***
Chester's Pov
Biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Jamaica.
"Ahy, eh sorry" aniya at ngumiti sa akin. Tumingin ako sa harap ko at nung nakita kung wala na sila ay bumaling ako sa kanya at ngumiti.
"Ok lang" sambit ko dito at pinagpatuloy ko na lang ulit ang pag-aayos ko sa aking gamit.
Sino nga ba ang pumapatay? Paano ko sila matutulungan kung ako na ang susunod na mamatay.
Alam kong darating tung panahon na ito na ako na ang ma mamaty kaya hinanda ko na ang sarili ko. Wala akong pagsasabihan ni isa, ayaw ko silang mapahamak dahil sa pagkamatay ko. Kahit mamatay na ako ay ayaw ko paring tulungan ako ng mga kaibigan ko dahil ayaw ko ni isa sa kanila ay masaktan.
Kinuha ko ang binder ko kung saan nakapatong ito sa armchair ng aking upuan pero nung kinuha ko ito ay nahulog ang isang kapirasong papel.
Dali-dali kung pinulot ito at tinignan. Isang numero ang nakalagay dito.
It's number seven. Agad ko na lang itong nilagay sa bag ko at sinara ang zipper nito.
"Maiiwan ka pa ba dito? Lunch na ah?" tanong ko kay Jamaica.
"O-oo. Wala kasi akong kasama eh" aniya at ngumiti siya. Naawa naman ako sa kanya, oo nga't transferrie siya, dapat siyang makisalamuha sa mga kaklase namin para naman hindi siya nag-iisa.
"Ganun ba?" tanong ko sa kanya at lumapit sa kinaroroonan nito."Sama ka na lang sa amin. Mababait ang mga kaibigan ko." usal ko sa kanya at nilahad ang kamay ko.
Nagtataka siyang tinignan ako. Parang hindi makapaniwala.
"Seryoso?" tanong nito sa akin.
Tumango ako.
"Uhhmmm. Oo" sagot ko.
Tinanggap niya ang kamay ko na nakalahad sa kanya at tumayo siya. Ngumiti ako sa kanya at ginantian rin niya ito ng isang ngiti.
"Tara na baka hinahanap na nila tayo." sabi ko.
"Sige. Salamat ha?" aniya at una na siyang lumabas.
Bago ako lumabas ay pinatay ko muna ang ilaw sa buong silid pati narin ang electric fan pero bago ako umalis doon ay tinignan ko muna ang loob. Lumitaw ulit sila, kaya naman agad akong lumabas at isinara ang pintuan.
Sabay kaming naglakad ni Jamaica papunta sa canteen, may mga bagay na sumagi sa isip ko.
Alam ko sa sarili ko na kahit anong segundo, minuto, oras o araw ay alam kung pwede na akong mamatay. Ako na ang susunod, ako na. Pero bago ako mapatay ng killer pinapangako ko sa sarili ko mamatay rin siya kasabay ko. Sa pagkawala ko gusto kong maging tahimik ang lahat.
"C-chester?" napatingin ako kay Jamaica na tumawag sa pangalan ko. Nakatingin lang siya sa akin.
"B-bakit?" tanong ko. Doon ko na lang napansin na hawak na niya pala ang kamay ko. Tinignan ko ito.
"B-bakit parang wala ka sa sarli mo? Muntik munang mabangga yun oh?" sabi niya at tinuro ang isang tao na naglalakad palayo sa amin. Tanging likod lang niya ang nakita ko habang papalayo ito.
"Ha? May-iniisip lang ako. Salamat ah?" sabi ko sa kanya at nagtuloy na kami sa paglakad papunta sa kanila.
Nang malapit na kami sa canteen ay natatanaw nanamin sila. Nag-uusap ang mga ito, yung iba naman ay nagtatawanan. Mas lalo atang lumaki ang barkada dahil sumama narin sina Shiela, Judy Ann, Trina, Jansen, May-Ann, Jonalyn at isama mo pa si Jamaica.
"Oh, Chester andito ka na pala" sabi sa akin ni Shiela ng napansin niya ako na papunta sa kanya.
"Hindi, hindi, hindi. Kaluluwa lang niya yan, Shiela." pagbibiro ni Jansen sa kanya at sinabayan nila ito ng malakas na pagtawa. Napangiti na alng ako sa sarili ko habang tinitignan silang lahat.
"Guix, ito pala si Jamaica." pagpapakilala ko sa katabi ko. Kumaway ito sa kanila, ginantian nila ng ngiti at yung iba naman ay kinawayan rin siya.
"Hello, jamaica. Dito ka sa tabi ko." anyaya sa kanya ni Mariela.
Napakamot siya sa kanyang ulo na para bang nahihiyta siya pero maya-maya pa ay pumunta siya sa kinaroroonan ni Mariela at umupo doon.
"Wag kang mahiya, walang hiya sila." ani Krisanta sa kanya. Nagtawanan sila, at pati narin ako ay nakisali narin.
Gusto ko bago ako mawala ay maging masaya ako na kasama sila dahil amimiss ko ang kulitan naming lahat, mamimiss ko sila.
"Ikaw lang kaya ang walang hiya dito sa atin, Krisanta." sabi sa kanya ni Rica. Nagtawanan ulit ang mga ito at nakisali narin ako.
"Bakit parang ang tahimik mo ata, Chester?" baling ni Harlyn sa akin sabay inom niya ng kanyang inumin.
Inayos ko ang sarili ko at tumigin sa kanya tyaka ngumiti.
"W-wala. May iniisip langa ako." sabi ko sa kanila.
"Care to explain kung ano 'yun?" tanong ni Reynalyn habang nakataas pa ang isang kilay nito.
"Wala kana dun. Secret ko lang!" sabi ko sa kanya at binelatan siya na para bang bata. Humalakhak ang mga kasama ko sa ginawa ko sa kanya.
"Mahaba p ang oras natin. Wala rin lang naman tayong pang-unang klase ngayong tangahali saan niyo gustong pumunta?" tanong sa amin ni May-Ann.
"Sa beach na lang o kaya naman Mall tayo." suggestion ni Jonalyn sa amin.
Nanatiling tahimik si Jamaica habang nakatingin sa aming nag-uusap pero ngumingiti naman ito. Nahihiya pa ata siya dahil ngayon lang ata siya nakasama sa mga maiingay na tao.
"Sa mall na lang tayo, mas maganda." suhistisyon ni Trina sa sinabi ni Jonalyn. May mga gustong pumunta sa Mall pero may gusto ring pumunta sa Beach.
"Botohan na lang tayo. Itaas ang kamay ang gustong pumunta sa mall!" sabi ko sa kanila. Itinaas nila ang kanilang kamay. Mas marami ang gustong pumunta sa mall kesa sa beach."Majority ein. Sa mall tayo!" sabi ko sa kan nila.'
Bumulong-bulong pa si May-Ann sa hangin na talagang masasabi mo na ayaw niya talagang pumunta sa Mall.
"Yess! Sa Mall tayo!" masayang sabi ni Jonalyn na animo'y nanalo sa loto.
"Big achievement teh ang nanalo sa pagapunta sa Mall?" pabirong tanong ni Jansen sa kanya. Hinampas siya nito ng kanyang kamay pero hindi naman malakas, parang biruan lang nila.
"Walang hiya ka!" sigaw ni Jonalyn sa kanya at kinurot pa niya nito. Nagtawanan kaming lahat at pati si Jamaica ay tumatawa narin.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa parking lot ng school. Dalawang sasakyan ang gagamitin namin dahil hindi kam i kasya lahat sa isang sasakyan. Ang sasakyan na gagamitin namin ay 'yung akin at nung kay Jansen.
"Sila Shiela, Judy Ann, May-Ann, Jonalyn at Trina na lang ang sasakay sa akin." sabi ni Jansen.
"Sige kami naman dito sa sasakyan ni Chester." sabi ni Mariela.
Pinatunog ko muna ang sasakyan ko bago ko binuksan ang pintuan papuntang driver seat para umupo doon. Umupo naman sa tabi ko si Harlyn. Nasa likod naman si Reynalyn, Mariela habang sa likod pa ay sina Jamaica, Rica at Krisanta.
"Seat belt, please" sabi ko sa kanila at nilagay naman nila ang kanilang seat belt.
Napatingin ako sa salamin kung saan makikita ko sila sa likod pero nagulat ako ng iba ang nakita ko, sila Sir Bueno nanaman. Pinikit ko ng marahan ang mata ko. Biglang may humawak sa braso ko kaya halos mapatalon ako sa gulat sa kinauupuan ko at pagtingin ko kung sino 'yun ay si Princess na hawak hawak ang duguan niyang puso.
"T-tulungan mo kami...... P-patayin mo siya...." anila na sabay sabay.
Pinikit ko ang mga mata ko at umiling-iling sa sarili ko. Naramdaman ko na lang na nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha para tignan ang mensahe na ipinadal.
From: Unknown Number
Be ready 'couz you are the next person to die.
Dali-dali akong napatingin sa salamin kung saan naroroon ang mga kaibigan ko. Tinignan ko sila kung sino ang may hawak ng cellphone para nagbabakasakaling makita ko kung sino ang killer, pero hindi k masuri kung sino. Apat silang nakahawak ng cellphone.
Si Krisanta, Mariela, Rica at Reynalyn.
Sino sa kanila? Sino sa kanila ang killer?
***