Kabanata 18

1466 Words
*** Chester's Pov Natapos kaming mag mall ay bumalik kami kaagad sa school dahil may klase kami. Lahat kami sama-samang pumasok sa room, pero pagpasok pa lang namin ay wala pa ang texher, mga kaklase namin ang nadatnan namin. "Sabi ko na sa inyo eh. Sana nagtagal pa tayo doon." sabi ni Mariela at umupo sa kanyang upuan. "oo nga eh. Si Rica kasi. Sabi niya kasi baka andun na daw si Maam." pagsisis ni Krisanta kay Rica. "Oh sige nga, paano kapag nalate tayo? Edi maabsent tayo. Bahala nga kayo." naiinis na sambit ni Rica at umupo narin sa kanyang upuan. Tumawa na lang ako sa inaasta nila. Para silang bata na magbangayan, nagsisisihan sila kung sino ang may kasalanan sa kanila. "Bakit kasi ang agad nating pumasok?" tanong ni May-May-Ann. Pumunta na ako sa upuan ko at nilagay doon ang bag ko. Pumunta narin sa tabi ko si Harlyn at umupo doon. Ilang minuto rin namin hinintay ang teacher namin at sa wakas ay dumating narin siya.  "Sorry, I'm late." sabi niyta kaagad pagkapasok nito. "Sana hindi na lang siya pumunta. Fifteen minutes na lang oh, magtitime na." bulong ni Har;yn na katabi ko. "Kukunin ko na lang ang attendance niyo total wala na tayong time para magdiscuss pa. May meeting kami kasing mga advisers." aniya. Nakinig lang kami sa kanyang sinabi. Ibinigay niya ang isang coupun bond para ilagay namin ang pangalan namin doon para iyon na ang magmistulang attendance naming ngayong araw. Isinulat ko ang pangalan ko at sakting pang-pito pa ito. Nang natapos ko ng lagdaan yung akin ay binigay ko na kay Harlyn at tumingin ulit sa teacher namin na nagsasalita sa harapan. "May mga bagay lang kasi na mineeting namin para sa darating na activity this next week." aniya. Maraming nagbulong-bulongan. Panay ang tanong nila sa kanilang katabi kung meron bang mangyayari next week na actibidad. "Ano po bang mangyayari next week?" tanong ni Roxanne na kaklase namin. "Hindi dapat ako ang magsabi sa inyo. Ang adviser niyo dapat." sabi niya. "Bat ayaw niya pang sabihin? ganun din naman ah." bulong-bulong ni Harlyn. Nang natapos na naming lagdaan lahat ang attendance ay pinaharap na nila ang coupon bond para ibigay kay Maam. "Salamat. Good Bye Class" aniya at umalis na. Naging maayos ang takbo ng pangyayari. Nagiging maingay ulit ang klase, napapangiti na lang ako sa kalooban ko. Salamat rin at naging matiwasay na sa loob ng silid, sana wala ng mangyaring pagpatay dito sa mismong silid na ito. "Ba't pansin ko parang ang tahimik mo?" biglang tanong ni Harlyn sa akin. Nakita ko siyang nakatingin sa akin pero umiwas ako ng tingin sa kanya. Tumgin ako sa kabilang direksyon kung nasaan sila Airis na mga kaklase namin na nag-uusap. "Chester may problema ka ba?" tanong niya sa akin. "W-wala." sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanya. Hinawakan niya bigla ang balikat ko kaya napatingin ako sa kamay niyang humawak dito, nabigla ako ng nakita kung duguan ito. Napatingin ako sa kanyang mukha at maslalo akong nabigla ng nakita ko ang kanyang itsura hindi siya si Harlyn siya si Lady Ann na nakatingin sa akin ng seryoso, walang kang makikitang emosyon sa kanyang mukha blanko ang kanyang expresyon. "B-bakit?" kinakabahan tanong ko dito. Humigpit ang hawak niya sa brso ko, nasasaktan ako sa pagkakahawak nito. "Tulungan mo kami.... Patayin mo siya" aniya. "Chester!" doon na lang nagbalik ang diwa ko dahil sa pagsigaw ni harlyn sa aking pangalan. Napatingin ang iilang mga kaklase namin pero hindi na lang nila ito pinansin at tinuloy nila ang kanilang ginagawa. "H-ha?" balisang tanong ko sa kanya. "Bakit wala ka sa sarili mo? May problema ka ba?" tanong niya sa akin. Napatingin ulit ako sa kanyang kamay, walang dugo. Ano ba ang nangyayari sa akin? Ganito ba kapag malapit ka ng mamatay? Kung ano-ano ang nakikita mo? Ganito ba? "W-wala." sabi ko at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa bandang braso ko pero agad rin niyang hinawakan ulit. "Sige. Ayaw mong sabihin kung ano ang problema mo. Baka personal problem yan. Basta isipin mo andito lang kami sayo makikinig sa problema mo. Kausapin mo lang kami kapag handa ka ng sabihin sa amin ang iyong problema" sabi niya sa akin. Nginitian ko siya. Naiiyak ako pero pinipigilan kung ipakita sa kanya ang nararamdaman ko. Nagpapasalamat rin ako na naging kabigan ko sila, na may kabigan akong mababait, maunawain at parati silang nandyan kapag may problema ka. "S-salamat ha?" nabasag ang boses ko. Naiiyak na ako, nagtutubig na ang mga mata ko pero agad ko itong pinunasan pero hindi nakaligtas ang titig na iton ni Harlyn. "umiiyak ka ba?" tanong niya. Umiling ako sa kanya. "Hindi, masaya lang ako." sabi ko. Yung mga taksil kung mga luha biglang lumabas. Pinunasan ko ang mga ito. Kahit anong pagpigil ko kanina sa mga luha ko pero lumabas parin sila. "Masaya? Masaya para saan?" tanong niya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang panyo ko at tyaka ko siya nginitian. "Ma-masaya ako dahil nakilala ko kayo, nakilala ko kayaong lahat. M-masaya ako dahil may mga k-kaibigan akong mababait, yung parati silang nanjan kapag may problema ka, nanjan sila sa tabi mo masaya man o malungkot. Y-yung mgab trip natin habang nagtatawanan, masaya lang ako dahil nakilala ko kayo at n-na-naging kaibigan ko kayong lahat." sabi ko at tumulo nanaman ang mga luha ko na nangagaling sa aking mga mata. Hindi ko na pala namalayan na nagiging emosyonal na ako sa harapan niya. Ano pa bang magagawa ko? hindi ko kayang iatago eh, gusto kong masabi sa kanila ang lahat ng nararamdaman ko bago ako mawala dito sa mundo. Ang mga kaibigan kasi ay para narin nating mga pamilya. Anjan sila parati sayo, anjan sila kasama ka kung saan ka magpunta. Nakikisama sila sa mga trip mo, nagtatawanan nag-iiyakan, Anjan sila sa hirap at ginhawa kaya para narin nating mga pamilya ang mga yan. Minsan mas open pa nga tayo sa ating mga kabigan, sa kanila pa nga natin nasasabi ang problema natin minsan. "A-ano ba yan Chester. Pati na ako naiiyak." sabi ni Harlyn at may kaunting tumul na luha na galing sa kanyang mga mata. Tumawa ako sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko.  Gusto kung ipakita sa kanila na matibay ako, gusto kung ipakita sa kanila na masaya ako, pero hanggang doon na lang ata ang lahat dahil mamaya o sa kahit anong oras mawawala na ako.  Minsan naiisp ko, paano na lang sila kapag iniwan ko sila? Alam ba nila ang kanilang gagawin kung baka sakaling hindi ko mapatay ang killer bago niya ako mapatay? Ano na lang angmangyayari? Minsan natatakot ako sa posibleng mangyari pagkatapos nito. Bawat kilos ko ay maingat ako bawat paggalwa ko. Bawat pupuntahan ko ay sinusuri ko kung mapanganib dahil natatakot akong iwan sila, natatakot ako sa mangyayari kung wala na ako. Sino ang tutulong sa kanila? Sino ang tutuklas kung sino nga ba talaga ang killer? Ano na alng ang mangyayari? Iyan pa ag isang problema ko. Kaya naman sinisigurado ko na bago ako mamatay ay mamatay muna ang killer. "Ang OA mo ha, Chester" sabi sa akin ni Harlyn at pinunasan rin ang kanyang mga mata tyaka ngumiti sa akin. Nginitian ko sila. Tinawanan ko sa kanyang sinabi. "Masanay ka na sa akin. OA talaga ako pagdating sa mga kadramahan na ganito." pabiro kung sambit sa kanya. Bilib narin ako sa sarili ko, nagagawa kung pang ipakita sa kanila na ayos lang ako pero sa loob ko hindi, nagagawa ko pang magbiro sa mismong harapan nila kahit alam kung mamatay na ako.  Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang mga kaibigan ko tyaka ngumiti. Ito na ata ang huli nilang araw na makikita ako. Ngumiti ako ng mapait tyaka tumingin ulit kay Harlyn. Minsan kailangan mo talagang umarte sa mga taong mahal mo na 'ok ka lang kahit sa loob-loob mo gusto mo na talagang sumuko pero hindi pwede, alang-alang sa kanila pinipilit mo paring maging 'ok. Minsan kailangan mo talagang umarte, dito mo lang dapat ipapakita ang pagkaartificial mo, maging plastik ka sa nararamdman mo na kahit alam mong hindi mo na talaga kaya ang isang bagay, pinipilit mo paring kayanin alang-alang lang sa nakakarami. "Pero seryoso. Salamat sa lahat ha? Salamat sa mga araw na nasa tabi ko kayo. Sa mga panahon na anjan lang kayo kahit may problema ako. Yung mga time na sama-sama nating tinutuklas kung sino nga ba ang killer. Alam mo? Ako na ata ang pinakamasayang tao sa mundo dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niyo." emosoyonal na sabi ko sa kanya. Humalkahak siya pero may lumandas na  butil ng luha na nagmumula sa kanyang mga mata. "Ang OA mo ha Chester." sabi niya sa akin at pinunasan ang gilid ng kanyang mga mata."Ano ka ba wala 'yun. Kaya nga tayo magkakaibigan diba?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Niyakap ko siya. Mamimiss ko talaga silang lahat. "Salamat sa lahat" sabi ko at kumalas ng yakap. Pinunasan niya ulit ang mga mata niya at tumingin sa akin. "Why do I have this feeling na aalis o hindi ka na namin makikita?" tanong nito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD