“BOSS confirm, lugar nga nila Remedios ’yong pinuntahan namin kahapon. Kitang-kita ko sila ng lalaki ro’n,” report ni Buboy kay Mr. Dela Peña. Kasalukuyang nasa garden ang amo nito nag-aalmusal. Ibinaba ni Mr. Dela Peña ang diyaryong binabasa at inabot ang kape saka sinimsim niya ’yon. Sabay tingin kay Buboy. “Totoo ba ’yang sinasabi mo? Baka nagsisinungaling ka lang, para lang may ma-i-report ka. Nasaan ang pruweba?” tanong nito. Sabay baba ng kape sa lamesa. “Totoo boss. Hindi ko sila nakunan ng picture, kasi ’di ko bumaba ng van. Baka makahalata si Remedios sa ’kin. Maniwala kayo sa ’kin hindi ako nagsisinungaling kahit lamunin pa ako ng lupa sa aking kinatatayuan, tapat akong tauhan ninyo,” paliwanag ni Buboy sa amo. Alam kasi niya na ibang klase ang ugali ni Mr. Dela Peña kapag na

