***
Harlyn's Pov
Nang nakarating na ako ng bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko. Kumuha ako ng damit ko para magpalit ng aking suot. Puno na kasi ng pawis ito.
Maya maya pa ay habang nagsusuoot ako ng damit ko ay bigla kung narinig ang pagtunog ng cellphone ko na hudyat nito na may nagtext. Dali-dali kung isinuot ang tshirt ko tyaka ako lumapit sa cellphone ko na nasa table ko.
Bumungad kaagad sa akin ang pangalan ni Chester pagkabukas ko ng unlock password..
Tumaas ang kilay ko. Ano naman ang kailangan nito sa akin? Himala at nagtext siya? sabi ko sa isip ko kaya dali-dali kung binuksan ito.
Pagbukas ko ng mensahe ay bumungad ang tatlong salita.
'Don't find me'
Ano ang ibig sabihin niya? Reneplyan ko ito pero nakalipas ng limang minuto ay wala parin itong sagot kaya hindi na ako nagalinlangan pang tawagan pa siya.
Nariring lang ang kanyang cellphone pero hindi niya ito sinasagot. Gumapang ang kaba sa aking katawan, baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Ano ang ibig niyang sabihin na 'Don't find me'. bakit ayaw niyang mapahanap?
Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto ko habang hindi mapakali dahil sa kakaiisp kay Chester sa kanyang ipinadalang mensahe. Nang narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko ay agad akong lumapit sa kinaroroonan ko pero nadisaya ako ng hindi si pangalan ni Chester ang nakita ko sa screen nito pero sinagot ko rin naman.
"Bakit, Reynalyn?" tanong ko sa kabilang linya.
Narinig ko ang mabigat na paghinga nito. Hindi naman medyo malaya ang bahay nila sa amin kung lalakarin mo ay aabot ng anim na minuto o pito.
"May na-natnggap ka bang mensahe galing kay Chester?" tanong niya sa kabilang linya. Nagulat naman ako sa tanong niyang iton. So it means hindi lang ako ang pinadalhan niya ng mensaheng ganun.
"Oo may natanggap ako pero hindi ko alam kung bakit ayaw niyang magpahanap." sabi ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita tanging paghinga niya lang ang naririnig ko mula sa kabilang linya.
"R-reynalyn ajan ka pa ba?" tanong ko.
"O-oo" sabi niya.
"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng ipinadalang mensahe ni Chester?" tanong ko dito.
Hindi siya nagsalita tanging mabibigat na paghinga lang niya ang naririnig ko pero maya-maya pa ay nagsalita ito....
"Oo alam ko dahil......" pambibitin nito pero hindi ko inaasahan ang kasunod na sinabi nito."Dahil siya ang nakabunot ng pampitong numero" sambit nito.
Unti-unti kung nabitawan ang cellphone ko. Parang islow motion ang paligid ko pati narin ang pagbagsak ng cellphone ko ay parang islow motion ang lahat. Tumama ito sa sahig namin pero wala akong pake-alam nakatingin ako sa kawalan.
Bigla kung naalala ang sinasabi sa akin ni Chester kanina. Nagpapalam ito sa akin. Nagpapaalam siya at tama nga ang kutob ko, may kutob ako na hindi nanamin siya makikita pero bakit ayaw niyang magpahanap sa amin?
Napa-upo na lang ako sa sahig at nakatingin sa kawalan, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Hindi ko kayang mawalan ng isapang kaibigan, marami nang natamatay na tao.
Pinunasan ko ang luha na nagmumula sa aking mga mata at tumayo sa pagkakatayo ko.
Tumatakbo ako papunta sa kwarto ni Daddy kung nasaan ang susi nito. Binuksan ko ang kabinetnito para hanapin ang susi ng sasakyan. Kahit hindi ko alam magmaneho ay gagawin ko alang-alang lang sa kaibigan ko. Kapag nawala siya hindi na namin alam ang gagawin namin, siya lang ang nagmimistulang nagpapatibay sa amingkalooban kahit gustong-gusto nanaming sumuko.
Naiiyak ako habang hinahanap ko ang susi ng sasakyan namin, nagiging blurry na ang paningin ko dahil sa mga tubig na nagmumula sa aking mga mata.
Pagbukas ko ng huling kabinet ay hindi lang ang susi ang tumambad sa akin, kundi pati narin isang maliit na b***l. Hindi na ako nagalinlangan pang kunin iyon, ang nasa isip ko lang ay gusto kung iligtas ang kaibigan ko mula sa kamatayan.
Pinunasan ko kaagad ang mga mata ko at dali-daling tumakbo papunta sa kinaroroonan ng sasakyan namin.
Bahala na kung ano ang mangyari sa akin.
Chester's Pov
Ilang ulit ng tumawag sa akin si Harlyn pero nakatingin lang ako doon sa cellphone ko na umiilaw. Wala akong balak na sagutin ito, hindi ko pwedeng sagutin ito dahil ayaw ko silang mapahamak.
Habang nakahiga ako ngayon sa kama ko ay may biglang kumalampag sa ibaba. Nagulat ako sa narinig ko.
'Andito na siya' sambit ko sa isip ko.
Kinuha ko ang tsinelas ko at isinuot ko ito tyaka tumayo. Huminga ako ng malalim at kinuha ang kutsilyo na nasa table ko. Malaki ito, tinignan ko ang itsura nito. Makakpatay talaga ng tao ang gagamit nito.
Dahan-dahan akong humakbang patungo sa pintuan ng kwarto ko. Dahan-dahan kung pinihit ang door knob nito.
Tinignan ko ng mabuti ang paligid kung may tao ba doon. Wala akong makitang tao kaya dahan-dahan ulit ako naglakad palabas doon.
"Manang?" tawag ko dito.
Walang sumagot kaya dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan. Pumunta ako sa sala para tignan kung nasaan si Manang pero hindi ko siya mahanap.
"Manang asan ka po?" tanong ko pero wala akong makitang Manang.
Biglang may bumagsak sa harapan ko at pagtingin ko doon kung sino iyon ay doon na ako napasigaw. Si Manang Lorna na wala ng buhay.
Hindi pa ako nakakamove on sa nakita ko ay biglang dumilim ang paligid. Tanging takot at kaba ang nasa dibdib ko ngayon. Andito na siya ako na ang susunod.
Nakatayo lang ako doon at ginagala ang paningin ko nagbabakasaling makikita ko ang killer dito.
Bigla na lang may narinig akong tumunog, isang tunog ng chainsaw. Napahakbang ako paatras ng narinig kung palapit ng palapit ang tunog nito.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko at binuksan ang ilaw nito. Iginala ko ang ilaw nito sa paligid para tignan kung saan nangagaling iyon.
Pero nagulat na lang ako ng iilawan ko na sana sa bandang kusna may isang mukha ang lumitaw dito at nakangisi pa ito.
Bigla niyang inangat ang chansaw kaya naman napuruhan ang kanang kamay ko pero hindi pa naman ito natanggal malalim lang na sugaw ang tamo nito habang ang dugo ay umaagos.
Napahawak ako doon sa aking kamay na iyon.
"I-ikaw?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Kahit madilim ang paligid ay ramdam kung nakangiti ito sa akin na para bang isang demonyo.
"Ako nga." sabi niya at lumapit sa akin.
Unti unti kung kunuha ang kutsilyo na nahulog sa sahig at nung nasa harapan ko na siya at itinusok ko ito pero nadaplisan lang siya. Nabitawan niya ang chainsaw sa sahig.
"WALANG HIYA KA!" sigaw nito sa akin. Inilawan ko siya gamit ang cellphone ko, kahit masakit ang kanang kamay ko na nahiwa ay pinipilit ko paring tiisin ang sakit.
"Magkamatayan muna tayo bago mo ako mapatay!" sabi ko sa kanya at itutusok ko na sana ang kutsilyo ng bigla niyang hawakan ang kaliwang kamay ko at piilipit ito.
"AAAHHH!" napasigaw ako sa sakit sa kanyang ginawa.
"Ang akala mo ba mapapatay mo ako?! Pwes hindi! Sinasabi ko sayo Chester mamatay ka!" sabi niya pero doon na ako nakakuha ng chnce para tumakbo, tinadyakan ko siya gamit ang paa ko at nagtungo sa bodega namin. Medyo malaki ito.
Inilawan ko ang paligid at nung may nakita ako malaki na parang kahon pero gawa ito sa metal ay dali-dali akong tumakbo papunta doon. Isinra ko ang pintuan nito at binuksan ko ang ilaw ng cellphone ko.
Hindi ako umimik sa loob ng kahon na metal na ito.
Narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan at pati narin ang chainsaw na hawak nito.
Narinig ko ang mga yabag niya patungo sa kinaroroonan ko kaya maslalo akong kinabahan.
Pero sa hindi ko inaasahan narimig ko na lang na para bang kinakandado niya ito. Kinalampag ko ang pintuan nito pero hindi mabuksan, ikinandadu nga niya talaga ang kinaroroonan ko.
Naiiyak na ako sa takot at kaba. Wala akong magawa, hindi ko siya kaya.
Hindi ko alam ang gagawin ng bigla na lang may nakita akong tumuspk dito, ang chainsaw.
Agad akong naalarma doon. Tumusok nanaman ito sa bandang kaliwa nahiwa niya ang legs ko. Nakita ko kung paano ang pagtulo ng mga dugo na nagmumula dito.
"Tama na! P-please" pagmamakaawa ko.
Parang wala lang itong naririnig bagkus ay tinusok niya muli sa kanan ko at nahiwa naman ang tagiliran ko dito.
Napahiga na lang ako doon sa loob at napatingin sa itaas.
Nakita ko na lang ang chainsaw na umiikot habang papalapit sa akin. Napapikt na lang ako at naramdaman ko na lang ang paghiwa ng aking tiyan.
***