XLIX.
Kinabukasan ay niyaya agad kami ni Janine na hunting-in si Kyle. Janine is an uptight agent, samantalang si Gael ay chill lang. Kahit ayaw kong mahuli si Kyle ay sumasama ako sa kanila, kunwari nakikisama ako, kunwari tumutulong ako. Pero ang totoo ay sinasabi ko kay Kyle kung saan kami pupunta para hindi siya magpunta sa lugar na 'yon.
Sa totoo lang ay naiinis si Kyle. Naiinis siya kasi dahil sa ginagawa ko ay lumalabas na pinoprotektahan ko siya, sabi niya sa'kin ay wag ko daw siyang insultuhin. Alam niya daw ang ginagawa niya at siya na ang bahala. He just wants me to go with the flow. But i don't want to. I want to protect him too!
"We're here." Ani Janine sa seryosong boses. Bumaba kami ni Gael sa kotse niya, gusto niyang kotse niya ang gamitin namin ngayon kahit si Gael ang lalake. Ewan ko kung anong gusto niyang palabasin.
Nag-angat ako ng tingin sa building ng condominium sa harap namin. Sabi sa information na nakuha ay dito daw ang condo ni Kyle, never pa akong nakakapunta sa condo niya. So dito pala 'yon?
Tinatamad na sumunod si Gael kay Janine na dumiretso sa counter para magtanong. He's in a bad mood today.
"May i know what is Kyron Nicole Vergara's unit number?" Nakangiting tanong ni Janine sa clerk kaya lumingon ito sa monitor sa harap nito at may pinindot.
"Ah, ma'am.." She smiled softly. "Are you his friends?"
Tumaas ang kilay ni Janine. "Of course. We're his friends."
"Can i take your identification card first, please?" Magalang na tanong nito kaya ngumiti si Janine at ibinigay ang fake I.D na ginagamit niya kapag kinakailangan.
"Okay, thank you.." Binalik ang fake I.D kay Janine. "You can go to unit 301, ma'am."
"Thank you." Ani Janine bago nakangising pumasok sa elevator. Sumunod na lang kami ni Gael, walang ibang nakasakay kaya kaming tatlo lang. Nakikita ko sa reflection sa elevator ang walang emosyon na mukha nila pareho.
Napapansin ko talaga na kanina pa tahimik si Gael. Hindi naman siya tumanggi sa pag-aya ni Janine kanina pero nakikita ko talaga na wala siyang gana magtrabaho ngayon. Hinawakan ko siya sa braso at dinungaw ang walang emosyon na mukha.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya kaya tumaas ang kilay niya. "Kanina ka pa tahimik."
"Yeah. Wala lang ako gana magsalita." Malamig na sabi niya kaya napalingon sa'min si Janine. Tumaas ang kilay niya bago maarte na lumabas ng elevator nung bumukas ito, agad naman na sumunod si Gael.
Nagbuntong-hininga na lang ako at mabigat ang mga paa na sumunod. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Unit ni Kyle ang pupuntahan namin, kahit alam kong wala dito si Kyle ngayon dahil alam kong nasa school siya ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan na matakot. Paano kung may mga picture kaming dalawa dito? Anong gagawin ko kapag nakita iyon nila Janine?
Tumigil kami sa unit number 301 kaya lalong kumabog ang dibdib ko. Nag-iisip si Janine ng paraan para makapasok dahil naka-locked ito at relax na nakasandal naman si Gael sa dingding ng hallway. Pasimple kong sinilip ang phone ko nang maramdaman na nag-vibrate ito. Kyle texted me.
Kyle:
Where are you?
Lumingon ako kila Gael, nang makita na hindi sila nakatingin ay agad akong nag-type ng reply.
Me:
We're at your condo unit!
Kyle:
Can you go to the lobby?
Nanlaki ang mata ko at agad na nag-angat ng tingin. Nandito siya? Bakit siya nandito sa building na 'to?! Sinabi ko sa kanya kanina na pupunta kami sa condo niya at nagpunta pa rin siya dito? What is he thinking?!
Kinagat ko ang labi ko habang pinapanood si Janine na nilalagyan ng silencer ang baril niya. Alam ko na agad ang plano niya. Babarilin niya ang lock ng automatic door na ito para bumukas. s**t.
Nagvibrate ulit ang phone ko at lumabas ang bagong text galing kay Kyle.
Kyle:
Please, come.
Napangiwi ako bago lingunin si Gael na nakasandal sa dingding at nakatingin sa'kin. I can't actually read him these past few days. Kilalang-kilala ko na ang mga galaw niya pero hindi ko alam kung anong iniisip niya kapag nakatingin siya sa'kin ng ganito. Nakakakilabot ang way kung paano niya ako tignan, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Nawala ako sa pag-iisip nang mag-vibrate na naman ang phone ko. Damn, Kyle!
"Guys, kailangan kong magbanyo." Sabi ko kaya hindi makapaniwalang napalingon si Janine.
"Nagbibiro ka ba? We're on a mission!" Aniya sa naiiritang tono.
"So, kapag nasa mission tayo ay hindi na pwedeng umihi? Paano ako makakagalaw ng ayos kung sasabog na ang pantog ko?"
Umirap siya bago lumingon sa pinto ng unit ni Kyle. "Whatever, hindi ka naman kawalan. We can handle this."
Napailing na lang ako at lumingon ulit kay Gael na nakatingin sa sahig, pinaglalaruan ng daliri ang labi. Halatang walang pakialam. Alam kong narinig niya 'yung sinabi ko kaya hindi na ako nagpaalam.
Nagmamadali akong naglakad papunta sa elevator at nagtext kay Kyle na papunta na ako. Nakakatakot talaga sa elevator kapag mag-isa ka lang, bakit kaya? Kumanta-kanta na lang ako habang pinapanood ang pagbaba ng number sa taas na bahagi ng elevator.
4th floor..
"s**t!" Napakapit ako sa bakal sa gilid nang biglang umalog ang elevator. Namatay-matay ang ilaw at tumigil ang pagbaba nito kaya nanlaki ang mata ko. I'm stucked?
Sinilip ko ang phone ko at unti-unting nawala ang signal. Napakagat na lang ako sa labi at umupo, alam kong inaayos na 'to kaya kailangan ko na lang ay maghintay. Hindi naman nakakatakot pero nakakaboring dito! Sana ay maayos agad.
Nag-aalala pa ako kay Kyle dahil naghihintay iyon sa'kin, pati na rin sila Janine na kasalukuyang ginagawa ang mission. Nakapasok na ba sila sa unit ni Kyle? Ano kayang nakita nila? Napahawak ako sa sentido ko habang iniisip ang mga nangyayari ngayon.
Narinig ko na pa may nagsalita gamit ang isang intercom, nag-aapologize ito dahil sa naging problema sa elevator. Bumuntong-hininga ako at pumikit. Wala naman signal kaya hindi ako makapag-text. Really, i need to get out of here! Sana ay mainip si Kyle at umalis na lang, nandito sila Gael at Janine. He's not safe here! Bakit naman kasi nagpunta pa siya dito? He really never failed to make me worried!
Inabot ng halos walong minuto ang pag-aayos. Bigla na lang bumaba ang elevator sa lobby at bumukas, sumalubong sa'kin ang nag-aalalang mukha ng mga empleyado. Nagmamadali akong tumayo at inayos ang sarili.
"Ayos lang po ba kayo, ma'am?" Tanong ng isa. Hindi na ako nakasagot dahil hinanap na agad ng mata ko si Kyle, pero iba ang nakita ko. Si Gael na naglalakad papunta sa kotse ni Janine, nandito na agad sila? Anong nangyari sa mission? Hindi ba nila nabuksan ang unit ni Kyle?
Mabibilis ang hakbang na lumapit ako sa kotse, naaninag ko sa backseat si Janine at nasa driver's seat naman si Gael. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto at sumakay. Mabilis na napalingon sa'kin si Janine na galit na galit ang itsura, dinadaing niya ang nagdudugong sugat sa binti niya.
My eyes got widened. "A-anong nangyari?"
"Where the f**k have you been?!" Galit na sigaw niya.
"Nag-stucked 'yung elevator." Sagot ko kaya umirap siya at sunod-sunod na nagmura. Ano ba kasi nangyari? Saglit lang naman ako na nawala ah? Paano siya nagka-sugat? Don't tell me nilapitan sila ni Kyle?!
Nilingon ko si Gael na tahimik na nagmamaneho. "What happened, Gael? Nakapasok ba kayo sa unit?"
"Nakapasok kami," Aniya bago inikot ang manibela para lumiko. "Pero pagkapasok namin ay walang laman ang loob, walang kahit anong gamit at halatang walang nakatira."
Napanganga ako. "P-paano nangyari 'yon?"
Nagkibit balikat siya. "May mga dumating na pulis.. kaya wala kaming nagawa kundi tumakas."
"Damn it!" Pagmumura ni Janine. "That bastard tricked us! Hindi totoo na doon ang condo unit niya! Ni-set up niya tayo para mahuli ng mga pulis! I can't believe that we fell in this s**t!"
Napayuko ako habang nakapikit ng mariin. Ang dami pang mura na sinabi ni Janine at halatang galit na galit siya, mas galit pa siya na naloko siya kesa sa nasugatan siya. Samantalang si Gael ay tahimik buong byahe.
Dinala namin si Janine sa HQ at pinagamot sa doctor namin ang sugat sa binti niya. Lumingon ako kay Gael na nagsisindi ng sigarilyo sa gilid.
"Saan nanggaling 'yung sugat niya?" Tanong ko kaya bumuga siya ng usok bago lumingon sa'kin.
"Dahil sa sanga ng puno? Mababaw lang naman ang sugat niya, she's just over reacting.." Matabang na sabi niya bago ulit humithit sa sigarilyo at tumingala.
"Tumalon siya sa puno?" Tanong ko.
"12th floor ang pinuntahan natin, Vana. Nung dumating ang mga pulis ay dumaan kami pababa sa mga terrace, masyado siyang mabagal kaya tumalon na lang siya sa puno nung nasa 7th floor na kami para mapabilis."
"How about you?"
Lumingon ulit siya sa'kin at mayabang na ngumisi. "Well, that was easy for me."
"But you didn't help her!" Hindi makapaniwala na sabi ko kaya humalakhak siya. And now, i missed that laugh! He was being quiet these past few days.
"She's an agent too. Elder pa," Bahagya siyang ngumuso. "Alam kong masisira ko ang iniingatan niyang pride kapag tinulungan ko siya. I even knew that this was a trap pero hinayan ko siya sa gusto niyang mangyari."
Nanlaki ang mata ko. "You knew?! Bakit hindi mo sinabi?"
All this time, alam niyang walang patutunguhan 'tong pinuntahn namin ngayon pero hindi siya nagsalita? Kaya ba parang wala siyang kagana gana kanina?
"Ayokong sirain ang diskarte ni Janine, i respect her as an agent too."
"What a gentleman." Panunuya ko kaya tumawa siya ng mahina at tinapon ang upos ng sigarilyo sa sahig. Nilagay niya ang kamay sa bulsa niya habang pinapanood niya na pinapatay ng hangin ang sindi ng sigarilyo na tinapon niya.
I wonder what he's thinking right now.
"That Vergara," He coldly said. "He's a real manipulator. Mapaglalaruan niya ng walang kahirap hirap ang isang tao kahit hindi siya umaalis sa pwesto niya."
Napayuko ako at kinagat ang labi. So talagang pinlano 'to ni Kyle? Simula umpisa, mula sa informations na nakuha ng agency namin tungkol sa kanya; that was all fake? Pero nakalagay doon ang ibang information niya na totoo.
"I wonder why he's doing all these." Lumingon siya sa'kin kaya nakita ko na naman ang blangko niyang mata. "Maybe he's doing these for someone? What do you think, Vana?"
Naramdaman ko ang mabilis na panlalamig ng buong katawan ko, kasabay ng paninindig ng mga balahibo ko dahil sa unti-unting pagtaas ng isang gilid ng labi niya.
ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