KURT POV "Magdedate lang kayo ehh" rinig kong sabi ng pinsan ko sa harap ni Geraldin. Nakatalikod ako sakanilang nakaupo kaya hindi nila ako nakita. "Alis ka na at baka inaantay kana ni Brent" pagtutuloy niya. So yung best friend niya ang kadate niya. Pero hindi parin ako kumbinsado kung di ko nalalaman ang totoo. Pagkaalis ni Geraldin ay saka naman ako tumayo at lumapit sa tabi ni Betty. "Are they really dating?" tanong ko na parang ang hirap bigkasin. Napalingon siyang gulat sa akin. Hindi na kami masyadong nagkakausap ni Betty simula nang naging kami ni Chloe. Umiiwas nadin siya sa akin pero hindi ko naman siya masisisi kasi pinili ko yung Chloe kesa kay Dindin. "Ano naman ang masama kung nagdedate sila? Parehas naman silang single at karapatan din naman ng kaibigan ko na maging ma

