“Nakakaloka kang babae ka! Nasaan ka ba, huh? Bakit hindi ka umuwi rito sa bahay? Kinakabahan ako sa’yo! Ang akala ko ay hindi mo na alam ang daan pabalik! Teka… sino ba ang lalaking kumuha ng mga gamit mo? Asawa mo ba?”
Humagalpak ako ng tawa.
Si Hiro? Asawa ko?
“Hindi, ah! Pero kung may magtatanong ng kahit anong tungkol sa akin, huwag kang magsalita. Mayaman ang asawa ko, kaya kitang ipakain sa buwaya kahit na buhay ka!” pananakot ko sa kanya.
Hindi ko naman talaga ‘yun gagawin. Tinatakot ko lang siya.
Iniisip ko pa lang ang kanyang reaksyon, natatawa na ako. Siguro takot na takot ito ngayon.
“Veronica,” usal nito.
“Oh, ano?”
“Mag-ingat ka.” Paalala nito.
Binaba ko ang tawag.
Nakikita ko si Hiro na nagbubungkal ng lupa sa may di kalayuan, kaya lumapit ako.
“Ang boring dito sa bahay mo. Walang kabuhay-buhay. Pwede ba tayong maglagay rito ng halaman?” tanong ko.
Ngumisi siya.
“Kung ikaw ang maglalagay, pwedeng-pwede.” Sabi niya.
“Para saan ‘yan?” Tanong ko sabay turo sa lupa na binubungkal niya.
“May itatanim ako rito.” Sabi niya.
Hindi na ako nagtanong pa kung ano ang itatanim niya. Lupa niya naman ito kaya malaya siyang magbungkal at magtanim kahit na anong gusto niya.
“Gusto mo bang sumama sa akin?” Tanong niya.
“Saan?” Tanong ko.
“Sa opisina ko,” sagot naman nito.
Ano naman kaya ang gagawin ko roon?
“Huwag na. Baka makaabala lang ako,” sabi ko.
“Do you want to know how Landon is doing?” biglang tanong niya.
Umiling ako bilang sagot. Kahit papaano, ayaw kong may malaman tungkol kay Landon sa ngayon.
“You know, I worked with Spade as a Detective which means, I also worked with his Uncle Dave. He's Ingrid's father.”
Nang nabanggit nito ang pangalan ni Ingrid ay parang bigla akong nagkakaroon ng interes sa pag-uusap na ito.
“She was like a princess to us all. She's pure and innocent, that's why everyone loves her. Landon was a good man, but his father was a ruthless man. If Spade's dad was competitive and was good at dominating people. Landon's dad wasn't afraid to kill whoever wanted to block his way. That's what Tito Dave was truly afraid of. Hindi lang masabi sayo nila Spade, dahil alam kong pinoprotektahan din nila ang Uncle Dave nila at ang opinion nito. Just like how they protected Landon's dad.” Sabi niya.
“Ang ibig mong sabihin–”
“Uncle was afraid of who Landon might become. Natatakot siya para sa kaligtasan ng anak niya sa pamilya nila Landon. He couldn't take a risk so he chose what he thought was best for both of them. And he successfully separated them.”
Ang unfair no’n sa parte ni Landon. Hindi niya man lang ito binigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili nito.
“They were forcefully separated and Ingrid was immediately engaged to someone else. So, I couldn't blame Landon for marrying another woman too soon. Landon was a good person to those who do good to him. .Pero sa ginagawa mo Veron, he might unleash the beast in him.Hala ka!”
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya at sa paraan ng pag sabi niya sa akin.
Sinisindak niya ba ako?
Kasi kung oo, tagumpay siya. Nasisindak talaga ako sa sinabi niya.
“Sana pala nag paalam na lang ako sa kanya, ano? Sana pala maayos akong nakipag-usap sa kanya.” Sabi ko.
Tumawa siya bigla.
“Kung nagpaalam ka sa kanya, sigurado akong hindi ka rin niya papayagan.”
“Huh?”
“That man was territorial, and he could kill. Kapag nalaman niyang magkasama tayong dalawa, baka gilitan pa ako ng leeg noon.”
Diyos ko!
Magagawa ba ni Landon ‘yon?
“H—Hindi naman siguro. Pero kung sa tingin mo ay mangyayari ‘yun, iwan mo na lang ako rito. Umalis ka na lang, dahil kaya ko naman ang mag-isa rito sa bahay.”
Tumawa siya ng malakas. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan.
Anyare sa kanya?
Seryoso ang usapan namin, tapos bigla na lang siyang tumawa. Takot na takot na nga ako rito sa mga sinasabi niya.
“Ako talaga ang pinapaalis mo sa sarili kong bahay?” Mas lalong lumakas ang pagtawa niya.
