lahat dahil hindi pa tumitigil ang WANG WANG sa paligid at nakabukas pa rin ang mga pulang ilaw.
"Dammit!" Mura ni Tyler at binagsak ang kamay sa lamesa. "Almost one month nang na-hacked ang site natin at hindi tayo aware dahil magaling ang nang-hacked. Whoever did this, he or she is a beast! I'm stunned.."
"One month?!" Gulat na sigaw ni ate Agnes. "How the hell did they do that?! Hindi masyadong malakas ang security niyo kaya nangyari 'to! Hindi niyo ginagawa ng maayos ang trabaho niyo!"
"Ma'am, sobrang higpit ng securities natin. Ni kami ay walang idea kung paano nagawa ng hacker ito, maybe they're from another agency.." Ani Hana.
"Hindi pa tumitigil ang wang wang; means nasa site pa natin ang hacker.." Ani Romeo. "Tyler, can we track the hacker's location?"
Tumango ito. "Let's do that.."
Napaupo ulit ako at napahawak sa buhok, ayokong isipin 'to pero wala akong ibang naiisip na makakagawa nito ay kundi si Kyle. I hope i'm wrong, he shouldn't do this. Mapapahamak siya! Tumayo ulit ako at nagpunta sa banyo, tinignan ko ang lahat ng cubicle kung may tao. Nang makumpirma kong wala ay tinawagan ko si Kyle.
Nakakailang ring pa lang ay sinagot na niya.
"Kyle.."
"Hey.. I miss you.." Malambing na sabi niya kaya kinagat ko ang labi ko. I miss you too, alright.
"Did you do it?" Nag-aalangan na tanong ko. "Are you the hacker?"
Hindi siya agad sumagot kaya napamura ako sa isip ko. "Kyle, makinig ka sa'kin. You shouldn't do that! Tina-track nila ang location mo ngayon, please stop it.."
"Well, that's better. Ang plano ko ay ako ang pupunta sa kanila pero kung sila ang lalapit sa'kin, that would be a less of work." Walang emosyon ang boses niya kaya napahawak ako sa sentido.
"One month ago mo pa na-hacked? Bakit nag warning ngayon? May nagawa ka bang mali? If you want to hack the site, gawaan mo na lang ng paraan para magtigil ang WARNING!So they would stop tracking you!" Pabalik-balik ako na naglalakad dito sa loob ng banyo.
"You know, i could stop that. But i just wanted to warn them.." Malamig ang boses niya, nakakakilabot. "They need to be aware that they have an enemy here.."
"Oh, Kyle.. Please.." Nanginginig na ang boses ko. Alam kong wala siyang takot pero natatakot ako para sa kanya! I can't lose him this time, he needs to chill! "Can you stop it for me? This is for your own safety, please.."
"Sure, i already warned them so i think that's enough for now.."
Nakahinga ako ng maluwag. "Thank you.. Para sayo naman 'to, nag aalala lang ako para sayo! You have no idea how worried i am right now."
"Sorry for making you worried.." Malambing na sabi niya. Napanguso ako, nanlalambot talaga ako 'pag ganito ang boses niya. Tumigil ang wang wang sa paligid kaya nakahinga ako lalo ng maluwag.
"Don't do that again, alright?" Pumikit ako. "Anyways.. I miss you, too.."
"Can we meet later?" Halos makita ko ang pag-ngisi niya ngayon dahil sa boses niya.
"We always can, Kyle." Kinagat ko ang labi ko.
"Well, that's just made me happy.." He chuckled. "Text you later."
"Sure."
"I love you.." His voice was husky, hindi ko maiwasan na mapangiti. Kinagat ko ang kuko ko dahil sa gigil.
"I lov--"
"Vana?" Biglang bumukas ang pinto ng banyo at tumambad si Gael kaya mabilis kong tinago ang phone ko sa bulsa ko.
"Why?" Tanong ko. "Naghuhugas lang ako ng kamay.."
"Really.." Aniya habang nakatingin sa bulsa ko kung saan nandoon ang phone ko. "Then, let's continue the party. Nag-stop na 'yung warning.."
Tumango ako at ngumiti. "Okay.."
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