(Some scenes are not suitable for young readers. If you are still a minor, kindly skip this chapter. Thank you!) Kiss. Samar’s POV Nakaupo lang ako habang pinapanuod si Eliaz sa kanyang ginagawa. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko at pinagsiklop ang dalawang palad sa ibabaw ng lamesa. Nagpresinta siya na ipagluto ako ng dinner, at habang nagluluto siya ay panay ang tanong nito sa akin tungkol sa nakaraan naming dalawa. “Ginawa ko ba talaga yun?” hindi makapaniwalang tanong niya at pinunasan ang kamay nito. “Ginawa niyo ni Morgan. You used Morgan against me and Morgan used you for fame,” I uttered. “Pero bakit hindi naging maganda ang paghihiwalay namin?” takang tanong niya at umupo sa tabi ko. “Kasi ayaw ni Morgan na makipaghiwalay sayo. She wants