Teka… oo nga no?! Bahay niya nga pala ito.
Ang tanga-tanga ko!
Agad niyang kinuha ang cellphone niya at itinutok ito sa akin.
“Look at your reaction, Veron.” Tawa pa rin siya ng tawa habang pinapakita sa akin ang picture na kinuha niya. Nanlalaki ang mga mata ko roon.
Parang buang talaga itong lalaking ito.
“Pero seryoso, Landon could kill. He almost killed a police officer because that police officer was dancing with Ingrid.”
Grabe!
Ano kaya ang ginawa ni Landon sa police officer na ‘yun?
“Nilapitan niya ba saka tinutukan ng baril ang police officer?” tanong ko.
Tumawa ulit siya ng malakas.
“I can’t…” tawa pa rin siya ng tawa. “You’re hilarious. I never knew you're that imaginative.” Natatawa niya pa rin na sabi.
Saan ang pagiging imaginative roon?
“Anyway, I've heard he sold all his property to Spade… because of you. Just to be with you. Just be careful, Veron, and don't go outside without me. Or else, he might catch you. Once he caught you… expect that he'll never let you out of his sight ever again. Hinding-hindi ka na niya ulit papakawalan kapag nahuli ka niya.”
Peste.
Nananakot ba siya?
Mas lalo akong kinabahan dahil sa paraan ng pagkasabi niya ng mga salitang ‘yun sa akin. Naninindig ang balahibo ko dahil sa takot.
Iniisip ko pa lang, kinikilabutan na ako.
“Ewan ko sayo!” Sabi ko at aalis na sana pero muli siyang nagsalita.
“In two days, kaarawan na ni Xamara. Kailangan natin pumunta roon sa bahay nila Spade, dahil hinahanap ka ni Xavion. Ibig sabihin, una, kailangan mong kausapin si Maya at aminin sa kanya ang totoong nangyari para hindi siya magtaka at para hindi na maglihim si Spade sa kanya. Tatawagan mo siya mamaya. Pangalawa, kailangan mong mag-disguise dahil magpanggap ka bilang girlfriend ko. Huwag kang mag-alala dahil may ipapadala si Spade na mga stylist para hindi ka makikilala ni Landon. Sila ang bahala sayo.”
Oo nga pala, malapit na nga pala ang birthday ng mga bata. Naaalala ko pa ang sabi ni Maya na gusto niyang tutulungan ko siya. Nakokonsensya na naman ako dahil hindi ko siya matutulungan.
“Ano? Ayoko nga! Dito na lang ako. Ipapahamak niyo pa ako sa disguise-disguise na ‘yan. Huwag na lang! Dito na lang ako!”
Ako na nga itong lumalayo sa problema, sila naman itong laging nagtutulak sa akin.
Umiling siya. “Trust me, hindi ka mapapahamak. Hindi ka niya makilala. Gusto sana kitang gawin na lalaki pero naisip kong mas maganda kung gawin kitang girlfriend ko. Kaya gugupitan lang natin ng konti ang buhok mo at papalitan din natin ito ng temporary hair color. Iibahin din natin kung paano ka manamit.”
“Paano kung kakausapin niya ako at makilala niya ang boses ko?”
“Then, don't talk to him. May karapatan kang hindi siya sagutin o ang iwasan siya, lalo na at girlfriend kita sa mga oras na ‘yun. Kung hindi ka kampante, dumikit ka lang sa akin. Huwag kang umalis sa tabi ko.”
Ini-imagine ko pa lang ang maaaring mangyari, parang hihimatayin na ako. Paano na lang kaya kung nasa mismong sitwasyon na ako?
“Ano? Deal?!” Tanong niya.
“Paano ako magpakilala kay Xavion?”
“Pagkatapos ng party.” Sabi niya.
“Eh di pagkatapos ng party na lang ako pupunta.” Sabi ko.
“Hindi rin pwede.”
Isnag buntong-hininga ang pinakawalan ko.
“Sige, pupunta ako pero magtatago ako sa kwarto. Saka na ako lalabas kapag umuwi na ang lahat ng bisita.”
Tumawa siya.
“Magtataka sila dahil magkasama tayong pumunta roon pero mawawala ka na lang bigla. Tsaka, paano kung pumasok si Landon sa kwarto na pinagtataguan mo? Aber?!”
Oo nga pala.
Waahhh! Nakakakilabot!
Mukhang wala akong ibang choice kundi ang dumalo roon at magpanggap bilang girlfriend ng impaktitong ito.
Gabayan niyo po ako, Lord.
Didikit po ako kay Hiro, at magpanggap bilang girlfriend niya.
Patawarin nawa!