Betty POV Pagkatapos ng klase ay dumeretso kami ni dindin sa canteen para magmeryenda. Ang swerte ng kaibigan ko at maluwang ang oras niya para tumambay, halos tapos na daw kasi niya lahat. Buti pa siya, kaso apat pa ang naiwang subjects ko kaya magtitiis ganda muna ako bago mag 2nd sem. Parehas kami ni dindin ng kinuhang kurso na hindi ko naman talaga first choice ito kaso nahila niya ako noong 2nd sem ng 1st year namin dito. Naging close lang kami dahil crush niya ang pinsan ko. Matagal ko nang alam actually kaso ayaw niya rin ipaalam, saka na daw pag malapit na siyang grumaduate kaso naunahan siya ng bruhang kunwaring mabait na best friend niya. Paano niya ba naging best friend kasi ang katulad ni Chloe? Naasar ako sa tuwing mas pinipili niya minsan samahan ang bruhang yun na ang ka

