fourty five

2333 Words
XLV. Ngumuso ako habang nililingon ang kotse ni Kyle na nakasunod sa taxi na sinasakyan ko. Matapos namin mag-bonding nila Monique ay napagpasyahan ko na rin umuwi, hindi pwedeng malaman ni ate Agnes na wala ako sa bahay. Tatanungin niya ako kung saan ako nanggaling. Ayaw kong magpahatid kay Kyle dahil baka makita kami, kaya ang ginawa niya ay sinusundan niya na lang 'yung taxi na sinasakyan ko. He wants me okay, he's worried. I get it, alright. But i can handle myself, inaamin ko naman na hindi nila ako kasing galing sa pakikipaglaban. But Gael and ate Agnes trained me, mas magaling na ako ngayon kesa dati. But he's Kyle, siguro natatakot lang siya na mawala ulit ako sa kanya. Hindi ko maiwasan na malungkot, gano'n ba talaga kahirap para sa kanya nung nawala ako? Nang makarating kami sa bahay ay pasimple ko agad na nilingon ang kotse ni Kyle, tinaasan niya ako ng kilay bago lumagpas ang kotse niya sa kinatatayuan ko. Sinundan ko na lang ng tingin ang lumalayo na niyang kotse at naiiling na binuksan ang gate, talagang sinigurado niya lang na makakauwi ako ng ayos. "Saan ka galing?" Halos maestatwa ako nang makita si ate Agnes na nakaupo sa pulang sofa pagkabukas ko ng pinto. She's on her white pyjama, naka-bun ang buhok niya at nakasuot ng glasses. "Bakit gising ka pa?" Pag iiba ko ng usapan kaya tumaas ang kilay niya. "Gumagawa ako ng report," sagot niya kaya napalingon ako sa nakabukas na laptop sa harap niya. "So, where have you been? 3am na.." "Sa condo.. ni Gael." Pagsisinungaling ko. Ilang sandali niya akong tinitigan bago tumango at ibinalik ang tingin sa laptop. Kailan pa ako natutong magsinungaling?! "Go to sleep. May klase ka pa bukas," Aniya bago uminom sa kape niya. "And may pupuntahan ka bukas, makikipagkita kayo nila Romeo sa client." "Bakit kami ang makikipag meet?" Umupo ako sa tabi niya. Usually kasi ay si ate Agnes talaga ang nakikipagkita sa client at saka nila pag uusapan ang gustong mangyari nito. "Marami tayong client, may iba pa akong imi-meet." Tumaas ang kilay niya. "Isa lang ang katawan ko, hindi ko mahahati." "Why are you so grumpy right now?" Nakangiting tanong ko kaya sumimangot siya. "I'm just tired.." Mas lumapit pa ako sa kanya at isinukbit ang kamay ko sa braso niya, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya kaya naamoy ko ang babaeng babae at mamahalin niyang pabango. "You love me, right?" Tanong ko kaya tumaas na naman ang kilay niya. "Coz' you know, i really love you and Gael.." Totoong napamahal na ako sa kanila, kahit niloko at pinaniwala nila na ako sa Silvana Rivera; hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala at isipin ang nararamdaman nila. I love them, i really do. They're like my second family. Pero hindi ko maiwasan na mapaisip, do they really love me? "Of course, i love you. You're my sister.." Sabi niya habang mataman na nakatitig sa'kin. "Tinatanong pa ba 'yan?" Ngumiti ako. "Just wanted to hear it," Tumayo na ako para magpunta sa kwarto ko. "Matutulog na ako ate Agnes, how about you?" "I'll just finish this." Binalik niya ang tingin niya sa laptop kaya tumango na lang ako at nagpunta sa kwarto ko. Nag-half bath muna ako at nagpalit ng pantulog, pabagsak na humiga ako sa kama ko. Tinext ko muna si Kyle na matutulog na ako bago pumikit. "Bakit hindi na lang ikaw ang pinasama sa'kin ni ate Agnes?" Tanong ko kay Gael habang naglalakad kami sa school kinabukasan. Ngumiwi siya. "May iba akong pupuntahan, i'm a busy person too.." "Pero wala akong masyadong alam do'n! I don't how to approach a client," Ngumuso ako. "Pwede bang sa iba na lang?" Humalakhak siya at ginulo ang buhok ko. "Maalam si Romeo do'n, wag kang mag-alala. Just talk to them comfortably. But you need patience, baka arogante ang makausap niyong client ngayon.." Tumango ako at ngumiti. Mamaya pa naman kami magkikipagkita ni Romeo do'n, napag-usapan na namin kanina sa phone kung paano kami magkikita. Romeo is a very kind and funny friend, but he's a heartless agent. Wala siyang pakialam kung may madadamay na ibang tao, kahit na inosente pa 'to. As long as magagawa niya ang mission niya, ayos na sa kanya. Iniwan na ako ni Gael dahil may lakad pa siya, samantalang ako ay may klase pa after one hour kaya wala akong magawa kundi tumunganga dito sa garden