XLVII. Mabilis akong napadilat ng mata nang maalimpungatan ako. Dim ang ilaw, hindi masyadong malamig pero nakakumot ako. Teka, hindi ko 'to kwarto ah? "s**t!" Agad akong napabangon nang pumasok sa isip ko na hindi pa ako umuuwi. Lumingon ako sa wall clock sa gilid at nakitang alas singko na ng umaga. Napasampal ako sa noo bago lumingon kay Kyle na nakatalikod sa'kin. Tulog. Hindi ko namalayan na nakatulog ako kanina! We were just talking. Hindi ko inakala na makakatulog ako na ganito ang suot ko, naka longsleeve ako at maong na khaki short. Alas singko na. Siguradong magtatanong na naman si ate Agnes kung saan ako galing tapos hindi ko na naman maiiwasan na magsinungaling. Damn, Savanna! Nanlaki ang mata ko nang marinig ang mahinang ungol ni Kyle. Nagising ko ba siya? Dahan-dahan ako

