The Vengeance Of Innocent
III - LASLAS
~
TEN YEARS AGO
"AYA..." Malungkot na tawag ng Tiyang Melba niya. Walong na taon siya n'on iyon ang pagkakatanda niya~ malinaw sa kaniya ang lahat. Nasa hospital sila n'on kung saan sinugod ang Nanay Martina niya dahil sa sunog ng bahay nila.
"Ligtas na ang mama mo.." Napatingin siya rito nang marinig iyon. Maganda ang balitang iyon para sa kaniya~ ibig sabihin makakasama niya ulit ang mama niya~ kahit na..
"Pero iyong bahay niyo, sunog na sunog, Aya. Walang nailigtas sa lahat ng gamit niyo."
Malungkot siyang napayuko, gustong tumulo ng mga luha niya pero hayos natuyo na ito sa nangyaring matagal niyang iyak kanina.
"Sa bahay na muna kayo, Anak. Makakasama mo mga pinsan mo d'on atsaka ang nanay mo. Wala kang dapat ipag-alala kami ang bahala sa iyo ha."
"Oo nga naman, Aya. Sa bahay ka na."
Narinig niyang boses ni Josephine na kasunod pala ng nanay niya.
Wala naman problema sa kanya ang bagay na iyon dahil ang mahalaga kasama niya ang nanay niya.
Malungkot lang siguro siya ngayon dahil ang lahat ng ala-ala na mayroon silang dalawa ng nanay niya nawala na parang bula sa nangyaring sunog na hanggang sa mga sandaling iyon, hindi nila alam kung ano ang pinagmulan. Wala siya nang mangyari iyon, nasa eskwelahan siya at ang nanay niya lang ang mag-isang naiwan sa bahay~ uuwi na rin dapat siya n'on kaya n'ong nagkagulo na ang mga tao nasa daan na siya pauwi.
"Salamat po sa inyo, Tiyang. Tsaka sa iyo na rin, Josie. Salamat sa pagpapalakas ng loob namin," tanda niyang pagkakasabi sa mga ito.
Naramdaman nya ang yakap sa kaniya ng Tiyang Melba niya ganoon na rin ni Josie. Kahit papano may naramdaman siyang luwag sa loob.
Ang hindi niya lang alam ngayon ay kung paano nila sasabihin sa mama niya paggising nito~ hindi pa nito alam na walang naligtas; nawalan ito ng malay nang hindi pa gaano kalakas ang apoy kaya sinugod agad ito sa hospital. Mabuti na nga lang at mabilis ang responde ng mga bumbero at nakita agad ang mama niya sa paanan ng pinto na walang malay.
NAGPATINGIN sa kawalan si Malaya nang idilat niya ang mga mata nang umagang iyon~ pagkatapos maalala ang nakaraan. Binaling niya ang tingin sa relo na nasa tabi niya alas-syete na ng umaga, wala na si Josephine sa kaliwang bahagi niya. Maaga siguro ito bumangon nang hindi niya namalayan. Linggo ngayon at ngayon din ang araw ng pagbalik niya sa Los Baños dalawang oras mula sa bayan nila~ halos nasa dulo na rin kasi sila ng Laguna.
Dalawang beses lang sa isang buwan siya kung umuwi; nagtitipid siya ng pamasahe at umiiwas din sa gabing biyahe. Alas-sais natatapos ang klase niya; kung uuwi pa siya rito gagabihin na siya lalo, magastos din iyon ang nasa isip niya.
Ngumiti siya ng mapait, kung pwedi nga lang isama niya ang mama nya sa boarding house na tinutuluyan niya ginawa niya na; gusto nya rin naman siya ang personal na nag-alaga dito, nahihiya na rin naman siya kay Josie at Tiyang Melba niya na punong-abala sa pag-aasikaso sa nanay niya. Iyon nga lang hindi pwedi, hindi rin siya mapapakali kung maiiwan ito habang nasa universidad siya; baka kung saan lang ito magpunta kapag nakalabas at ipagbabawal iyon ng land lady nila.
Nagpasya siyang bumangon para ayusin ang sarili. Hindi na rin siya magpapagabi dito dahil may kailangan pa siyang gawing project na ipapasa niya kinabukasan. Napatingin siya sa laptop ni Josie na pinahiram nito sa kaniya pansamantala; sa lahat ng bagay maaasahan niya ito at pinagpapasalamat niya iyon.
"NAGLASLAS talaga, Ma? Laslas talaga?"
Natigilan si Malaya nang marinig ang tanong ni Josie sa mama nito; nasa hapag kainan ang mag-anak nang lumabas siya ng silid nila ni Josie.
"Oo. Wala pang ibang sinabi kung ano ang dahilan. Nakita na lang daw siya sa labas ng bahay nila sa may kusina wala ng malay may laslas ang pulso."
Napakunot nuo si Malaya. Nagkatinginan sila ni Josie at tiningnan niya ito ng may pagtatanong sa mga mata niya.
"Iyong kaututang-dila nang tumalon sa palengke, nagbigti daw~" sambit sa kaniya ni Josephine.
"Si A-aleng T-Tina?" tanong niya.
Kilala niya rin ang isang ito, ang kausap ng tumalon nagdaang-araw sa palengke~ ang pinag-uusapan ang nanay niya.
Tumangu-tango ito sa kaniya; napatingin siya kay Lucia at Vera. Kapwa walang kibo ang dalawa; parehong nakikinig kay Josie at Tiyang Melba niya.
"Ano d-daw po ang d-dahilan?" tanong niya.
"Ang sabi ni Papa, hindi daw malinaw kung ano ang dahilan dahil nasa maayos naman ang lahat. Okay naman sila ng asawa niya~" si Josephine.
Napaisip si Malaya~ ano ang dahilan ng dalawa kung bakit magkasunod itong pinutol ang sariling buhay? Una si Aleng Marta pangalawa si Aling Tina na kapwa pinag-usapan ang nanay niya n'on sa palengke.
Wala sa sariling napahawak siya sa bandang bahagi ng puso niya; nakaramdam na naman siya ng pagsusuka sa hindi maipaliwanag na naiintindihan.
"At ang nakakapagtaka iyong bulsa din daw ng short ni Aleng Tina may itim na tila kagaya ng kay Aleng Marta. Ano kaya ibig sabihin n'on 'no?" sabat ni Lucia.
Itim na tela? Sigaw ng isip niya.
"Tingin mo, Vera? May foul play kaya?" tanong ni Josephine kay Vera na tahimik habang nasa harap nilang mag-anak.
"Pweding oo~ pweding nagkataon lang," maikling sagot nito.
Walang paalam na tumayo si Malaya. May hindi siya naiintindihan sa pakiramdam niya.
Ano ang dahilan ng mga ito?
Pareho lang bang nagkataon muntik na magsabay ang pagkitil nila sa sarili nilang buhay?
Ano ang ibig sabihin ng itim na telang nakuha sa kanila?
Foul play? Pero sino? Anong dahilan ng mga ito?
Muli niyang naalala ang huling sandaling nakita niya ang dalawa.
'Nandito na naman pala ang pokpok na anak ni Martina!' narinig niya mula kay Aleng Marta habang kausap nito si Aleng Tina.
May galit sa boses ni Aling Marta. May pang-uuyam sa tawa ni Aling Tina.
'Bakit sila magpapakamatay?' muli niyang tanong sa sarili niya.
'O, bakit sila papatayin?' sambit niya pa.