fifty

1829 Words
L. Nagkanya-kanya kami ng alis matapos no'n, nagkaroon ng klase si Gael at ako naman ay nagpunta kay Kyle. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Janine pagtapos siyang gamutin. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng apartment ay nakita ko agad si Kyle. Naka-slacks na uniform niya at topless, may hawak siyang mug na halatang kape ang laman dahil umuusok pa ito. Nag-iwas ako ng tingin, bakit ba siya laging nakahubad? "Stop exposing your body!" Sabi ko kaya napatingin siya sa katawan niya. Tumaas ang kilay niya at pinatong ang coffee niya sa lamesa at nagpamewang. "I am not, nandito lang ako sa bahay." Apila niya kaya ako naman ang tumaas ang kilay. "Kahit na!" Namumulang bulyaw ko. "Hindi ka ba nahihiya sa'kin?" Ngumuso siya. "Why would i?" Hindi ako sumagot at umirap na lang. Nag-iwas ako ng tingin nang lumapit siya sa'kin, hinawakan niya ang pulso ko at nilagay ang kamay ko sa dibdib niya na kinalaki ng mata ko. "You can even touch--" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil mahina ko siyang itinulak. Humalakhak siya kaya lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisnge niya, gumagalaw ang balikat niya dahil sa pagtawa habang pinapanood ang reaction ko. At nakakapanghina iyon. "Stop it." Mahinang sabi ko. Nag-iinit ang mukha ko, lalo pa ngayon na nakikita ko siyang nag-eenjoy sa naging reaksyon ko sa ginawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko pero inilayo ko agad dahil baka gawin niya na naman 'yung ginawa niya kanina. Sumimangot siya kahit nakangiti naman ang mga mata niya. He's just so.. "I won't do it again." Natatawang sabi niya habang inaabot ang kamay kong inilalayo ko naman. "No." Nakasimangot na sabi ko. "I'll never let you touch my hands again." Nawala ang ngiti sa labi niya, hinawakan niya ako sa bewang saka inilapit ang katawan ko sa kanya. Napaigtad ako dahil sa ginawa niyang iyon. "I was just kidding," He said softly. He reached for my hand, lifted it to his lips and kissed my fingertips while staring directly at my eyes. "Your hand belongs here." Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa ginawa niya. Ilang libong boltahe ang dumaan mula sa daliri ko na hinalikan niya hanggang sa buong katawan ko. Nakakapanlambot. Nakakatakot na ganito pa rin kalakas ang epekto niya sa'kin kahit halos araw araw naman kaming magkasama. How can he do this? Inilayo ko ang kamay ko sa kanya dahil nanginginig iyon, bahagya siyang ngumuso bago ko siya tinalikuran. "You don't like it?" Sawi ang tono niya habang sinusundan ako paupo sa sofa. Itinagilid ko ang ulo ko para tignan din siya bago ngumiti ng malapad na abot sa mata. "I like it so much." Malambing na sabi ko kaya natigilan siya. Napatitig siya at kinagat ang labi habang napapangiti. "Damn, Savanna.." Napailing siya na parang na-aamaze. "That smile is gonna be the end of me." Lalong nag-init ang mukha ko kaya nilagpasan ko siya para tuluyan nang umupo sa sofa. "Hey, can you smile like that again?" Request niya bago umupo sa tabi ko. "No." "Why?" Parang batang tanong niya. "Dahil may kasalanan ka," Sabi ko at tinaasaan siya ng kilay. Kumunot ang noo niya at parang nagtampo dahil sinira ko 'yung moment. "You planned it?" "You can say that." Kibit balikat na sabi niya at tinaas ang dalawang paa niya sa mababang lamesa sa harap namin. "Pati 'yung pagka-trap ko sa elevator?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kaya napangiwi siya at kinamot ang ilalim ng labi. "Ginawa ko lang 'yon para hindi ka madamay." "Then, bakit hindi mo na lang ako hinintay sa lobby at pinigilan ako na bumalik ako pagkadating ko?" "I wasn't there.." Kunot noo na sabi niya. "I was in school." "Pero sabi mo--" "I've never said that i was there, sinabi ko lang ay magpunta ka ng lobby." Aniya kaya nanlaki ang mata ko. Wala siya doon kanina? Wala nga siyang sinabi na nandoon siya pero ayun na agad ang pumasok sa isip ko! Dahil ayun ang pinaintindi niya. Kyle, you really.. "So, nasa school ka lang kanina?" Mahinahon na tanong ko kaya tumango siya. "Paano mo nagawa ang lahat ng 'yon nang wala ka sa building na 'yon?" "I just faked my informations," Aniya sa boring na tono. "Naka-depende na sa kanila ang susunod na mangyayari." Pinagmasdan ko lang siya na pinaglalaruan ng daliri ang kanyang mga labi. So, habang naghi-hysterical si Janine doon ay nasa school lang siya at nagchi-chill? He's a real manipulator. Ipaplano niya sa umpisa ang lahat at hahayaan na niyang mangyari ang gusto niyang mangyari. He won't plan it like a serial killer will do. Para bang nasa isip na niya kung ano ang gagawin ng taong minamanipula niya. And he'll just watch it, he will watch it like he is some kind of movie director and the people he manipulates is the actors. Para siyang nanonood ng isang movie na siya ang nagsulat kaya alam na niya ang mangyayari. Scary. So scary. "So.. What's your next plan?" Tanong ko kaya lumingon siya. "Who knows?" Mahinang sagot niya habang may ngisi sa labi bago tumayo at kinuha ang coffee na ipinatong niya kanina sa lamesa. "You want some, bebe ko?" He asked softly. Ngumuso ako at umiling. "I trust you." Kumunot ang noo niya. "What?" "I said i trust you," Pag uulit ko ng sinabi ko at kinunot ang noo. "But, please be careful okay?" Ngumisi siya. "Of course." Then he sips his coffee. Maghapon kaming magkasama ni Kyle, nagkuwentuhan kami ng kung anu-ano at nanood ng Tv. Gusto niyang lumabas kami pero ayoko, natatakot kasi ako na may makakita sa'min. Paano kung makita kami ni Gael? Or ni ate Agnes? O kaya ni Janine at ng ibang agent? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon. Basta ang alam ko ay mapapahamak kaming dalawa, lalo na si Kyle. I don't want that to happen. "You're with me, hindi ka nila masasaktan hangga't nabubuhay ako." Aniya habang nakatutok ang tingin sa flat screen sa harap. Kinagat ko ang labi ko at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Pinipilit niya pa rin kasi na gusto niyang lumabas pero ayoko. "I know.." Tumango-tango ako. "Pero ikaw ang iniisip ko, i want to protect you too. Gusto kong protektahan ka habang binabawi mo ako." Gumalaw ang gilid ng labi niya at bahagyang ngumuso habang nakatutok pa rin ang mata sa flat screen. "I don't want you to protect me. I can do both, alright. I'll save myself no matter what, because if i don't.. how can i protect you?" Ngumuso ako. "You're protecting yourself so that you can protect me?" "Uh-huh." Tumatangong sagot niya bago lumingon sa'kin. "I can't lose you again, Savanna. Because when i lose you, i lose myself.." Naramdaman ko ang kirot na dumaan sa puso ko. I love him so much it hurts. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung anong nagawa ko sa kanya para mahalin niya ako ng ganito. Sobrang mahal niya ako na napapaisip na ako kung deserve ko pa ba ang pagmamahal niya. Bago magdilim ay umalis na ako, nagdududa na kasi sa'kin si Gael at ayokong dumating sa point na tanungin niya na ako lagi kung saan ako nanggagaling. He's my 'boyfriend' too. Kahit si Kyle ang talagang mahal ko ay girlfriend naman ni Gael si Silvana. Walang nakaka-alam sa kanila na bumalik na ang memory ko at ayokong mag-suspect sila dahil masisira ang lahat ng plano ni Kyle kapag nangyari 'yon. "Where have you been?" Inosenteng tanong ni ate Agnes pagkadating ko sa bahay. Suot niya pa 'yung dress na suot niya kanina kaya halatang kakauwi niya lang, pero ito na agad siya at nakatutok agad sa laptop niya. "School." Tipid na sagot ko habang sinisilip ang ginagawa niya. Tumawa siya ng mahina kaya kumunot ang noo ko. "Is Vergara a hard catch?" Tanong niya at lumingon sa'kin nang nakangisi. "Janine's raging in anger right now, hindi siya makapaniwalang nasugatan at na-kontrol siya ni Vergara ng walang kahirap-hirap." Napangiwi ako at tumawa ng mahina. "Gael said he already knew, hindi niya lang sinabi para hindi mapahiya si Janine.." "Well, hindi na ako nagulat." Nagkibit balikat siya. "Kaya ko sinama si Gael sa mission na 'to ay dahil mabilis siyang maka-cope up sa isang sitwasyon. Kaya naman sinama ko si Janine dahil mapapakinabangan siya, she will do everything just to finish her job. She can even use her own body kung kinakailangan." Tumaas ang kilay niya. "At ikaw naman ay para may pumigil sa kanilang dalawa, baka mag away lang silang dalawa dahil hindi sila magkakasundo. And besides, baka mapatay nila si Vergara. We don't want that to happen." Yes, i don't want that to happen. "We can kill him after." Dagdag niya pa kaya nag-iwas ako ng tingin at tumango. "Yeah." Matabang na sabi ko. "May tanong ako, anong ginagawa sa mga agent na tumatraydor sa agency?" Napalingon siya sa'kin at naningkit ang mata kaya tumindig ang balahibo ko. Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin bago magkibit balikat. "Well, wala pa naman naglalakas loob na gumawa no'n.." Aniya bago uminom sa coffee niya. "Kung meron man, wala kaming magagawa kundi patayin siya. Pati ang kasama at ang dahilan niya kung bakit niya nagawang traydurin ang agency. Kasama na rin ang mga taong nakapaligid sa kanya.." Nanuyo ang lalamunan ko sa tono ng boses niya, parang nagbabanta ito. Tumindig ang mga balahibo ko nang lumingon ulit siya at ngumiti. "Bakit mo natanong?" "I was just curious." Tumatawang sabi ko. "You can ask me anything, marami ka pang hindi nalalaman dahil nawala ang memory mo." "I can ask anything? Kahit hindi ako elder?" Gulat na tanong ko. May mga info's kasi na tungkol sa agency na tanging elders lang ang nakakaalam, kaya maraming nalalaman sila Gael at Janine na hindi ko alam. "I trust you," Aniya. "You won't spill, right?" Natigilan ako. She trusts me? Pero hindi ako katiwa-tiwala. Traydor ako, tinatraydor ko ang agency. Silang dalawa ni Gael. Napayuko ako dahil nanikip ang dibdib ko, binalot ako bigla ng konsensya. Wala silang ginawa kundi pagkatiwalaan ako, at ito ako.. tinatraydor sila para makawala ako sa kanila. Huminga ako ng malalim at nakangiting nag-angat ng tingin. "Of course, i won't spill!" Maligayang sabi ko kaya napailing na lang siya habang mahinang tumatawa. ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD