II - MAMA

1057 Words
MAMA ~~~ The Vengeance Of Innocent "GRABE iyong nangyari kay Aleng Martha 'no? Nagpakamatay ba talaga siya o nahulog lang talaga?" Narinig ni Malaya na tanong ni Josephine sa mga kapatid nito habang nasa harap sila ng hapag kainan. Dahil sa nangyari halos gabi na rin silang umuwi ng bahay. Piniling maki-usyuso ni Josephine sa nangyari, siguro dahil nakakonekta ito sa pangarap nitong maging journalist balang-araw. Nasa huling baitang na si Josephine sa sekondarya at n'on pa man iyon na ang pangarap nito. Kaya nga hinayaan niya kanina ang pinsan ng mahimasmasan siya sa pagsusuka niya. 'Nakakahiya..' sambit ng isip niya. Hindi niya nga napagtanto kung paano siya nakarating sa may gilid para umupo d'on. Nang maalala niya si Henry; ito yata ang umakay sa kaniya nagbigay sa kaniya ng tubig. "Ano sa tingin mo, Couz? Mukhang nagpatihulog talaga siya 'no? Kung titingnan mo kasi talagang suicide iyon, base sa pagbagsak niya.." baling na tanong sa kaniya ni Josephine. Sa isip niya muli niyang sinariwa ang bangkay ni Aleng Martha; napapikit si Malaya dahil animo'y babaliktad na naman ang sikmura niya sa mga naisip. "Josie, tigilan mo na nga iyan.. Nasa harap tayo ng pagkain nakakadiri pa mga nasa isip mo!" Pasaring na sabat ni Vera ang panganay sa magkakapatid at kasalukuyang nag-aaral ng pagiging arkitekto sa pribadong paaralan sa San Pedro. Sadyang mataray itong magsalita n'on pa man. "Mukhang nagpakamatay daw at ang tinitingnang motibo ay ang pangangaliwa ng asawa," sabat naman ni Lucia sa usapan. Police ang kurso nito sa parehong universidad kung saan nag-aaral si Vera. Tumikom ang bibig ni Josephine; nagpatuloy sa pagkain si Vera at si Lucia naman piniling tumayo habang dala-dala ang ulam nilang liempo sa kamay nito. Sinundan niya ng tingin ang pinsan, umupo ito sa sala't binuksan ang sariling laptop nito. Hindi nagkaroon ng pagkakataon na maging malapit sila sa isa't isa ni Lucia; pero sa kanilang magpipinsan ito ang pinakagusto nya sa tatlo maliban kay Josephine. Tahimik lang kasi ito, katulad niya. "Kawawa naman pero sabagay para mabawasan na rin naman ang mga tsismosa sa palengke." Si Josephine. "Hoy, Josephine! Kapag ikaw talaga minulto ng tao bahala ka!" sigaw ni Vera sa bunsong kapatid. Walang paalam itong tumayo't naiwan sila ni Josephine; tumingin ito sa kaniyang natatawa. "Akala mo sinong matapang! Duwag din pala ang isang iyon," natatawang sabi sa kaniya ni Josephine. "Ikaw talaga.. mabuti na lang at wala pa rito si tiyang at tiyong kun 'di pinagalitan ka na naman ng mga iyon." "Fact lang naman ang sinasabi ko, Aya. Totoo naman talaga ah. Iyong si Aleng Martha, sumalangit nawa.. Tsismosa talaga iyon, lagi nga pinag-uusapan n'on ang nanay mo 'no!" Napalunok si Malaya nang maalala ang mga narinig niya kay Aleng Martha ilang oras bago ito namatay. 'Nandito na naman pala ang pokpok na anak ni Martina!' "Pokpok! Magdalena! Kabit pa nga ang tawag nito kay Tita Martina. Lagi niyang tinatanong sa akin ang nanay mo, na para bang concern siya e hindi naman!" "Hayaan mo na, Josie! Ang importante walang ginagawang masama sa kanila si mama." "Iyon na nga ang point! Hindi ba sila naaawa sa sitwasyon ng nanay mo ha? Miserable na nga iyong tao!" Napakagat-labi si Malaya sa mga narinig mula sa pinsan niya. Kung may magagawa lang sana siya para ipagtanggol ang mama niya mula sa mga sinasabi ng mga ito ginawa niya na; pero wala. Hindi niya pa kaya sa mga panahong iyon; hindi pa siya ganoon kalakas. "Salamat sa pag-aalala kay mama, Josie." "Mahal kita, Aya. Mahalaga din sa akin si Tita Martina." Ngumiti siya rito, ganoon din ito sa kaniya. Sa totoo lang kaya hindi siya nag-alala sa nanay niya habang nasa malayo siya dahil alam niyang nand'on si Josie. Hindi nito pinababayaan ang mama niya mula sa pagkain nito hanggang sa ilang pangangailangan pa. ~~ MALALIM na ang gabi, tulog na ang halos lahat ng tao sa bahay nang piniling lumabas ni Malaya. Maingat siyang naglakad hanggang sa makapunta sa likod ng bahay nila kung saan naroon ang mama niya. Dala ang cellphone niya na nagsisilbing ilaw sa gabing iyon sinilip niya ang nanay niya. Tulad ng inaasahan gising pa ito, nakaupo sa harap ng barandilya; animo'y hindi siya naramdaman kahit na nakaupo na siya sa harap nito. "Mama, ako 'to si Aya.. Kamusta ka, Mama?" mahina niyang tanong dito. Nagtaka siya kung bakit 'di nito nagawang iiwas ang kamay nito nang hawakan niya. "Ang dami kong gustong ikwento sa inyo, Ma.. Pero sa ngayon iipunin ko muna 'yon, kapag gumaling ka na magsasawa ka sa kwento ko, Mama.." Nabaling ang tingin ni Malaya sa asong nakahiga sa labas ng silid ng mama niya si Thunder, aso ito ng mama niya mula nang mangyari ang trahedya kung hindi siya magkakamali nasa sampung taon na ito. Sa lahat ng tao sa bahay nila sila lang ni Josephine ang hindi tinatahol nito. "Babalik na ako bukas ng Los Baños, Ma.. Gusto kitang isama d'on pero sa ngayon hindi ko pa kaya, Mama." Patuloy niya sa pakikipag-usap dito. Lihim niyang pinagmasdan ang nanay niya, hindi na ito ganoon karumi tulad ng matagal niyang bisita dito n'on. "Gagaling ka, Ma.. Kapag gumaling ka lilinisin natin ang pangalan mo; na hindi totoo ang mga sinasabi nila tungkol sa iyo.. hindi ka kabet, Mama! Wala kang sinisira o sinirang pamilya, Ma!" Pinigilan niya ang emosyon niya. Ayaw niyang maramdaman nito ang bigat na dinadala niya sa puso niya; kahit sabihin pang nasiraan ng bait ang nanay niya may damdamin pa rin ito dahil ina ito; siya ang anak nito. Hinimas-himas niya ang kamay ng nanay niya nang pinili niyang tumayo para bumalik na sa bahay dahil sa lumalalim na ang gabi; pasado alas-onse na at kailangan na rin nitong magpahinga. "Dadalawin ulit kita, Ma.. Mahal kita, Mama.." Sa maliit na butas ng barandilya ng silid ng nanay niya hinawakan niya ang balikat nito; na para bang yakap niya na rin ang sarili niyang ina ng mga sandaling iyon. "Balik ka.. Balik ka kay mama.." Hindi napigilan ni Malaya ang sariling mapangiti nang marinig ang mga salitang iyon mula sa mama niya; kasabay ng ngiting sumilay sa labi niya ang luhang nagbagsakan mula sa mga mata niya. Pinagmasdan niya ang nanay niya, maingat itong humiga pinikit ang mga mata. Tsaka niya naisip na kaya siguro gising pa ito dahil hinihintay siya. "Babalik ako, Mama.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD