Samar’s POV Mukhang tinutoo talaga ni Eliazar ang mga sinabi niya dahil kahit anong pilit naming pagpansin sa kanya ay para lang kaming isang hangin na hindi niya nakikita. Ilang linggo na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa din namin maamo si Eliaz. “Hindi kayo okay ni Eliaz?” Tanong bigla ni Kaylee sa akin, tipid na lang akong ngumiti at hindi siya sinagot. Hindi din naman kasi kami close nito. “Hindi ko talaga gusto yang Bianca na yan kay Eliazar, mas okay pa sa kanya si Morgan.” Dagdag pa nito. Tama siya, mas okay pa si Morgan kaysa kay Bianca. Nginitian ko lang siya ng tipid bago muling bumaling sa aking librong binabasa. “Eliaz! Basketball tayo.” Pormal na yaya ni Tyron kaya napatingin ako sa gawi nila at nakita ko si Eliaz na inaayos ang gamit nito. Hindi s

