***
Reynalyn's Pov
Pumunta ako sa loob ng Cr dahil naiihi na talaga ako pero biglang nawalan ng ilaw kaya nagpanic ako at agad ko namang naisip si Lady Ann.
Dali-dali akong lumabas sa loob ng CR para tignan si Lady Ann. Para akong isang bulag na nangangapa ngapa doon, wala akong makita, kulay itim lahat na parang nababalot ng kadiliman.
"L-lady Ann? Asan ka?" tanong ko sa loob ng kwarto pero walang sumagot. Naglakad lang ulit ako habang ang kamay ko ay winawagayway ko na parang nangangapa.
"A-asan ka?" bakas sa boses ko ang takot. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Dyios ko sana naman ok lang siya. Pero asaan siya?
Maya maya pa ay bigla ulit umilaw pero pagtingin ko sa sahig ay doon na lang ako napasigaw.
"AAAAHHHHH!" sigaw ko.
Nakita ko si Lady Ann na nakahiga sa sahig habang duguan sa kanyang tiyan.
Agad naman akong lumapit sa kanya at hinawakan ang palpulsuhan niya kung buhay pa siya. Nang maynaramdaman akong pumipitig doon ay doon ako napahinga ng maluwag. Buhay pa siya thank god!.
"TULONG!" sigaw ko.
May mga narinig akong yabag na paakyat. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang lima.
"Anong nangyare?" agad na tanong ni Chester at lumapit sa amin. Itinapat niya ang kanyang tainga sa puso ni Lady Ann.
"Buhay pa siya. Tumawag kayo ng ambulansya!" agad na sigaw niya pagkarinig niya ng t***k ng puso niya.
Hold on, Please. ani ko sa isip ko.
Agad na tumakbo sila Rica at Mariela pababa ng bahay para pumunta sa telepono habang kami namang apat ang nagbabantay kay Lady Ann na walang malay.
"Andito ang killer!" sabi ni Krisanta.
"Hindi pa siya nakakalayo. Hanapin natin siya!" sigaw ni Harlyn.
"Oo nandito ang killer, kasama lang natin at malamang isa sa atin dito ang pumapatay" makahulugan at seryosong usal ni Chester.
Napatingin siya sa akin. Tinignan nila si Chester at napatingin rin sila sa akin. Ano ang ibig nilang sabihin?
"A-ano ang ibig ni-niyong sabihin?" kinakabahang tanong ko sa kanila. Iniisip ba nila na ako ang killer?
"Ikaw lang naman ang kasama ni Lady Ann kanina dito. Kaming lima andun sa baba-" hindi pinatapos ni Harlyn ang sinasabi ni Chester bagama't sinumbatan niya ito.
"Ano ang gusto mong iparating, Ches?! Na siya ang killer?!" sigaw niya kay Chester at tumayo ito.
Tumayo naman si Chester.
"Wala akong sinabi! Ikaw na ang nagsabi!" pabalik na sigaw nito sa kanya.
"So ganun nga?! Bakit siya ang sinisisi mo?! Baka naman ikaw!" sigaw ulit ni Harlyn.
Kumunot ang noo ni Chester sa sinabi nito.
"What?! Ako?! Paano ko mapapatay ang isang tao na ganun kabilis?!" aniya.
Bigla namang bumukas ang pintuan at tumambad sina Mariela at Rica. Hingal na hingal ang mga ito.
"Anjan na ang Ambulansya!" anila.
May dumating na apat na lalaki at binuhat nila si Lady Ann gamit ang isang higan papunta sa loob ng sasakyan.
Sumunod kami sa kanila hanggang sa nakarating kami sa labas. May lumapit namang lalaki sa amin.
"Anong nangyari?"tanong niya sa amin.
"N-nasaksak siya sa kanyang tagiliran" ani ko. Napatingin silang lahat sa akin.
"Paano siya nasaksak?" tanong nung lalaki.
"H-hindi ko p-po alam. Nasa banyo po k-kasi ako nung bi-biglang nawalan ng ilaw tas nung may ilaw n-nakita ko na lang siy-siyang nakahiga sa sahig" nauutal kong sabi sa kanila.
Kinakabahan kasi ako dahil nakatingin sa akin si CHester na parang sinusuri ako. Hindi ako angpumatay, wala akong pinapatay.
"Bat ka nauutal?" diretsahang tanong sa akin ni Chester.
"Stop accusing her, Ches! Hindi siya ang pumatay!" sigaw ulit ni Harlyn.
"Bakit kung hindi siya bakit siya natatakot na nagsasalita?!"
"Dahil tinitignan mo siya! Sige nga ikaw nga ang makakita ng isang bankay sa harapan mo!" sagot ni Harlyn sa kanya.
"Excuse me" pagpapaalam nung lakaki bago siya umalis papunta sa sasakyan.
"Please, stop. I didn't killed anyone" yun lang ang sinabi ko at nawalan na ako ng malay.
Chester's Pov
Pinagsusupektahan ko si Reynalyn na siya ang pumapatay, siya lang naman kasi ang kasama ni Lady Ann kanina. Imposible namang isa sa amin kanina na nasa baba or posible nga ba?
Naguguluhan na talaga ako sa nangyayari ngayon sa amin. Sana matapos na ang araw na wala ulit na mamatay.
"Pumunta na tayo sa hospital kung saan ipinunta si Lady Ann" ani ko sa kanila.
Agad kaming nagpuntahan sa kotse at sumakay doon. Inistart ko ang engine nito pero ayaw gumana. Sinubukan ko ulit pero ayaw talagang gumana ang sasakyan.
"What happened?" tanong ni Krisanta.
