The supposedly client. Samar’s POV Kasama ko ngayon si Devin at Trice sa isang café, hindi ko alam na sa gitna ng busy schedule ni Devin ay makikipagkita ito sa akin. This is odd, hindi naman ito ganito lalo na at alam niyang wala siyang spare time. Maliban na lang kung may importanti siyang siyang sasabihin. I sipped the coffee under my table at nagsimula na ngang magkuwento si Devin. “Tigilan mo na si Ty, may asawa na yung tao,” sermon ni Trice sa kanya. She is talking about Tyron again. “Hindi nga ako lumalapit sa kanya, we don’t even talk anymore. I’m trying to move on, pero hindi niya ako pweding iwasan lang at tratuhing stranger. May pinagsamahan kami, we are best friends. Dahil nagseselos lang ang asawa niya ay hindi na niya ako kakausapin? That’s so bitter,” hinaing ni De

