Call. Samar’s POV Nang magising ako ay agad kong inangat ang tingin ko kay Eliazar. Nakaunan ako sa kanyang kanang braso habang mahimbing ang tulog nito. Sinubukan kong umangat para maabot at mahawakan ang kanyang pisngi nang hindi siya magigising. Hinawakan niya ang braso ko at nanatiling nakapikit, marahan akong napalunok. Hinila niya ako paibabaw sa kanya at mahigpit ako nitong hinawakan, tila ayaw ng pakawalan pa. I heard him groaned and gently kissed my head. “Kanina ka pang gising?” tanong ko sa kanya. “Kanina pa akong nakatitig sayo habang tulog ka,” he answered in a hoarse voice. Napangiti na lang ako at mahina siyang kinurot sa baywang nito. Pero wala man lang akong natanggap sa reaskyon sa kanya. Napanguso na lang ako, iniisip kung saan ba