ng school. I kinda miss my Kyle so i texted him. Hindi ko alam kung may klase siya ngayon, hindi ko pa natatanong. Sana wala, gusto ko muna siyang maka-text dahil hindi kami makakapagkita ngayon. Me: I miss you :( Hindi agad siya nagreply. Almost thirty minutes muna akong naglaro ng Gun Fu sa phone ko bago nag pop up ang reply niya sa taas ng screen, kahit sinisipag sa paglalaro ay nagmamadali kong binasa ang text niya. Kyle: Nasa klase ako. I miss you too. Can we meet later? Me: We can't. May pupuntahan ako later :( Sumandal ako sa sandalan ng bench na inuupuan ko habang pinapanood ang mga estudyante. I miss being a normal student, 'yung walang pinoproblema kundi ang exams at projects. Kyle: Mission again? Can you stop that now? I want to stop. But, what can i do? Ito ang ginagawa ng mga taong kasama ko ngayon. Ito ang bumubuhay sa'min. Kinagat ko ang labi ko, nung may amnesia pa ako ay nakakaya ko pang pumatay ng tao. Pero masisikmura ko ba na gawin iyon ngayon kahit na alam ko nang hindi naman ako ganito dati? Me: Makikipag-usap lang kami sa client, hindi ko pa alam kung sa'kin ba iuutos ang mismong mission. Kyle: Yeah? Sinong kasama mo do'n? Me: Si Romeo. He's a friend, agent din siya. "Silvana.." Napaangat ako nang tingin nung marinig kong may tumawag sa'kin. "Yes?" Tanong ko sa babaeng nakatayo sa harap ko. Maiksi ang buhok niya at may yakap siyang dalawang libro. Hindi ko siya kilala pero halatang kilala niya ako. "Curious lang ako," Umupo siya sa tabi ko bago ipakita ang phone niya. "May nakita kasi kami na babaeng kamukhang kamukha mo. Si Savanna Castro." Natigilan ako. "S-sino 'yon?" "Hindi ko rin kilala e." Aniya. "Pero para kasing kayong kambal kaso magkaiba naman ang pangalan niyo." "Ah, no.. Hindi ko siya kilala, baka kamukha ko lang?" Nakangiting sabi ko kaya tinitigan niya muna ako, parang tinatantya kung nagsisinungaling ba ako. "Really? Ang galing kasi, tanging buhok lang ang pagkakaiba niyo. Blonde ka at itim ang buhok niya.." Nagscroll down pa siya para ipakita ang mga pictures ko bilang Savanna. "See? Pati aura niyo parehong pareho. You're both intimidating.." "Am i intimidating?" She nodded. "You really are. Siguro dahil gano'n din ang boyfriend mo na si Gael." Ngumiwi siya. "Anyway, kaya gusto kong itanong sayo kasi pinagtatalunan namin ng mga friends ko 'to.." Kumunot ang noo ko. "Bakit?" "Dahil kamukha mo nga, as in super. Na-curious kami sa pagkatao niya." Tumingin siya sa mga mata ko habang seryoso ang mukha. "Savanna Castro is a killer, pinatay niya ang sarili niyang kapatid. And fortunately, she died because of accident. Kaya sabi ng mga friends ko ay baka daw iisang tao lang kayo, baka daw nagpapanggap ka lang bilang Silvana Rivera para makatakas sa krimen na ginawa mo.." Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Nararamdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko, maybe Kyle already replied. "Really?" Ang tanging lumabas sa bibig ko. "Wag ka sanang ma-offend!" Sabi niya habang wine-wave ang kamay. "Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila kaya gusto kong i-confirm mismo sayo para sabihin ko sa kanila na nagkakamali sila.." Ngumiti ako. "That's not true, why would i kill my own sister? May kapatid akong babae, hindi ko ma-imagine na gagawin ko sa kanya 'yon." "I know right!" Maligayang sabi niya. "Tsaka nakita ang bangkay ni Savanna Castro sa scene kaya imposibleng ikaw 'yon, she's already dead." Tumawa ako ng pilit. "Yeah.." Binaling ko ang tingin sa phone ko na may text ni Kyle. Kyle: Ah, that? Me: You know him? "Silvana, alis na ako ha. Sorry sa istorbo," Ngumiti siya bago tumayo. "Sana hindi ka nagalit, alam ko naman na hindi ikaw 'yon. Hindi mo magagawa 'yon, diba? Killing your own sister, karma na lang 'yung nangyari kay Savanna Castro." Naramdaman ko ang gumuhit na kirot sa puso ko. Totoo ba? Deserve ko ba talaga ang mamatay sa paningin ng ibang tao? "No problem." Sabi ko. Ngumiti na lang siya at umalis, napahawak ako sa dibdib ko at yumuko. I didn't really kill Chloe, why would i do that? It broke my heart seeing her dead, too. Kinagat ko ang labi ko at pinigil ang pagtulo ng luha. I'm so sensitive! Nakakainis. Kyle: I hacked your agency's personal site remember? Binasa ko ang ibang information. Gusto kong malaman ang katauhan ng mga nakakasama mo. Don't worry, i won't spill. Me: You shouldn't! Did you read mine too? Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko. Twenty minutes na lang ay may klase na ako, tumayo na ako para maglakad papunta sa klase ko. Better early than late. Here i go, again! Nagsisipag na naman sa pag aaral, nerd Savanna's back. Kyle: Yeah. You eliminated 14 people in fifteen months. What a heartless girl. Kinagat ko ang labi ko. He really did read it! Nakalagay kasi sa information namin kung ilan na ang naging mission at napatay namin. 14 people is quite plenty, Gael has almost 60 though. Me: :( Kyle: Don't worry, alam kong hindi mo na madadagdagan iyon. My Savanna's back and she won't kill anymore. Me: Why are you so sure about that? :) Kyle: Because i won't let you. You can't disobey me, you just can't. Sa text pa lang niya ay parang nakikita ko nang nakangisi siya ngayon. He's damn right! I can't kill anyone anymore, tsaka kung gugustuhin ko man ay pipigilan niya ako. Sa tingin niya pa lang kapag may ginagawa akong hindi niya nagustuhan ay nanlalambot na ako. I actually cried at him nung una kaming nag-usap nung bumalik ang memory ko, hindi ako makapaniwala na naatim kong pumatay ng maraming tao dahil lang sa inutos sa'kin 'to. Lagpas tatlong oras ang klase, nanibago ang lahat sa'kin dahil panay ang recite ko kanina. Kahit 'yung pinaka-matalino sa'min ay hindi nasagot ang ibang questions, but i did. Iba kasi ang pagkakakilala nila kay Silvana Rivera, matalino pero tamad mag aral. Magka-text ulit kami ni Kyle, sabi ni Romeo ay dadaanan niya ako sa isang mall kaya nandito ako ngayon. Nagpunta muna ako ng book store para bumili ng books na mababasa, na never ginawa ni Silvana. Well, i'm Savanna. Kyle: I want to see you. I'm not contented with just texting. Kinagat ko ang labi ko dahil doon. Here he go again! Nagbayad ako sa cashier para sa tatlong books na binili ko bago siya tawagan sa face time. Mabilis pa sa alas kwatro na sinagot niya iyon kaya tumambad agad ang naka-kunot niyang mukha sa screen. Naka-upo siya sa isang kulay cream na sofa, nakasandal at naka-sando na puti lang. Oh, what a handsome guy he is. "I wanted to see you in person, not here!" Parang nagtatampo na sabi niya kaya tumawa ako bago umupo sa isang upuan dito sa foodcourt. We can't meet, though. Ang mahalaga ay nakikita ko siya ngayon. "Where are you?" Tanong ko dahil familiar 'yung lugar kung nasaan siya ngayon. Ginulo niya ang buhok niya at kinagat ang labi. Oh, Kyle. "Bahay-bahayan." Sagot niya. Namilog ang mata ko. I miss that place so much! Pamilya ni King ang may-ari ng Kcads University, may isang cafeteria sa dulo ng school na tanging sila lang ang nakakapasok. Isama na kami ni Monique. Sa loob no'n ay may isa pang pinto at nandoon ang tinatawag nilang bahay-bahayan. Parang bahay na maliit kasi 'yon, doon kami nagpaplano dati nung naghihiganti kami para sa mga parents namin na pinatay. It was a success. "I miss that place so much!" Nakasimangot na sabi ko. "I miss you much more." Sabi niya kaya nakarinig ako ng mahinang pagtawa, kumunot ang noo ni Kyle bago may tumabi sa kanya na lalakeng nakangisi. Kieran Domingo. Nakikisilip ito sa phone kaya malamig na nakatingin sa kanya si Kyle, nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa screen. "Oh, s**t. Lalo kang gumanda, Savanna!" Nakangisi pa rin na sabi niya kaya mabilis na nilayo sa kanya ni Kyle 'yung phone. "f**k off, Domingo." Inis na sabi ni Kyle kaya narinig ko ang halakhak ni Kieran sa background. Hindi ko maiwasan na tumawa habang tinitignan ang iritado niyang mukha. Kailan ko ba siya makikitang pangit? He always looks so good! He's scary and cute when he's pissed, while hot and handsome when he's wearing his blank face. "Sino 'yan?" Halos mabitawan ko ang phone ko nang may nagsalita sa likod ko. Napatayo agad ako at pinatay 'yung tawag bago nilingon si Romeo na nakatingin sa hawak kong phone. "A friend.." Kinakabahan na sagot ko kaya ngumiti siya at tumango. "Tara na? Sorry, na-late ako. Medyo traffic e.." Aniya kaya kinagat ko ang labi ko bago tumango. Did he saw Kyle's face? Napapikit ako ng mariin nung tumalikod na siya. Darn it, Savanna! Be alert! Wag mong hayaan na mapahamak si Kyle dahil sayo! ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD