Dalawang linggo't kalahati nang nakalipas ay nagpasya kami ni Kalous na bumalik na kami sa Cavite. Nabalitaan ko nalang na wala na talaga si Hywel. Papunta palang sa Quezon ang pamilya niya para kunin ang katawan niya na ni minsan ay hindi ko pa ito nakikilala. Samantalang si Corrine naman ay ipinasok sa rehabilitation, napag-alaman kasi na may mental disorder siya. Borderline Disorder daw ang resulta nang tingnan siya ng Psychologist.
Masasabi ko na tahimik na ang buhay ko. Ang buhay namin ni Kalous.
"My moon, sigurado ka bang ayos ka lang dito?" Alanganin niyang tanong sa akin habang inaayos ko ang kaniyang necktie. Dito kami mismo sa isang subdivision sa Cavite. Narito kasi ang bahay niya. "I want to stay with you."
Ngumiti ako. "Oo naman, ayos na ayos lang ako." Sagot ko. Nagtama ang mga tingin namin.
"Maaga ako uuwi mamaya." He added. "Wala naman ako masyadong gagawin sa office." Saka dumapo ang kaniyang mga palad sa magkabilang bewang ko.
I chuckled. "Ikaw talaga." Tinalikuran ko siya. Kinuha ko ang bag na nakapatong sa couch. Inabot ko ito sa kaniya. " Mag-iingat ka sa byahe. Don't call while driving, please?"
"I will." Then he kissed my temple. "I love you."
"I love you too."
Hinatid ko siya sa labas ng bahay. Pinapanood ko siya habang pasakay na siya sa kaniyang sasakyan. Hindi mabura ang ngiti sa aming mga labi. Kahit na pumasok sna siya a loob at ngumiti pa siya sa akin. Binuhay niya ang makina ng kaniyang sasakyan at umandar na ito.
Sinara ko ang pinto nang nawala siya sa aking paningin. Papunta palanga ako sa kuwarto namin ay bigla ako napasandal sa pader sabay sapo sa aking ulo. Napangiwi ako dahil bigla sumama ang pakiramdam ko. Para akong nahihilo. Hindi lang iyon, parang hinahalukay ang tyan ko.
Agad akong pumasok sa kuwarto at sinugod ko ang banyo. Halos lahat ng kinain ko kaninang almusal ay naisuka ko. Parang hinugot din ang lahat ng lakas ko. Huminga ako ng malalim at naghilamos. Pero natigilan ako nang may napapansin ako nang nakikita ko ang sarili ko sa salamin dito sa banyo.
Bakit feeling ko, nananaba ako?
BAKIT ANG PANGET KO?!
Pagkatapos ko maghilamos at magtoothbrush ay agad akong lumabas sa banyo. Dumiretso ako sa side table kung saan nakapatong ang cellphone ko. May text message doon si Fae na binasa ko din ang nilalaman no'n.
FROM : FAE
Hi, Tarrah! Papunta kami ngayon d'yan sa bahay ninyo ni Kalous Ahia. Bibisita lang. I'm with Naya, Pasha and the kids.
Kinagat ko ang aking labi. I tapped a message for her.
TO : FAE
Fae, can I have a favor? Can you buy me three pregnancy kit? I need to confirm something. Please...
Then I hit send.
Pinatong ko ang cellphone ko sa kama. Kung kanina ay nahihilo at nasusuka ako, ngayon ay parang inaantok naman! My goodness, kapag talaga nakumpirma ko kung ano ang naiisip ko, titiisin ko ang paghihirap na ito. May pumasok na ideya sa isipan ko kung sakali nga nagkatotoo ang kutob ko.
"Tarrah?" Rinig kong tawag sa akin ni Fae habang kinakatok niya ako dito sa kuwarto. Rinig ko ang pagpihit niya sa pinto hanggang sa tuluyan na itong nagbukas. "Nabili ko na 'yung mga pinapabili mo. Seriously, buntis ka?"
Bumangon ako para tingnan siya. Nakasunod lang sa kaniya sina Naya at Pasha na may ngiti sa kanilang mga labi. Kasama din nila ang kambal. Mukhang hindi pa nila isinama si River, marahil nasa bahay iyon ng mga magulang ni Finlay. Kung sabagay ay baby palang ito. "Hindi pa ako sigurado, pero malakas ang kutob ko..." Nanghihina kong sabi.
