XLIV.
Pagka-alis na pagka-alis ng kotse ni Gael ay nagmamadali na agad akong umakyat sa kwarto ko. Naligo, nagbihis at nagpabango. Nangako ako kay Kyle kanina na pupuntahan ko siya, lumingon ako sa wall clock at nakitang alas onse na ng gabi.
Hindi ko maiwasan na malungkot, we're at it again. Tago na naman ang pagkikita namin dalawa tulad nung nagpapanggap pa ako, pero mas nakakatakot ngayon kapag nahuli kami. Maaaring mapahamak si Kyle at hindi ko kakayanin iyon.
Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng bahay ay sinalubong na ako ng yakap ni Kyle, mabuti na lang talaga ay nagpaligo ako ng pabango! Hinalikan niya ako ng isang beses sa labi at hinawakan ang magkabilang pisnge ko habang nakaharap sa kanya.
"What took you so long?" Nakakunot ang noo na tanong niya kaya ngumuso ako. Kinagat niya ang labi niya habang pinagmamasdan ang mukha ko. "You're too cute.."
Hindi maiwasan na mag init ng mukha ko dahil doon, nag iwas ako ng tingin at niyakap ang bewang niya ng isang kamay ko. Hinila ko siya papunta sa sofa para umupo pero nauna agad siya at hinila ako paupo sa lap niya. Tuluyan nang namula ang pisnge ko, niyakap niya ang bewang ko at nilagay ang mukha niya sa balikat ko at pumikit.
Hinaplos ko ang buhok niya habang nangingiti, para talagang tuta ang isang 'to. He just loves being clingy and i like it.
"You're still renting this?" Tanong ko habang nililibot ang tingin sa bahay na tinirhan ko dati. Literal na walang nagbago! The furnitures, the aesthetic paintings. Itong-ito pa rin lahat!
"Nah, i bought this.." Mahinang sagot niya kaya napalingon ako sa kanya.
"Really? Why?" Gulat na tanong ko. "May bahay naman kayo nila King ah? Dito ka na ba nakatira?"
Umiling siya. "Pumupunta lang ako dito kapag namimiss kita. Ayaw ibenta ng may-ari 'to nung una but i tripled the price. You know, my memories with you is in here, even your smell is still in the room.." Aniya at nag angat ng tingin at sininghot ang bandang leeg ko kaya kinilabutan ako. "It's sad that you changed your perfume.."
Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan siya. Nakakalungkot lang na parang hindi siya nag-try na mag move on, paano kung patay na talaga ako? Kung hindi talaga ako naka-survive sa aksidente? Habang buhay na lang ba siya na magiging ganito? What did i do to this man?
"You didn't even try to move on?" Malungkot na tanong ko kaya nag-angat siya ng tingin. Tumaas ang isang kilay niya at huminga ng malalim.
"I tried, alright." Aniya. "I just can't. I'd be lying if I told you losing you was something i could handle.."
Naramdaman ko ang pag iinit ng mata ko. Hindi ko pa rin maiwasan na maging emotional, ang tagal naming hindi nagkita at nagkasama. I really really really missed him so much, namimiss ko pa rin siya ngayon kahit na magkasama na kami. Hindi ko nasaksihan ang lagpas isang taon na buhay niya na dapat ay magkasama kami. And i literally missed those.
"Hindi ka ba nagtaka na bigla mo na lang ako nakita sa mall kahit na ang alam niyo ay patay na talaga ako?" Tanong ko habang pinapanood ang kamay ko na pinaglalaruan niya.
"The truth is, i had this feeling that you're still alive."
"Really?!"
"Yeah." Tumango siya at sinubsob ulit ang mukha niya sa leeg ko. Now i can feel his breathe on my neck! "I actually looked for you, kahit ilang beses nang pumasok sa isip ko na naghahanap lang ako sa wala ay hindi ako tumigil. But i just can't. Kinain mo ang sistema ko, Savanna.."
"Noong nakita mo ako sa mall, sigurado ka ba na ako agad 'yon?" Tanong ko.
"Of course, my heart skipped so damn hard that time. Only you can do that to me.." Malambing pero parang may tampo na sabi niya. "You pushed me when i hugged you.."
Ngumuso ako. "I had an amnesia, alright! But believe me, i cried so hard when we left you. I don't know, it hurts seeing you like that; even though you're a stranger to me that time.."
"Really?" Gulat na tanong niya. "Sorry for making you cry.."
"Well, you cried a thousand times because of me.." Malungkot na sabi ko at hinaplos ang pisnge niya. "Don't you dare shed a single tear because of me again, okay?!"
Ngumuso siya. "Well, i think i couldn't stop it while i watch you walking down the aisle. That's worth a gazillion tear, i think."
Nanlaki ang mata ko, naramdaman ko ang pamumula ng buong mukha ko. Kinagat ko ang labi ko. Nandoon na siya? He's thinking about marrying me someday? Oh my God. Calm down, Savanna! Matagal pa 'yon, okay? Kumalabog ang puso ko habang iniisip iyon, parang may nagwawala sa tiyan ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"S-so.. Kailan mo na-realized na may amnesia ako?" Tanong ko kaya nagkibit balikat siya.
"Billy told me.." Sagot niya.
Magsasalita pa dapat ako pero bigla na lang bumukas 'yung pinto. Mabilis akong napalingon doon at tumambad si Billy kasunod sila King sa likod niya.
"I heard my name here." Malamig na sabi ni Billy.
"Hmm, what's with the position?" Nangingiwi na sabi ni Monique na nakasilip mula sa likod ni King. Mabilis akong napatayo dahil sa hiya pero hinila ulit ako paupo ni Kyle kaya napatakip na lang ako sa mukha.
"Can you please go away?" Inis na tanong ni Kyle at hinila pa ako palapit sa kanya. Uminit ng husto ang mukha ko.
"Wag kang madamot, we missed her too.." Sabi ni Billy kay Kyle bago ako hilahin patayo. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napapikit ako at niyakap siya pabalik.
"How's our bunso?" Bulong niya kaya hindi ko na naiwasan na mapahikbi. Ngayon ko lang na-realize kung gaano ko na-miss ang mga bestfriend ko.
"I'm fine.." Nanginginig na sagot ko. Naramdaman ko ang paghila sa'kin kaya napakalas ako kay Billy, nag angat ako ng tingin at nakita si King na malamig pa rin ang mata.
"We met again." Nakangising sabi niya kaya pinalo ko siya sa dibdib at niyakap na rin ng mahigpit. Napahagulgol na ako. They are my bestfriends, alright. Mga kasama ko na sila simula bata pa lang ako.
"Can you please make it fast?" Narinig ko ang boses ni Monique kaya napalingon kami sa kanya. Basang basa na ng luha ang mukha niya, lumingon sya kay Kyle na nakakunot ang noo na nakaupo. "I think he's jealous?" Natatawang sabi niya kahit may tumutulo na luha.
Narinig ko ang mahina at pang-asar na tawa ni Billy. Napatawa ako at humikbi bago siya yakapin ng mahigpit. Napahagulgol kami pareho, siya ang bestfriend ko simula nung baby pa lang kami. Bestfriend si mom at si Tita Mary na mother ni Monique.
"I-i miss you so much!" Umiiyak na sabi niya. "Sabi ko na nga ba ikaw 'yung nakita namin sa mall kaya sinabi ko kila Billy at hindi nga ako nagkamali!"
Kinagat ko ang labi ko at pinunasan ang luha. "I-i miss you, too.."
Nag-iyakan pa kami ni Monique ng ilang sandali, parang gusto kong yakapin silang lahat ng sabay sabay. Pinigil na rin kami nila King sa pag-iyak, ngayon ay nakaupo kami dito sa sofa.
Katabi ko si Kyle sa kaliwa na nakahawak sa bewang ko, si Billy naman ay sa kanan ko na nakahalukipkip. Si Monique at King naman ay magkatabi sa kabilang sofa.
"So, what happened? Paano ka nakaligtas? Paano nangyari na buhay ka kahit apat 'yung katawan na nakuha doon sa police car? Tatlong pulis ang kasama mo, diba? How did it happen na may ibang bangkay ng babae doon?" Sunod sunod na tanong ni Monique, nalilito.
Napaisip ako. May nakitang bangkay ng babae doon? Napahawak ako sa buhok ko at inisip 'yung nangyari nung mga oras na 'yon. Napaangat ako ng tingin nang maalala ko.
"Noong papunta kami sa presinto, may isang magandang babae na nakisakay sa'min dahil papunta rin siya ng presinto para dumalaw sa kapatid niya." Sabi ko habang nag iisip.
"f**k, i knew it." Tatango-tango na sabi ni Billy kaya napalingon kami sa kanya. "Nung matapos ang aksidente ay may babae na pinaghahanap at nakita ang kotse niya malapit sa pinagganapan ng aksidente."
"Missing pa rin siya hanggang ngayon?" Tanong ko kaya tumango siya.
"Oo. Hindi sumusuko ang pamilya niya, mayaman sila kaya kahit matagal na ay hinahanap pa rin," Aniya. "No one knows that she's already dead dahil ang alam ng lahat ay ikaw ang bangkay na 'yon.
Napatahimik ako. May nadamay pa pala dahil sa'kin.
"Then, how did you manage to escape Vanna?" Tanong ni King.
"Hindi ako tumakas," Yumuko ako. "I don't know what happened, basta pagkagising ko na lang wala na akong makilala at sinabi sa'kin na ako si Silvana Rivera.."
"So, niloko ka nung mga nakasama mo?" Kumunot ang noo ni Monique pero kumislap ang mata. "What's the hot guy's name again?"
Tumalim ang tingin sa kanya ni King kaya napahagikgik ako. Narinig ko na naman ang pigil na tawa ni Billy at ang inis na pag hinga ni Kyle.
"He's Gael.." Sagot ko kaya naramdaman ko ang matalim din na tingin sa'kin ni Kyle.
"Even his name is pretty hot!" Amaze na amaze na sabi ni Monique. "Don't you think our name matches? He's Gael and i am Gale.."
"Agustin.." Malamig na sabi ni King kaya sabay kaming napahagikgik. She's doing it on purpose! Inis na nakatingin sa kanya si King kaya ngumiti siya dahilan para mawala ang mga mata niya. Oh.. sinong makakatiis ng ganyan kagandang ngiti?!
"Jelly.." Halakhak ni Monique habang pinipisil ang ilong ng nagtataray na si King.
"Should i go? I feel out of place here.." Walang emosyon na sabi ni Billy kaya natatawang hinaplos ko ang likod niya.
"Then find a girl!" Tumawa ako.
"For your info, Vanna. There's this super cute highschool girl that is chasing him around lately," Sabat ni Monique. "But he's ignoring her!"
"Tss.." Irap ni Billy kaya napangiti na lang ako. I wish i could see it, sana ay nakikita ko ang mga nangyayari sa buhay nila pero hindi pwede iyon. Iba ang school ko sa kanila at hindi ko pa pwede i-expose ang sarili ko. Kilala ako ng ibang tao bilang babaeng pumatay ng sarili niyang kapatid, kapag nalaman nilang buhay ako; pati mga pulis ay makakalaban ko ngayon.
"May alam na ba kayo kung sino ang gumawa sa'kin non?" Pumikit ako. "Kung sino ang pumatay kay... Chloe.."
"Wala pa.." Mahinang sagot ni Billy. "Masyadong malinis ang pagkakagawa, Vanna. Wala siyang kahit isang iniwan na ebidensya."
Yumuko ako. I bet mahihirapan pa kami, lalo na ngayon na matagal nang nangyari iyon. Napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ang itsura ni Chloe nung huli ko siyang nakita sa kwarto niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Kyle sa kamay ko.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong niya. Huminga ako ng malalim at tumango. I should not cry, i don't wanna cry again. Ayaw ni Chloe nang umiiyak ako ng dahil sa kanya, kahit ayun na lang ay gusto kong magawa para sa kanya. Hindi ko siya nagawang iligtas kahit nangako ako sa kanya, i feel terrible and it breaks my heart so much.
"Can you help me, guys?" Tanong ko kaya napalingon silang lahat sa'kin. "Justice. I want justice for my sister.."
"Come on! You don't need to ask that!" Nakangiting sabi ni Monique. "Wether you like it or not, we'll still help you."
"Well, that's bad." Tumatawang sabi ko.
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