"Ayaw gumana ang sasakyan!" giit ko sa kanila.
"Paano na 'yan?" tanong ni Rica.
"No choice kung hindi magtaxi na lang tayo" ani ko sa kanila.
tinignan ko ang relo ko kung ano ng oras. Maghahating gabi na. MAy sasakyan pa kaya dito?
Naghintay kami ng sasakyan pero wala ni isa. Ang malas naman oh! bat ngayon pa kung kailangan.
"Paano na yan wala na atang sasakyan" ani Mariela.
Napatingin ako sa paligid at sakto namang may nakita akong isang lalaki na kakarating lang sa kanilang bahay na lasing ata dahil paliko liko ang kanyang paglakad.
"Alam ko na" sabi ko sa kanila at pumunta sa lalaki.
Ng babagsak na sana siya sa lupa ay akin siyang inalalayan. Unti-unti kung kinuha ang susi na hawak niya at nung nakuha ko na ay pinaupo ko siya sa kanilang labas ng pintuan.
Tumingin ako sa lima at winagayway ang susi. Hindi na kami nagalinlangan pa at agad kaming sumakay doon. Sinabi ni Rica kung saang hospital daw siya dinala.
Pagkapark ko sa kotse ay agad kaming nagsitakbuhan papunta sa nurse station para tanungin ang numero ng silid ni Lady Ann.
"Miss, anong number ng room ni Lady Ann?" tanong ni Reynalyn dito.
"Yung babaeng kakarating ba dito?" tanong niya.
"yun na nga po, Miss" ani Harlyn.
Tinignan niya ang isang libro kung saan nandun ang mga record ng pasyente.
"Nasa E.R pa siya. Inooperahan" aniya at pagakasabi niya iyon ay agad kaming tumakbo ulit papunta sa Emergency Room.
Hindi kami makapakali habang nakaupo doon sa labas ng E.R. Lahat kami nagpapanic. Bigla nalang kaming napatayo lahat ng biglang bumukas ang pintuan at lumabas ang Doctor.
"Ano pong balita? Ok na po ba siya?" tanong ko sa Doctor.
Tinanggal niya ang nakatakip sa bibig niyang mask at tumingin sa amin.
"Ok na siya. Hindi naman masyadong malalim ang pagkakasaksak na natamo ng pasyente maya't maya pa ay magigising na ito." aniya. Doon na lang kami kami napahinga ng maluwag. Thank god.
Hindi rin nagtagal ay ipinunta na nila si Lady Ann sa isang room. Agad rin naming tinwagan ang kanyang mga magulang para sabihin ang nangyari sa kanilang anak pero hindi namin ito makontak kaya ipinabukas na lang namin.
"Una na ako" paalam ni Krisanta sa amin dahil mag aalas dos na ng umaga at wala pa kaming tulog.
"Una narin kami" anila Rica at Mariela.
Tumango lang kaming tatlo sa kanila at tinignan muli si Lady Ann na mahimbing na nagpapahinga.
"Kayo hindi ba kayo aalis?" tanong ko sa dalawang magpinsan.
"H-hindi. Dito na lang muna kami baka may mangyaring masama ulit" ani Harlyn.
Hindi na ako nagsalita kaya naman pinabayaan ko na lang sila. Ng naramdamang kung nagugugtom na ako ay tumayo ako. Hindi pa pala kami kumakain ng pang gabihan dahil sa mga nangyari.
"Gusto niyo bang kumain? Tara muna" pagaanyaya ko sa kanila.
Dahil narin ata sa kagutoman ay tumayo narin sila.
"Alis muna kami Lady Ann. kakain lang babalik rin kami agad" pagpapaalam ni Reynalyn sa kanya.
Umalis na kami doon at nagtungo sa malapit na kainan.
Someone'sPov
Lintik na Lady Ann na iyon bat hindi pa siya namatay sa pagkakasaksak ko. Tssss!.
Isinuot ko ang nurse na unifrom at kinuha ko ang isang cart doon para puntahan kung nasaan ang kwarto ng babaeng iyon. Pagbukas ko ay nakita ko sila Chester, Harlyn at Reynalyn na kakatapos lang ata nilang kumain.
"Hello po. Andito po ako para icheck up ang pasyente" ani ko sa kanila na iba ang boses. SIyempre baka mabuko ako.
"Ha?Wala namang schedule ngayon ang check up ni Lady Ann ah?" nagtatakang tanong ni Reynalyn.
Kinabahan ako baka mahalata nila ako pero agad naman akong nakaisip ng excuse.
"Sabi kasi ni Dr. Sy ay kailangan ko lang tignan kung ok lang ba ang pasyente" sabi ko sa kanila.
"Ganun ba? Sige" ani Harlyn at binigyan nila ako ng way para pumunta doon sa harapan ng kwatan ni Lady.
Ngumisi ako, kahit naman ngumisi ako ay hindi nila makikita dahil nakamask ang aking bibig.
Tinignan ko muna sila kung nakatingin sila sa akin pero nung nakita kung nanunuod sila ay inilabas ko kaagad ang lason na nasa injection at agad kong itinurok sa dextrous niya.
"Good Bye, Lady" bulong ko pero siniguerado kong walang nakarinig ito.
"Aalis na po ako" pagpapaalam ko sa kanila kaya napatingin naman agad sila sa akin.
"Salamat po, Ate" magiliw na sabi ni Reynalyn.
Tumango ako at ngumiti sa loob ng mask tiyaka tumalikod na.
Pagkasarang pagkasara ko ng pintuan ay tinanggal ko ang mask sa bibig ko at ngumiti.
"Mission Accomplish" sabi ko sa sarili ko at nagtuloy tuloy sa paglalakad.
***