Lumipad ang palad ni Fae sa kaniyang bibig. "Oh!" Ipinakita niya sa akin ang hawak niyang paperbag sabay lapit sa akin. "Here, check mo na. Now na!" Mukhang siya pa ang mas excited kaysa sa akin.
Tinanggap ko ang dala niya. Bumalik ako sa banyo. Pinatong ko ang paper bag sa sink. Binuksan ko iyon. Tumambad sa akin ang iba't ibang klaseng pregnancy test kit. Kumawala ako ng isang malalim ba buntong-hininga. Inilapat ko ang aking mga labi. Kinakabahan ako kung tama o mali ang hinala ko.
Isa-isa ko binuksan ang mga iyon. Sinunod ko ang procedure sa kahon. Lahat ay sinubukan ko para makasiguro. Wala pang labing limang minuto ay nabigyan ng sagot ang malaking tanong sa aking isipan.
Napasapo ako sa aking bibig nang makita ko ang tatlong pregnancy test. Lahat ang mga iyon ay dalawang guhit. It means... Positive!
"Oh Kalous... You're gonna be a dad." Mahina kong saad habang nakatingin sa mga PT na nasa harap ko.
Lumabas ako sa banyo. Napatingin sila sa akin. Dinaluhan nila ako.
"Anong nangyari? Anong resulta?" Excited na tanong ni Fae sa akin.
Ipinakita ko sa kanila ang mga PT. Lumipat doon ang tingin nila. Laglag ang panga ng tatlo nang makita nila ang resulta. Hindi nila mapigilan na mapatili
"Kailan mo sasabihin kay Kalous, Tarrah?" Masayang tanong ni Pasha sa akin.
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi bago ako sumagot. "Hm, mamaya. Pero bago iyan, gusto ko ng suprise."
Sina Naya at Fae ang lumabas para bumili ng mga lobo at iba pang decoration. Kami lang naiwan dito ni Pasha pati ang mga anak niya sa bahay. Tinutulungan niya akong magluto habang ang kambal ay salas, nanonood ng cartoons sa Living Room.
Kahit na hindi pa talaga ako marunong mangluto, okay lang. Makakapagpractice pa rin naman ako.
"I'm happy for you, Tarrah." Sabi sa akin ni Pasha na nakangiti nang nahiwa na niya ang mga sangkap para sa lulutuin naming Afritada.
"Thank you, Pash." Masaya kong sambit.
"Sino bang mag-aakala na kayo pala ni Kalous ang magkakatuluyan."
Tumawa ako. "Oo nga naman, sino bang mag-aakala na makakatuluyan ko ang kinaiinisan ko."
"D'yan nga daw nag-uumpisa, the more you hate, the more you love."
Hindi ko maitago ang excitement ko na sabihin kay Kalous ang magandang balita. Napapaisip ako kung ano kaya ang reaksyon niya kapag sinabi ko iyon?
Pagkatapos namin magluto ay siya naman ang pagbalik nina Fae at Naya. Dala na nila ang mga kailangan para sa decorating. Nakakatuwa lang kasi pati ang kambal ay nakitulong sa pag-aayos. Sila taga-dikit ng mga letterings sa pader dito sa kuwarto. Habang sina Fae naman ay nagdidikit ng mga lobo.
"Anong oras daw uuwi si Kal?" Usisa ni Naya nag matapos na nilang palobohin ang panghuli.
Bago man sagutin ang tanong niya ay rinig ko ang message ringtone ng cellphone ko. Agad ko iyon dinaluhan at sinilip kung sino ang nagtetxt. Napasinghap ako.
"OMG. Pauwi na siya. Hindi ko rin namalayan na mag-aalas singko na!" Bulalas ko.
Natigilan sila. Humagikgik si Fae sa tabi ni Pasha. "Hm, mukhang kailangan na naming lumarga, girl. Prepare ka na para sa gift mo para kay ahia. Aalis na din kami."
"Kids, let's go." Aya ni Naya sa mga bata.
"Okay poooo!" Sabay na sagot nina Rowan at Sarette.
"Salamat talaga sa tulong."
Hindi maalis ang mga ngiti ko habang inaayos ko ng mabuti ang kama dito sa kuwarto kasabay na narinig ko ang busina mula sa sasakyan ni Kalous. Omg, nakauwi na siya!
Lumabas ako ng kuwarto para salubungin ko siya. Iniingatan ko ang sarili kong na hindi madapa o madisgrasya dahil buntis ako. Sayang ang surprise ko kung ganoon.
Sinalubong ko siya sa garahe. Sakto na kakalabas nila lang doon. Ang maid na kasama ko dito sa bahay nagsasara ng gate.
"Kalous!" Malakas na tawag ko sa kaniyang pangalan.
Tumingin siya sa akin na may gulat pa nang sinalubong ko siya ng yakap at halik na parang akala mo ay ngayon lang ulit nagkita. "Hey..." Pinulupot niya ang isang braso niya sa aking bewang. "May pasalubong ako sa iyo." Saka ipinakita niya sa akin ang isang plastic bag na may lamang mga biscuits.
Lumapad ang ngiti ko. "Thank you!" Malambing kong sabi at muli siyang niyakap. "Ako naman ang may regalo sa iyo."
"Regalo?" Ulit niya na nagtataka pa.
"Oo. Halika na!" Hinila-hila ko siya papasok sa loob ng bahay hanggang sa narating namin tapat ng kuwarto niya. Bago ko iyon buksan ang pinto ay bumaling ako sa kaniya na malapad ang ngiti. Ipinakita ko sa kaniya ang malapad na panyo. "Piringan muna kita, alright?" Yumuko siya ng kaunti para malagay ko ang panyo. "Are you ready, hubby?" Malambing kong tanong sa kaniya.
Napakamot siya sa aking batok na nakangiti. "Ano bang meron, my moon?" May halong pagtataka, nalilito at excitement nang tanungin niya ako noon.
"Malalaman mo din." Sabi ko. Habang hawak ko ang kaniyang kamay at pinihit ng isang kamay ko ang doorknob at dahan-dahan kaming pumasok doon. Hindi ko pa binubuksan ang ilaw. Inaalalayan ko siya hanggang sa nasa tapat na siya ng kama. Bumitaw ako para lapitan ng switch. "You can take it off!" I declared.
Sinunod niya iyon kasabay na binuksan ko na ang ilaw.
"Surpriseeeee!" Tili ko sabay yakap ko sa kaniyang bewang.
"Oh! D-damn!" Hindi niya mapigilan ang sarili niyang mapaiyak nang mabasa niya ang nakasulat sa taas ng headboard at napapagitnaan ng mga balloon na nakadikit sa pader.
YOU'RE GONNA BE A DADDY!
Iyan ang ginawa naming lettering.
Humarap siya sa akin. "Is.... Is that t-true?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Mas lumapad ang ngiti ko. "Yes, Kalous. Magiging daddy ka na!" Sabay ipinakita ko sa kaniya ang tatlong pregnancy test na ipinabili ko pa kay Fae kanina.
Ako ang nagpunas ng mga takas niyang luha. "Tahan na, ayaw mo ba?"
Umiling siya. "No, I'm just damn... happy, my moon. Finally, tatay na ako..." Niyakap niya ako ng mahigpit. Sinubsob pa niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat. "Sa wakas, ikaw na ang ina ang magiging anak ko, Tarrah. Kung alam mo lang kung gaano katagal ko pinangarap ito..." Kumalas siya ng yakap sa akin at ikinulong niya ang kaniyang mga palad niya ang mukha. "Marry me, Tarrah."
"Kalous..."
Binitawan niya ako't umatras siya ng isang habkbang sa akin. May inilabas siyang maliit na kahon mula sa kaniyang coat at lumuhod sa aking harap! Nakatingala siya sa akin.
Ako naman ang nasurpresa! Napasapo ako sa aking bibig.
"I want to be with you everyday and every night, Tarrah. You are my everything. Grow old with me and stay forever. You deserved the world, and I know I can't give that to you. Marry me, my moon so I'll give you the next best thing... My world."
Hindi ko mapigilang mapaluha. Tumango ako kahit na himihikbi na. "Oo, Kalous.. Papakasal ulit ako sa iyo..." Sagot ko.
Ngumiti siya at tumayo. Tinanggal niya ang singsing sa kahon. Marahan niyang pinapausdos ang singsing sa aking daliri. Binuhat niya ako at dinampian ko ng halik sa labi ang pinakamamahal ko.
"I love you, Tarrah."
"Mahal na mahal din kita, Kalous..." I said between my cries. "Thank you for your love that always make me stay."