Kabanata 9

937 Words
*** Chester's Pov "Lumipad si Darna, Papuntang Amerika, Bumagsak sa Lupa, Naglaro sila" May mga batang naglalaro sa parke. Nakatingin lang ako sa kanila. Parang ang sasaya nilang naglalaro, bakas sa kanilang mukha ang saya dahil sa ngiti palang ay makikita mo na. "Ibubuka ang bulaklak, Papasok si darna, Sasayaw ng chacha, Ang saya-saya" pagkakanta nila. Pero biglang naudlot ang paglalaro nila ng may biglang dumating na isang batang babae. Parang isang modelo kung maglakad, nakataas ang kanyang mga kilay papunta sa kanila. "Umalis nga kayo dito!" sigaw niya sa mga bata na naglalaro. Imbis na umalis sila ay nanatili lang sila doon. "Na-una na kami dito eh" pagsasabi ng isang batang babae. Lumapit ang batang mataray sa nagsalita at kanya nitong tinulak. Nakigulo ang mga kasama ng batang naitulak. Ang batang naitulak naman ay nakaupo lang sa lupa at tinitignan ang natamong sugat mula sa kanyang tuhod. Lumapit ako sa kanila. "Tumigil nga kayo!" sigaw ko pero parang hindi nila ako naririnig. Hahawakan ko na sana ang isang bata sa kanyang balikat ng tumagos siya mula sa kamay ko. Napaatras ako sa nangyari. Paano iyon nangyari? Napatingin ako sa batang babae na nakaupo habang nakatingin ng masama sa babaeng tumulak sa kanya. Bigla siyang tumayo at agad na tinulak ang batang tumulak sa kanya. Hindi inaasahan ng batang babae ang nangyari bigla siyang napahiga at nabagok ang kanyang ulo sa isang malaking bata na matulis. "Anong nangyari?" tanong ng saiang kasama nilang batang lalaki."Bat mo siya tinulak?" galit na sabi nito sa batang babae na tumulak. Umiyak na ang batang babae at nagtatakbo papunta sa kalsada pero bago pa man ito makatawid ay may isang malaking track na papunta sa kanya. Wala akong magawa, nakatingin lang ako sa kanila na gulong-g**o. Napatingin na lang ako sa lupa habang naka-upo ng may bigla akong nakitang anino. Unti-unti ko siyang tiningala. Nung una hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakatakip ang kanyang mukha pero nung tinanggal niya ito nagulat ako kung sino. Kamukha ko siya. Hindi, hindi ako ata. Pero maslalo akong nagukat ng bigla niyang kunin ang patalim na nagmumula sa likuran niya at sinaksak ako. "NOOOO!" Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. PInagpapawisan ako. Isang bangungut isang masamang bangungut. Pero parang totoo ang lahat. Kinapa ko ang dibdib ko kung saan nagmumula ang puso ko. Naramdaman ko ang pagpintig nito, doon na lang ako napahinga ng maluwag. Akala ko totoo ang mga nangyari, hindi pala. Pero sino ang mga batang iyon? Totoo rin kaya sila? Napatingin na lang ako sa bintana at nakita ko ang sinag ng araw na nagmumula doon. Umaga na pala, kaya isinuot ko ang tsinelas ko at tumayo. Tatlong araw naring nakalipas simula nung nangyari ang pagpatay kina Ejay, Elizabeth at Lady Ann. Hindi parin namin makalimutan iyon at baka hindi nanamin iyon makalimutan. Nagtungo ako sa kabinet at kinuha ang kulay puti kong towel tiyaka pumunta sa banyo. Kinuha ko ang sipilyo ko at nilagyan ito ng toothpaste tiyaka tumingin sa salamin. Binasa ko ang sipilyo ko ng kaunti at tiyaka sinipilwan ang ngipin ko. Nakayuko lang ako habang nagsisipilyo peropag-angat ko ng panigin ko sa salamin ay nakita ko ang imahe ko na nakangiti sa akin at bigla na lang itong nabasag at may isang kamay na sumakal sa akin. "AAAAHHHH!" sigaw ko at pilit na tinatanggal ang kamay sa leeg ko. "What happened?!" nag-alalang tanong ni mama sa akin. Doon ko na lang napansin ang posisyon ko. parang may hinahawakan ako pero wala. Binaba ko naman kaagad iyon. "W-wala po. Ok l-lang po ako. M-maliligo lang muna ako" ani ko sa kanya. "Ganun ba? Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Sige pagkatapos mo jan bumaba ka na para makakain ka" aniya. Tumango na lang ako. Pagkaalis ni mama ay napatingin ako sa salamin. Buo ito walang basag. Pinakiramdaman ko rin ang leeg ko kung masakit. Hindi naman ito masakit, guni-guni ko lang ba iyon? Bakit nagiging weird na ako this fast few days? Dahil ba sa mga nangyari? Naguguluhan na ako.  Maraming tanong sa isip ko pero hindi ko ito masagot. Dumiretso na lang ako sa shower room at maligo. Binuksan ko ang shower at pinikit ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang malamig na tubig na dumadaloy sa aking katawan. Maraming mga imahe ang sumagi sa isip ko, lahat ng mga nangyari noon. Nakakapagod na pero hindi dapat ako sumuko dahil kapag sumuko ako para ko na ring isinuko ang buhay ko sa killer. Habang naliligo ako ay biglang may narinig akong nabasag sa kwarto ko. Agad kong isinara ang shower at ibinalot ko ang towel sa bewang ko bago lumabas sa banyo. Unti-unti akong humakbang papunta doon at nakita ko ang picture ko na nabasag. Tinignan ko ang paligid. Biglang may gumalaw sa ilalim ng kama ko. Kinabahan ako, baka iyong killer na 'yan. Unti-unti akong lumapit doon. Unti-unti kung nilohod ang tuhod ko at unti-unti kong tinaas ang bedsheet ng kama ko. Napatalon ako sa gulat ng biglang tumambad sa akin si Bubbles ang alaga kung pusa. Kinuha ko siya at kinarga. hianawakan ko ang kanyang ulo. "Akala ko kung sino na 'yon kaw lang pala" sabi ko sa kanya. "Meow, meow" aniya habang nakatingin sa likod ko. "Tinakot mo ako doon ah" sabi ko sa kanya habnag hinihimashimas ang kanyang ulo. "meow, meo, meow" aniya na nakatingin parin sa likod ko. "Ha bakit?" nagtatakang tanong ko. Titingin na sana ako sa likuran ko ng bigla kong naramdaman ang paghampas ng isang vase sa ulo ko. Hindi pa naman ako ah? Hindi pa naman ako ang susunod ah? Napapikit na lang ako pero bago ako mawalan ng malay ay may narinig akong tinig, tinig ng isang tao pero hindi ko mawwari kung sino 'yun. "Hindi pa kita papatayin wag kang mag-alala. Ipapatikim ko lang sayo kung paano ang pagsunod ng kamatayan" aniya at yun na lang ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD