SAMAR'S POV Nang matapos na din kami sa pamimili ay nagdecide kami na kumain muna sa fast-food restaurant. "Minsan talaga hindi ko magustuhan yung burger. Minsan naman nagkicrave ako ng burger. Weird." Kuwento ni Devin at kinagatan ang burger na order niya. Napangiti na lang ako dahil weird talaga yung sinabi niya. "Di ko type burger. Nakakasawa." Kuwento din ni Trice. "Minsan talaga di mo mapredict ang magiging buhay ng tao sa future diba?" Biglang pagbubukas ng panibagong topic ni Devin kaya napaayos ako ng upo at uminom ng tubig. "Tulad ko?" Natatawang saad ni Trice kaya nagkibit-balikat na lang siya. "Ano nga ulit yung pangarap mo dati?" Tanong ko kay Trice. Umiikot ang mata niya at kung saan-saan napupunta ang tingin nito. "Flight attendant." Natata

