Kapitulo 18: Who's the Daddy?

3486 Words
"Ikaw pala si Alfa! Tama nga ang naikuwento ni Uno, napakaganda mo nga!" maligayang pagbati ni Luis kay Miss Alien na sobrang na-flatter naman sa papuri na nagmula sa pinsan ng nobyo. "Thank you," namumula ang mga pisnging sinambit naman nito. "Nice meeting you, Doctor Luis!" "Ang pormal mo naman, Luis na lang! Kung close kayo ni Uno, close na rin tayo!" Isang matalim na tingin ang natanggap ng walang kamuwang-muwang na doktor kay Sean na nagpumilit pa rin na sumama sa ospital upang masiguro na maayos ang kalagayan ng ex-fiancee. "Ehem!" pag-ubo na lang ni Luis upang mailihis ang atensyon sa kung ano man na nasabi na maaaring nakasakit sa damdamin ng kaharap. "Brad, ikaw ba...ang kuya ni Alfa?" panunubok niyang kausapin ang estranghero upang hindi naman ito ma-out of place sa masaya nilang kuwentuhang tatlo. "Hindi," nakasimangot na tugon ni Sean. Imbis na gumaan ang pakiramdam ay mas lalo pa siyang nainis nang mapagkamalan siyang nakatatandang kapatid pa. "Mukha ba akong may edad na kaya napagkamalan akong kuya ni Alfa?" tahimik niyang pagtataka. Napakuyom siya ng kamao habang pinagmamasdan naman si Uno, na isang taon pa nga ang tanda sa kanya pero mapagkakamalan ngang nasa early twenties lamang kahit beinte-otso na. Si Alfa naman na twenty-five na ay mukhang nineteen pa rin. Noon pa man kasi ay medyo matured ang itsura niya kumpara sa mga kaedaran. Mabilis kasi siyang tumangkad at lumaki ang pangangatawan kaya wala pa man siyang trese anyos, nakakatanggap na siya ng love letters mula sa mga junior at senior high school students. "Na-haggard na ba ako nang dahil sa broken-heartedness?" naitanong niya sa sarili. Na-conscious na tuloy siya sa itsura kaya napagdesisyunan niyang magbalik-alindog program para lamang kay Alfa dearest niya. Mamayang gabi rin ay mag-ma-mask na siya para mas maging soft and supple ang kanyang skin atsaka mag-a-apply na siya for gym membership para ma-maintain ang six-pack abs niya. Imbis na kung anu-anong mga pagpapapogi pa ang maisip niya, itinuon na lang niya ang pansin kay Alfa na pinagpapawisan pa rin at hindi mapakali sa kinauupuan. Kinuha niya mula sa bulsa ang panyo at pinunasan ang noo ng katabi. Mahina niyang tinanong kung may kailangan pa ito. Umiling lamang ang kausap na naaalangan na rin sa pag-aalagang natatanggap mula sa kanya. "A! Ikaw ba ang bestfriend niya?" panghuhula ulit ni Luis. Medyo lutang na siya nang dahil sa pagod at puyat kaya kakatwa na ang mga nasasabi at wala naman talagang intensyon na asarin si Sean. "Ang bait mo naman, sinamahan po siya rito! Naalala ko tuloy 'yun teenager na pasyente ko kanina. Kawawa naman kasi kaibigan lang ang kasama, hindi nasamahan ng magulang kasi busy raw! Minsan, mas maaruga pa ang mga best friends natin kaysa sa real parents kaya mabuhay ang mga BFFs*!" (Best friends forever) "Fiance niya ako!" biglaang pahayag na niya na ikinagulat ng doktor at muntikan pang ikalaglag sa upuan. "Hindi niya ako best friend lang! Mas lalong hindi niya ako kuya!" "Calm down. Ang puso mo!" pagpapakalma ni Luis sa binatang kaunti na lamang ay mag-ta-trantrums na sa sobrang inis. "Uulitin ko, hindi niya ako kuya o BFF lang! Fiance niya ako ako!" "Ex-fiance! Umaasa ka pa samantalang, kami na nga!" pagtatama ni Uno na mas lalong ikinagulat ng doktor ten times ten! Nasurpresa siya sa confirmation na magsyota na nga si Uno at Alfa. Noon ay haka-haka lamang iyon pero ngayon, sure na sure na siya! "Ako na ang boyfriend niya ngayon!" deklarasyon niya kasabay