Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit sino pa ang mabait, sila pa ang nasasaktan? Kung sino ang may karapatang lumigaya, sila pa ang pinagkakaitan? Why life is so unfair? Well, I don't mind that at all.
Mom taught me to be kind, respectful and sacrifice.
"Kal, tara, laro na tayo." Aya sa akin ni Corrine, nakapalit na siya ng damit pambahay dahil pareho kaming galing eskuwelahan.
"Pasensya na, Corrine. Hindi ako pwede ngayon. May assignment akong gagawin." Marahan kong pagtatanggi sa kaniya. Totoo naman, kailangan ko talagang gawin ang mga takdang-aralin dahil paniguradong papagalitan ako ni ahma kapag nalaman niyang bumagsak ako o hindi kaya bumaba ang grado ko ngayong taon. "Sa ibang araw nalang, kapag wala na akong assignment."
"Oh sige..." Yumuko siya at laylay ang magkabilang balikat niya habang naglalakad na siya palayo. Paniguradong pupunta siya sa kubo kung saan kami madalas tumatambay at naglalaro dati pa.
As a son of Rodrigo and Caelia Ho, I need to be more responsible. Hindi basta-basta ang apelyido na nakakabit sa pangalan ko. My father wants me to be a responsible, independent and don't be reckless. Bawat ng ng galaw na papakawalan ko ay may kapalit. Lalo na kapag nakarating kay ahma na may ginawa akong kalokohan kahit na ang mga pinsan ko.
Noong tumuntong ako ng high school ay pinauwi ako sa Cavite para dito na mag-aral. Finally, makakasama ko na ang mga pinsan ko. Paniguradong mapapadalas na iyon.
Pero ang hindi ko talaga makalimutan na may nakilala ako. Tarrah Isabella Ongpauco. Hinirang siya bilang Queen of the Night ngayong taon. Pero bakit ganoon? Iisang eskuwelahan lang naman kami pero bakit ngayon ko lang siya nakilala? Naging unfair na naman sa akin ang mundo.
Her beauty is like a moon. She's like a queen and the stars are her followers. Damn, the first time I laid my eyes on her for the first time, I feel something in my heart, it's like a little flame. This fire lights up... growing inside of me.
Kaya ng mga sumunod na araw ay sinusundan ko ang everyday routine niya. Kung ano ang madalas niyang ginagawa, ang mga paborito niyang pagkain. Pero tuwing lalapitan ko siya, natitigilan ako. Pakiramdam ko ang ilap niya. She's elite Queen in School. Hindi lang dahil sa ganda na meron siya, maski ang apelyido na nakakabit sa pangalan niya.
"Uy, crush na niya si Tarrah." Pang-aasar sa akin ni Fae kinabukasan. "Ang akala mo, hindi ko nahahalata kung papaano mo siya tingnan noong prom."
"Huwag ka nga. Ang gulo mo." Iritado kong sabi sabay bato ko sa kaniya ang throw pillow pero nakaiwas siya. Kahit kailan talaga ang isang ito, tsk!
Sa CAVSU-Indang ako nag-aral pagkacollege. Pinili ko ang Civil Eng para na din kay mama. Mayroon siyang construction firm sa Quezon at gustuhin niya na ako ang magtetake over n'on dahil sa nag-iisang anak lang ako. Kaya pinagbigyan ko siya. Gusto rin ni papa na matuto ako sa business kaya balak ko na sa oras na nakapagtapos ako ay ipinagsabay ko ang kompanya niya pati ang firm. Minsan pa ay uuwi ako ng Quezon.
Gagawin kong inspirasyon si Tarrah. f**k, hindi siya talaga maalis sa isipan ko.
"I thought this will be a good day for us. I'm with Tarrah Ongpauco."
Natiiglan ako nang banggitin ni ahma ang pangalan ng babaeng pinapangarap ko.
"Yes, she will your wife, Finn, my grandson. Mukhang mali ang dinala ng aking apo para sa piging na ito, iha. As you can see, we're not only celebrating my welcome party here. This is also Hochengco and Ongpauco's engagement party."
Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko nang marinig ko iyon mismo sa bibig ng lola ko. Ipapagkasundo niya ang babaeng gusto ko sa pinsan ko?! Bakit ganoon?!
Parang hindi ako makahinga sa mga narinig ko. Ramdam ko pag-aalalang tingin sa akin ni Fae at iba ko pang pinsan.
"Ahma!" Hindi mapigilan tumaas ang boses ni Finlay.
"Don't ever dare to raise your voice, little boy." Mariing sambit nii ahma. "She's not a chinese for Pete's sake! Una, si Keiran at ngayon ay ikaw? Aba, papaano ang iba mo pang pinsan? Sina Suther? Kal? Archie? Vladimir and Fae? Also your cousin Mikhail? Susunod sila sa yapak ninyong dalawa?"
"I don't care about family traditions, Ahma." Mariin at galit na sabi pa ni Finlay. "Bawiin ninyo ang sinabi ninyo, engagement is excluded here."
"Finlay!" Nag-aalalang suway sa kaniya ni tita Fiorella. "Please...
That the first time ever in my f*****g life to feel broken. Wasak na wasak akong umalis sa Orchard ng mga panahon na iyon. Gusto ko mang magwala ay hindi ko magawa. Sa halip ay umupo ako sa lilim ng puno. May parte sa akin na sinisisi ko ang sarili ko. Ang bagal ko! Ang lakas ng loob kong sabihan si Finn na ligawan na niya si Pasha pero pagdating sa akin, taob ako.
"I'm still wondering why Finlay doesn't want to marry Tarrah." Kalmadong sabi ni ahma habang nasa harap kami ng hapag. "They're both single, right?"
Hindi ako umimik. Hindi mo lang alam, ahma. Pinanghahawakan ni Finlay ang pangako niya para kay Pasha. Kahit ilang beses mo pa siyang kulitin ay hinding hindi ka niya pagbibigyan. Saksi ako kung gaano kabaliw ang pinsan kong iyon kay Pasha.
"Baka ineenjoy pa rin ni Finlay ang buhay-binata niya." Nakangiting turan ni mama saka uminom ng red wine. Bumaling siya sa akin. "How about you, son? May balak ka bang mag-asawa? Let us know."
"Wala pa akong balak, ma." Dahil aangkin ko siya simula ngayon.
Nang gabi ding iyon ay pinuntahan ko ang bahay mismo ng mga Ongpauco. I don't think if she's here. Kaya ako narito hindi lang dahil sa kaniya. May isang tao pa akong sasadyain dito.
"Good evening, iho. It's unexpected to pay us a visit here." Masayang bato sa akin ni Mr. Ongpauco, ang angkong ni Tarrah. "May maipaglilingkod ba ako?"
Huminga ako ng malalim at walang pakundangan na lumuhod ako sa harap niya. Ramdam ko ang pag-atras niya dahil sa inakto ko. Alam kong hindi siya makapaniwala sa aking ginawa. "I-iho..."
"Narito po ako para hingin ang kamay ni Tarrah... Alam kong malalim ang samahan ninyo sa pamilya ko at ang kasal ang tangi ninyong paraan para mas lalo iyon lumalalim." Lakas-loob kong sabi. "Pinapangako ko po, sa oras na magiging asawa ko na siya, hinding hindi ko po siya pababayaan. Lahat ng gusto niya, ni luho niya, ibibigay ko mapasaya ko lang siya."
"T-tumayo ka muna, iho..." Malumanay niyang sabi.
Ginawa ko ang inutos niya. Tumayo ako at seryoso akong tumingin sa kaniya. Inaabangan ang susunod niyang sasabihin.
"Seryoso ka ba talaga d'yan?" Bakas sa boses niya ang alinlangan. "Mukhang gusto mo nga ang apo ko, pero ang tanong lang naman d'yan ay payag ba ang ahma mo na ikaw ang papalit sa pwesto ng pinsan mong si Finlay?"
"Opo." Mabilis kong sagot.
I see the astonishment in his face. Ngumiti siya at mahina niyang tinapik ang isa kong balikat. "Pero hihingi sana ako ng pabor sa iyo, iho..." Umupo siya sa couch. "Ang totoo niyan ay nalulugi na ang kompanya namin. Iniisip ko lang kung papaano si Tarrah? Hindi siya sanay sa hirap,"
Ngumiti ako."Ako na po ang bahala sa kaniya. Mr. Ongpauco."
Hindi nga ako nabigo sa plano ko. Nagawa kong ipaalam kay ahma na ako ang papalit kay Finlay bilang mapapangasawa ni Tarrah Ongpauco. Mabuti nalang ay hindi na ako tinanong kung ano talaga ang dahilan. Pero nalaman ko na may gusto pala siya sa pinsan ko.
Hindi bale, sisiguraduhin ko sa akin ka naman mahuhulog, Tarrah. Sa oras na akin ka na, hinding hindi kita papakawalan pa. Gagawa ako ng paraan. Lahat ibibigay ko, lahat isusugual ko para lang manatili ka sa akin. Gagawin ko ang lahat ng paraaan na meron ako para mabura si Finlay sa isipan mo. Na mababaling sa akin ang pagmamahal mo.
Pero hindi ko inaasahan ang sitwasyon na susubok sa pagmamahal ko sa kaniya. Oo, nagkamali ako pero hindi ko alam na mngyayari ito. Gusto kong saktan ang sarili ko sa katangahan na ginawa ko. Punong puno ng pagsisisi ang nararamdaman ko.
"Bitaw." Aniya.
"Tarrah..." I tried to be calm but my heart trembled!
"Galit na galit ako sa mga sinungaling! Sa mga manloloko, Kalous! Hindi ko magawang magalit kay Finlay dahil palagi niyang sinasabi sa akin na mahal niya si Pasha! Pero ikaw..." Marahas niya binawi ang mga kamay niya mula sa pagkahawak ko sa kaniya. "Putang ina, Kalous! Kung may galit ka sa akin, sabihin mo nang diretsahan, hindi iyong ganito! Pinaglalaban ko na ang posisyon na meron ako sa buhay mo at ganito pala ang malalaman ko?!"
