*** Harlyn's Pov Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa manubela. Pumapatak ang mga tubig ng ulan sa salamin ng kotse. Nakatutok lang ang atensyon ko sa madilim na paligid habang nagmamaneho ako. "Wait for me, Chester" bulong ko sa hangin. Sana hindi pa huli ang lahat sana hindi pa siya nawala. Sana ligtas lang siya. Tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko, kinuha ko kaagad ito at tumambad ang pangalan ni Reynalyn dito. "Hello" bungad na sagot ko sa kanya. "Nasaan ka? Papunta ko sa bahay nila Chester" aniya. "Papunta rin ako doon. Bilisan mo, baka maabutan pa natin siya doon" sabi ko sa kanya at binaba na ang tawag. Nang malapit na ako sa kanilang bahay ay biglang tumigil ang kotse. Hindi ko alam kung bakit. Inumpog ko ang ulo ko sa manubela nito. "Urrgh! Bat ngayon p

