Baby. Samar’s POV Nang makauwi ako ay naabutan ko si Eliazar sa sala na may inaayos sa kanyang laptop. Akmang lalapitan niya ako para halikan pero mabilis akong umiwas at dumiretso paakyat ng hagdan. I’m tired, not just phically but also emotionally. Pagpasok ko pa lang ng kuwarto namin ay agad kong napansin ang cellphone ni Eliaz na nasa ibabaw ng kama, umiilaw at nagbavibrate. Sinara ko ang pintuan, nilocked at dinampot ang phone niya. I saw the caller name on the screen. Stefani Mercado. Hindi ko maiwasan na sumikip ulit ang dibdib ko. I swallowed hard and answered the call. Nilagay ko iyun sa isang tainga ko at hindi umimik. “Hello. Tomorrow again?” She said happily, boses ng isang malambing na babae ang nasa kabilang linya. “This is his wife,” I uttered strongly. Wala