Galit niyang nilapitan ko ang back pack. Nilabas niya doon ang mga papel na nagpapatunay na kasal na kami. Humarap siya sa akin.
"Tarrah, a-anong gagawin mo?" Natataranta na ako sa kung anuman ang maari niyang gawin.
Walang sabi na pinunit niya ang mga papel sa harap ko. Tulad ng pagpunit niya sa puso ko. Masakit. Sobrang sakit. Pero pilit kong huwag inidahin iyon.
"This is the end of this f*****g marriage, Kalous Espen Ho. This is the end between of us. From now on, I am no longer your wife." Malamig niyang sabi.
"Huwag ganito, Tarrah. Alam kong may mali ako pero huwag naman humantong sa ganito..." Basa ang boses ko. "Aakuin ko ang bata pero ikaw ang gusto kong kasama. Please..."
"Kailangan ng bata ng ama. Don't worry, wala naman mabuo para sa atin kaya wala ka nang pananagutan sa akin, Kalous."
"You promise to stay with me, Tarrah." s**t, my tears. "Haharapin ko ang lahat ng galit mo sa akin. Hindi bale na maging malamig ka sa akin. Kahit ilang beses mo pa akong pagtulakan palayo sa iyo, hindi kita iiwan... Hindi kita susukuan... Kung may isang daang dahilan para iwan ka... Hahanap pa rin ako ng isang dahilan para manatili ka, kasama ko, Tarrah... Please... I beg you..."
Hindi ko kaya, Tarrah. Huwag mo akong iwan ng ganito...
Inayos niya ang mga gamit niya at ipinasok niya iyon sa back pack.
"Tarrah?" Natataranta ko ulit na tawag sa kaniya nang nilapitan niya ang pinto ng kuwarto ko.
"I'm leaving, Kalous. Isipin mo nalang, dumaan lang ako sa buhay mo. Ako na bahalang kumausap kina angkong at sa ahma mo."
Oh s**t. No, no... My moon. Don't do this to me!
Alam kong pinatawad mo ako sa ginawa ko. But still, I will do everything to fill all of my sins. Babawi ako, Tarrah. Babawi ako. Kaya noong nalaman ko na tungkol sa nakaraan mo, para akong sinaksak ng ilang punyal diretso sa aking dibdib. Hindi ko tanggap na ang tinuturing kong reyna ay gagawan lang ng kabulastugan.
Narito na ako, you're now safe here in my arms.
Isang mahinang tapik ang naramdaman ko kasabay na dahan-dahan nagbukas ang pinto ng simbahan. Tumambad sa akin ang pinakamaganda kong asawa. Kahit na tinatakpan ng belo ang mukha niya ay tumitingkad pa rin ang kagandahan niyang taglay. Hinding hindi ko pagsawaang pagmasdan iyan kahit na magkaroon na kami ng kulubot sa balat dahil sa katandaan.
I am too proud to introduce to you, ladies and gentleman, she's Tarrah Isabella Ongpauco! My wife and the mother of my children!
"She's finally here, Kal." Bulong sa akin ni Finlay.
Hindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na nagmamartsa sa aisle, kasama ang kaniyang angkong. Ipinagdikit ko ang aking mga palad at yumuko. Thank you so much, God for giving me an opportunity to meet, to know and to love this woman infront of me. I owe everything to you.
Muli ko ibinalik ang aking tingin kung nasaan si Tarrah. Damn, bakit ang tagal mo, my moon? Come on, my wife... I want to be with you all alone!
Until she reached my hand. Natiglan ako nang naaninag ko ang mukha niya na parang maiiyak. "What wrong, my moon? May hindi ka ba nagustuhan sa kasal natin? Tell me..."
Agad siyang umiling pero naiiyak pa rin siya. "Ang pangit ko na, Kalous..." Basag ang boses niya nang sambitin niya iyon.
Oh s**t, inatake siya ng hormones niya! "No, my moon. You're too beautiful. I love you."
"Mahal din kita. Huwag mo akong iwan ha?"
"Never, my moon." Kahit ano pa ang mangyari.
From now on, we will start our new life together as partners for a lifetime. I assure my commitment, my promises and vows to you, my moon. I promise to listen when you talk, and hold you close when we walk. So give your hand in mine forever.
Thank you. Thank you for not leaving me, Tarrah. Kahit maraming dahilan para iwan mo ako pero nandito pa rin, sa tabi ko. Sabay na haharap sa panginoon at ipagsisigawan kung gaano kita kamahal.
Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit sino pa ang mabait, sila pa ang nasasaktan? Kung sino ang may karapatang lumigaya, sila pa ang pinagkakaitan? Why life is so unfair? It's okay, it's worth it.
Among the countless dreams, I had a beautiful one came true. When I fell inlove with you and gave your love to me. My life has changed in a thousand ways.
Be mine forever, Tarrah as I am yours only. I am too much in love with you.
Remember that.
** T H E E N D **