nang paghawak sa kamay ng nobya. "Tandaan mo 'yan!" "Hindi pa naman ako pumapayag sa hiwalayan, kaya para sa akin, kami pa rin!' pagpapaliwanag ni Sean. "Isa ka lang na mang-aagaw!' "May kontrata ba kayo? Ipakita mo nga para matanggap ko na isa nga lang akong mang-aagaw!" mapang-asar na pagtatanong ng karibal. Napanganga na lamang si Luis habang pinapanood ang hidwaan ng dalawa na dinaig pa ang mga teleseryeng paksa ang agawan ng mga asawa. Nagmumukha pang isang dakilang kabit ang pinsan sa pamamaraan nang pananalita nito kaya medyo nahiya pa siya para rito. "Hindi ba, kapag nakipag-break na, tapos na. It's over! Ayaw na niya sa iyo!" Hindi na nakasagot pa ang prinsipe dahil batid niya deep inside na tama ang kaalitan. Maayos naman na nakipag-break si Alfa subalit siya lamang ang in denial pa rin. Ilang beses na niya itong sinusuyo pero talagang ayaw nang makipagbalikan pa. Ngayon ay mas nasasaktan pa siya dahil napag-alaman pa niyang may iba ng mahal ang dati-rati ay kapiling pa. Aminado naman siya na may pagkukulang din kaya mas lumayo ang loob nito sa kanya. Nabigo siya na protektahan ito sa nakakasakal na mundo ng mga may dugong bughaw. Naiintindihan niya na sinikap naman ni Alfa na makisama pero hindi nito nakasundo ang Inang Reyna na mababa ang tingin sa dalaga na tinuturing na commoner lamang, kahit anak pa ng isa sa mga pinakamayaman sa bansa nila. Huli na ang lahat nang maninindigan na sana siyang iwanan ang lahat upang makapamuhay sila nang normal at malaya. Isang maginaw na gabi, nagpaalam na nang tuluyan si Alfa... At hindi na bumalik pa sa kanya. "Pero...umaasa pa rin ako," may tono ng pagsusumamo na pinahayag niya habang nakatitig sa mga mata ng babaeng hindi niya makalimutan. Ilang buwan na ang lumipas simula noong nagkahiwalay sila pero siya pa rin ang tinitibok ng puso. "Sean, tapos na tayo," may halong awa na pagkaklaro ng kausap. "Sana, makahanap ka na rin ng iba. We can still be friends. Hanggang doon na lamang tayo..." "Hindi, ikaw pa rin ang gusto ko..." "S-Sandali," pagsingit na ni Luis dahil naramdaman na niya na madamdaming heart to heart talk na ang nangyayari. Nais man niyang pairalin ang pagiging Doctor Heart, alam niya na wrong timing sapagkat ang tunay na pasyente ay si Alfa lamang. "Hindi ko maintindihan ang nangyayari pero uunahin ko munang gamutin si Alfa," pagpapaliwanag niya sa tatlong kaharap na dilemma ang love story. "Mas mainam siguro na ako muna ang kakausap sa kanya at maghintay kayo sa labas." Kontra man sa nais nila na masamahan pa ang babaeng pinag-aagawan, wala na silang nagawa pa nang akayain na sila palabas ng silid ni Luis. Nakahinga na rin nang maluwag ang dalaga sapagkat kanina pa siya na-i-stress sa bangayan ng present at past lovers. Nakadagdag pa sa sama ng pakiramdam niya ang naririnig na sagutan kaya malaki ang pasasalamat niya na kahit papano, makakapagpahinga muna siya. "Sa nakikita ko, normal naman ang vital signs mo," paninimula na ni Luis na usisain ang kalagayan ng kausap. "Anong pakiramdam mo ngayon? May masakit pa ba? Sa ulo? Sa tiyan?" "Medyo masakit ang ulo ko," pagtatapat niya sa butihing doktor na pilit inuunawa ang bawat sintomas na sinasabi sa kanya ng mga kumukunsulta. Naging misyon kasi niya sa buhay ang maging magaling na manggagamot simula noong magkasakit sa puso ang ate nila ni Mike noong siya ay nasa unang taon pa lamang ng medical school. Na-misdiagnose kasi ang panganay sa kanila at huli na ang lahat nang malaman ang tunay na karamdaman kaya kahit ipinadala pa ito sa ibang bansa upang mailigtas, binawian pa rin ito ng buhay. Kahit likas na masayahin ang magkapatid na sina Luis at Mike, dinadalaw pa rin sila ng kalungkutan kapag naaalala ang ate na hindi lang saksakan ng ganda, sobrang bait at caring pa. Hanggang ngayon, nanghihinayang sila sa pagkawala nito nang maaga. Marahil, nakapag-asawa na ito at may mga pamangkin na sana sila kung naging maayos lang sana ang pagpapagamot nito. "Ituloy mo lang," nakangiting panuto niya kay Alfa nang mapansin na tila ba nahihiya itong maglahad ng sakit na iniinda. "Uhmm, atsaka parang may hangin sa tiyan ko. Nahihilo nga rin po ako..." "Kailan mo pa naramdaman 'yan?" "Kanina lang, pagkatapos namin manood ng sine ni Uno." "Noong nakaraang mga araw, wala ka bang ibang dinaramdam?" "A! Noong nakaraang mga linggo, tuwing umaga, medyo mabigat ang feeling ko. Parang hilong-hilo ako na nasusuka." "Mabigat na pakiramdam?" Bahagyang nanlaki ang chinitong mata ng doktor sa isang sintomas na palagi niyang naririnig sa mga ginang na may reklamong morning sickness. Natigilan si Alfa sa pagbibigay ng karagdagang impormasyon upang hindi mabuking na taga-outer space siya. Hindi pa kasi siya sigurado kung alam na ng mga pinsan ni Uno na taga-Galaxy 100,000,007 siya kaya nagdesisyon muna siyang manahimik. Naisip niya na ipagtatapat pa rin sa tamang panahon pero sa ngayon, ayaw naman niyang biglain si Luis. Ang totoo, naninibago pa rin kasi siya sa klima at hangin ng Earth kaya sa tuwing gigising siya sa umaga, pakiramdam niya ay lalagnatin siya. Pero nawawala rin naman iyon kapag nagsimula na siyang kumilos at unti-unti na siyang nasasanay manirahan sa planeta kaya hindi naman siya nababagabag. Madalang na siyang mahilo tuwing umaga at batid niya na hindi katagalan, magiging normal na ang reaksyon ng katawan niya. "Ano pang nararanasan mo ngayon? Medyo mas nagiging emotional ka ba? May ayaw ka bang mga amoy o pagkain?' kinakabahang paglilinaw ni Luis. "Emotional? Slight lang, normal lang yata 'yun sa paiba-ibang hormones ng babae. Hindi lang yata ako morning person, hihihi!" humahagikgik na paglilihis na lang niya sa usapan. "Pero OK naman po talaga ako, ngayon lang kakaiba ang nararamdaman ko!" Imbis na mailihis ang sagot sa katanungan, mas lalong nabahala si Luis sa kalagayan ng kausap. Pasimple niyang pinagmasdan ang kabuuan ng dalaga. Naglakbay ang mga mata niya mula sa ulo nito hanggang sa tumigil ang paningin sa may puson ng pasyente na medyo bloated pa sa dami ng nakain na popcorn kaninang nanonood sila ng sine ni Uno. "Maitanong ko lang, standard procedure namin, huwag ka sanang magagalit," maingat na pagpapaliwanag niya upang hindi mainsulto ang girlfriend ng pinsan. "Basta, huwag kang mahihiya sa akin. Be very honest with me..." "OK, sure!" masayang pagsang-ayon naman ni Alfa dahil instant feeling close na sila. "Kailan ang huling regla mo?" "A, regular naman ako...hmmm..." Kumurap-kurap pa siya habang inaalala kung kailan nga ba siya nagka-period. "Four months ago?" Lumakas ang pagdududa ni Luis sa naging kasagutan ni Alfa. Binilang niya gamit ang isipan kung kailan nga ba nagkakilala ang pinsan at ang pasyente. Lingid sa kaalaman ng doktor, normal sa Bow-wowian na every quarter dinadalaw ng regla. Hindi sila katulad ng taga-Earth na every month nagkakaroon. Sa kasamaang-palad, walang alam ang dalaga na ganoon nga rito sa planeta kaya nasilipan siya kaagad ng butas sa mga pahayag niya. "Posible bang...buntis ka?" diretsahan nang pagtatanong ni Luis. "Imposible!" napabulalas ni Alfa. Tumindig pa ang balahibo niya sa batok dahil sa hindi inaasahang katanungan na sa pinsan pa ni Uno magmumula. "E Doc naman, sino kaya ang tatay? My gosh, bata pa po ako!" "It's OK. Relax ka lang," pagsusumikap niya na kalmahin ang kaharap na naka-panic mode on na. "Isa lang iyon na possibility na tinitignan namin sa bawat babae na of child-bearing age. It helps din na malaman namin upang ma-treat kayo nang maayos, without harming you and the baby." Magsasalita at kukontra pa sana siya sa initial diagnosis ng doktor subalit biglang humilab ang tiyan niya at parang may umakyat na likido paitaas ng lalamunan. "E-Excuse me...makiki-CR lang," Nagmamadali siyang nagtungo sa palikuran, habang tinatakpan ang bibig. Rinig sa labas ng silid ang pagsuka niya sa loob ng banyo kaya mas naalarma sina Sean at Uno na pareho palang nakikinig at nakikiusyuso sa usapan nila ni Luis. "Buntis?" Nakataas ang isang kilay na binulong ni Sean kay Uno na napaawang na rin ang mga labi sa pagkagulat. "How?" "How should I know, you moron!" pasinghal na binalik ni Sean ang tanong sa karibal na inaalala nga isa-isa ang mga lessons sa Science class na kadalasan ay tinulugan niya, kung paano nga ba ginagawa ang bata. Binuksan ng doktor ang pintuan at gaya nga nang inaasahan, natagpuan niya sila na ilang pulgada lamang ang layo sa b****a ng silid. Napahinga siya nang malalim dahil kaunti na lamang ay masasagad na ang pasensya niya sa dalawa na kanina pa nagbabangayan mula sa makapasok ng ospital hanggang sa ngayon. "Tutal, mukhang narinig niyo naman na ang lahat, pag-usapan na niyo kung sino ang aako sa pagbubuntis ni Alfa," walang kabuhay-buhay na panuto ni Luis. Aapila pa sana si Uno kung maaaring pumasok pero pinagsarhan naman siya kaagad bago pa man makapagsalita. Nang magtagpo ang mga mata ng past at present ni Miss Alien, mas lalong kumulo ang dugo nila sa isa't isa nang dahil sa abot-langit na selos. Pareho nilang hindi matanggap na ang isa ay maaaring nakabuntis nga sa babaeng pinapangarap. Pabalik-balik silang naglakad sa pasilyo ng ospital habang inaalisa kung anong gagawin sa pagbubuntis ng minamahal. "Damn it!" masama sa loob na napamura si Uno sa isip. Nanghihina ang mga tuhod na napaupo na lang siya sa sahig habang pinagmamasdan si Sean na paikot-ikot pa rin sa hallway. "Nag-iwan ka pa ng remembrance kay Alfa! Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Palalakihin ko ang bata na ako ang kinikilalang ama at buburahin kita sa history niya bilang tatay! From now on, mag-ina ko na sila! We're gonna be one big happy family!" "Lintik ng mga lintik!" nanggagalaiti sa galit na naisip naman ng prinsipe. "Ang bilis mo! Mas lalong hindi ko siya ipagkakatiwala sa iyo kasi masyado kang oportunista! Kapag nakumbinsi ko nang bumalik siya sa akin, iuuwi ko na siya sa Bow-wow at aakuin ko na ang sanggol na pinagbubuntis niya. Pero sisiguruhin ko na kahit buhok man lang ng anak mo, hindi mo na makikita pa! Siya rin ay napagod na kaya napaupo na rin siya, katabi ni Uno na tulala pa rin nang dahil sa unexpected surprise. Sa lalim ng pag-iisip nila ay hindi nila namalayan na nakatayo na pala sa may harapan nila sina Alfa at Luis. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila ba nagliwanag ang mukha ng dalaga at napangiti pa nang sobrang tamis kaya inakala nila na mag-a-announce na ito ng "I'm happily pregnant!" "Sino na ang aamin na tatay ng baby?" wala pa rin kabuhay-buhay na pag-uulit ni Luis sa katanungan, mga ilang sandali lamang ang nakakalipas. Rosy red na sana ang cheeks ni Alfa pero namutla siya muli nang marinig ang salitang "baby". "H-Ha?' litong-lito na napatili pa siya. "B-Baby? Baby ko?" "Ako!" sabay na sinagot ni Uno at Sean. Tumayo sila pareho at hinatak ang magkabilaang kamay ni girlash na ang haba-haba na ng hair dahil sa paghahabol ng mga fafable possible daddies. "Sandali? Hindi ko gets?" Pabaling-baling na pagtingin niya sa mga binata na parehong umaasa na pipiliin na maging ama ng ipinagbubuntis daw niya. Hinila niya palayo ang mga kamay na nangalay na sa higpit nang pagkakahawak sa kanya. Walang ideya si Alfa na soon to be mom na pala siya! "Hindi ba, buntis ka?" pagtatanong ni Uno. "Bibili na pala tayo ng maternity dress." "Mag-order na lang tayo sa Dolce & Gabbana ng maternity dress mo. Ayaw kong magmukha kang kaawa-awa kung dito ka lang sa lokal na tindahan bibili," suhestiyon ng prinsipe na nais pa rin magmukhang prinsesa ang ex. "Why settle for something cheap when sky's the limit?" "Maybe, I should just contact my aunt who's a famous fashion designer in Italy!" pakikipagsabayan ng Ingles ni Uno sa maharlikang karibal na kanina pa sinsampal sa kanya na siya ay isang common tao lamang. "Beauty and comfort. That's what I want for Alfa!" "Wait, I don't understand!" paggambala na niya in English din sa mga planong pagbili ng maternity dress para sa kanya. ""What's this? A miracle baby?" "Para kayong mga tang*!" tawang-tawa nang nasambit ni Luis kaya naputol na ang pag-iingles marathon ng love triangle. "Sa kakausyoso niyong dalawa, na-fake news kayo! Walang buntis, hindi lang natunawan si Alfa!" "T-Talaga?" napabulalas nilang mga expecting dads. "Puro popcorn ang sinuka niya! Buo-buo pa nga yun corn kernels!" "Doc, ang sarap sa feeling noong nailabas ko! Medyo hindi pa ako OK pero alam niyo po 'yun parang nag-deflate ang small at large intestines ko! Hay, heaven!" tuwang-tuwa na pinahayag pa ng dalagang ina, este, dalaga habang hinahaplos ang tiyan. "Pero hinay-hinay ka pa rin," instrukyon ni Luis sa kanya. "Mag-soft diet ka, sabaw o lugaw muna hanggang bukas kasi baka mabigla ang sikmura mo. Kapag nakaramdam ka ulit ng kakaiba, tawagan mo lang ako." "Maraming salamat, Doc!" "Luis na lang! Ikaw talaga, parang little sister na kita kaya huwag mo na akong tatawaging Doc!" "Thanks, Luis!" maligayang pagpapasalamat ni Alfa sa kanya. Hindi nila parehong alam kung matutuwa o madidismaya dahil wala naman pala talaga silang baby na inaasahan. Kakatwa na nanghinayang pa sila sapagkat inakala nila na mayroon talaga silang aalagaan na mag-ina. Umiral pa man din ang kanilang daddy instincts at naisip na nga nila ang maternity dress, diapers at gatas ng baby pero sa isang iglap, nawala lang iyon na parang bula. "Wala palang...baby," malungkot na napagtanto ni Uno. "Akala ko, magkaka-instant family na ako," panghihinayang ni Sean na sabik na sanang iuwi si Alfa sa planeta nila at magsimula ng panibagong buhay. "Uwi na tayo, " pag-aya na ni Alfa kay Uno na hindi pa rin lubusang napoproseso ang mga happenings. Inakay niya ito palayo kay Sean upang hindi na marinig pa ang mga usapan nilang dalawa na maaari pang makasakit ng damdamin. "O-Oo, uuwi na tayo," pagsang-ayon ng binata kahit hindi pa rin nakaka-move on na hindi na pala siya magiging daddy. "Akala ko talaga, magkaka-baby na tayo..." "'Huwag ka nang ma-sad!" pagpapalubag niya sa kalooban nito. "Magkaka-baby pa rin naman tayo e!" "Talaga?" Biglang nagliwanag ang mundo ng kausap na kanina lamang ay nagdidilim na dahil sa pagkawala ng imaginary baby. Sa kadahilanang lumaki na malayo ang loob sa mga magulang, naging dream niya na magkaroon ng mga anak na pagtutuunan niya ng aruga at atensyon. "For real?" paninigurado pa niya na tama nga ang narinig. "Oo naman! Baka nga, twins pa! O di ba? Bongga!" "Now na ba tayo gagawa ng baby?" wala sa wisyong pagtatanong naman ni Uno na labis na ikinagulat ni Miss Alien sapagkat parang napakadali lamang ng pinaplano ng boyfriend. Sa tono ng pananalita niya ay parang iinom lang siya ng Milo for Adults pagkatapos, kinabukasan, boom! May baby na! "Che! Hindi!" "Hindi pa tayo gagawa ng baby, because?" maarteng pagtatanong ng boyfriend kaya napabulalas ng halakhak si Alfa. "Ngi, anong pabecause-because ka riyan?Pasosyal ka pa riyan! Hangga't hindi tayo, kasal, walang...walang...walang ganun!" pagtataray niya na may halong hiya nang biglang ma-realize na ang naughty pala ng mga salitang binitawan ni Uno tungkol sa paggawa ng baby. "Walang ganoon, because?" "Alis na nga tayo rito at baka umikot pa ang sikmura ko sa sobrang stress!" nakapaywang na niyang suhestiyon sapagkat alam na niyang pinagkakatuwaan na siya ng nobyo na dumadaloy sa dugo ang pagiging pilyo na pinarisan pa ng kalandian. "Nagbibiro lang ako, Prinsesa," paniniguro na niya upang hindi naman siya pag-isipan nang masama ng nilalambing. "Alam mo naman na your wish is my command!" "Sandali," pagpigil ni Sean sa kanila bago pa man sila nakaalis. "Hindi pa nagtatapos ang pagbawi ko kay Alfa," mapaghamong pinahayag niya sa karibal. "Wala ka naman nang babawiin pa," tugon ng hinahamon sa deklarasyon niya. Inakbayan pa nito ang nobya bilang patunay na hindi na rin niya ito pakakawalan pa. Pinagmasdan ng prinsipe ang magsing-irog habang papalabas na ng ospital. Malayo man ay kitang-kita niya ang maligaya nilang pagsasama. Kinurot ng dating kasintahan ang tagiliran ni Uno na tila ba sinasaway ito sa pagiging pilyo. Imbis na umilag ay tumawa pa ito at hinaplos ang mahabang buhok ng pinakamamahal. Nasasaktan man sa mga nasasaksihan ay hindi pa rin nawawala ang pagnanais niyang mabago ang isipan ng iniibig. Kung hahayaan lamang sana siya na bumalik muli sa buhay niya at bibigyan ng pangalawang pagkakataon, sisikapin niyang paligayahin ito at pupunan na niya ang mga naging pagkukulang dati. "Umaasa pa rin ako..." Bumalik sa alaala niya ang mga panahong sila pa ang magkasama at parang mga bata na magbiruan. Naging masaya rin naman sila kahit marami pang mga pagsubok ang dumaan sa pagsasama nila. Hindi naman puro negatibo ang naging karanasan nila sa relasyong mayroon sila. Marami silang happy ang memorable moments kaya hindi niya basta-bastang mabibitiwan si Alfa. Isa sa mga tumatak sa isipan niya ay ang debut ng dalaga. Napangiti siya nang sumagi muli sa isipan ang mga salitang nagmula sa napakagandang debutante na nakasuot ng asul na gown at puting rosas bilang korona. "Kapag kinasal tayo, gusto ko, diamonds ang crown ko!" inosenteng pagbibiro niya kay Sean habang maligaya silang sumasayaw, kasama pa ang iba pang mayayaman at nobility. "Sige ba, cupcake ko," pangako naman niya sa kababatang matagal nang nagpapatibok ng kanyang puso. "Hindi lang korona mo ang tadtad ng diamante! Pati wedding gown mo!" Tandang-tanda niya ang paghagikgik ng dalagita sa pahayag niya. Lumipas man ang mga taon, hindi niya kailanman makakalimutan ang ningning sa hazel eyes na mga mata ni Alfa. "Hanggang ngayon, hawak ko pa rin ang pangakong iyon," binulong niya sa malamig na hangin, na tila ba nakikisimpatya rin sa kanyang pagdadalamhati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD