XLVIII. Nakapangalumbaba na nakatingin ako sa labas ng opisina ni ate Agnes dito sa HQ. Nasa labas ang ibang agent at malakas na nagkukwentuhan habang nagtatawanan. Hindi naman ako pinatawag pero bibigyan kami ng mission ni ate Agnes. I sighed again. Iniisip ko lang si Tatay Poli, halos isang linggo na mula nang mangyari ang tungkol kay Romeo. Medyo naging mailap sa'kin ang ibang agent, sinabi ni Hana na galit sa'kin ang iba dahil inaway ko si Romeo pero sinabihan sila ni Gael kaya hindi nila ako ma-comfront. Nagsabi ako kay Kyle na sana ay bantayan niya si Tatay Poli, mas magkalapit silang dalawa dahil doon talaga ang area na binabyahe-han ng taxi nito. Pumayag siya at sinabi na malapit din ng konti ang loob niya sa matanda dahil mabait ito sa kanya. He said he was stunned when Tatay

