" ANO ang pangalan nang daddy mo?" hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinakabahan sa magiging sagot nang bata sa kanya.
Huminto ito sa paglalaro at tumingin sa kanya “Si daddy E--------"
"Renzo! Ano ang ginagawa mo dito? Ikaw na bata ka halika nga rito!." galit na tawag nang ina nang bata.
Sabay silang lumingon ni Renzo sa pinanggalingan ng boses.
Natigagal siya nang makita si Sheila. Hindi siya makapaniwala na ito ang ina nang bata. “ nagkatuluyan talaga sila ni Edward at ito ang anak nila?” bakit parang may sumabit sa lalamunan niya?
" Mommy I have a new friend" masayang sabi nang bata sa inang si Sheila.
Pinandilatan siya ni Sheila nang mata " wag mong lapitan ang anak ko" singhal nito sa kanya.
napakurap-kurap siya nang singhalan siya ni Sheila " Wag mong iiwan ang bata mag isa lalo na sa gilid nang tubig. Dahil delikado sa ganyang edad" pagalit niyang sabi rito
Nakipag titigan ito sa kanya" wag mo akong pangaralan kung ano ang gagawin ko sa anak ko!"
" Hindi kita pinapangaralan pina-paalala ko lang sayo ang posibilidad na mangyayari sa katangahan mo"palaban niyang sabi rito.
" How dare you saying that to me" anas ni sheila
" Mommy bakit mo inaway ang friend ko?"saway ni Renzo nang tumaas ang boses nang ina.
" I told you not to talk to stranger!" Inis nitong baling sa anak.
SINUNDAN ni Edward si Sheila para hanapin ang anak na si Renzo. Kanina lang nasa kuwarto niya ang bata pero nong puntahan siya ni Sheila, nagkasagutan sila. hindi niya napigil ang sarili patulan ito sa harap nang anak. Sa pagtatalo nila hindi niya namalayan lumabas na pala nang silid ang bata.
" Kung pwedi ko lang itakas si Renzo ginawa kuna para hindi kuna makikita yang si Sheila" sabi niya habang naglalakd papunta sa dalampasigan. " Sana si Amara ang ina nang anak ko!" wala sa isip na bulalas niya.
Naalala niya ang sinabi nang batang si Alfonso nong balikan niya ito sa dating bahay ni Amara. Ang sabi lumipat sa mayamang subdivision " saang subdivision naman iyon? yong bata talaga kulang sa information" napailing siya nagpatuloy sa paglakad.
Napahinto siya saglit nang matanaw si Sheila at si Renzo, sa de kalayuan may kausap na babae nakatalikod mula sa kanya. Mahaba ang kulay ash brown nitong buhok maputi ang balat naka t-shirt na itim na humapit sa maliit nitong baywang ang fitting na tila at naka short na maong na nagpalitaw sa mapuputi nitong hita.
Humakbang siya palapit roon " Sasusunod na lumapit kapa uli sa anak ko malilintikan ka sa akin!" narinig niyang banta ni Shiela sa kausap nitong babae.
“ Daddy!" sigaw ni Renzo nang makita siya nagtatakbo ito palapit sa kanya.
Hindi niya inalis ang mata sa nakatalikod na babae hinintay niyang humarap ito sa kanya. Humakbang pa siya palapit rito nang hindi ito matinag sa tinatayuan. “ Ano ang nangyayari rito?" tanong niya na nakatingin parin sa babae.
tumingala ang babae saka narinig niya ang pagbuntong hininga nito. Matamang siya naghihintay na humarap ito sa kanya.
KABADO si Amara at nanginginig ang kanyang mga tuhod nang marinig ang boses ni Edward nakatayo sa kanyang likuran. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya nang mga sandaling iyon.
Hindi siya handa makaharap ito pero wala siyang magagawa nandito na ito sa likuran niya. Pakiramdam niya matutumba siya sa subrang panlalambot nang kanyang tuhod.
Tumingala siya na tila doon siya humugot nang lakas para harapin ang lalaking unang minahal niya ang unang nanakit sa kanya. Humugot siya nang malalim na hininga bago pumihit paharap rito.
“ A-Amara!” sambit nito sa pagka bigla nang makita siya naka-awang ang mga labi nito sa pagka gulat na kagaya niya ay hindi inasahan na muli silang maghaharap.
Muling bumangon ang sakit at galit na kanyang naramdaman para rito. Ang lalaking nagtulak sa kanya para magpunta ng Japan at danasin ang ka hayupan na ginawa ng mga sadistang costumer sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin rito.
" A-amara?" Na uutal nitong ulit sa pangalan niya. “ K-kumusta kana?”
Nag chin-up siya at buong tapang na tumingin sa mga mata nito na nginitian pa niya " Edward nagkita din tayo muli."
“ Ang laki nang pagbabago mo Amara” nakangiti nitong sabi
“ Oo, dahil binago ako nang pagkakataon. Binago ako nang mga taong nanakit sa akin noon” sabi niyang tinitigan ito sa mata.
Nagbaba nang tingin si Edward na tila nahihiya sa kanyang sinabi rito.
Humakbong siya para umalis sa harapan nito.
" Renzo apo!" napalingon siya sa pinanggalingan nang boses na tumawag sa bata.
Nagkataon nakatingin din ang ginang sa kanya nagtama ang kanilang mga mata.
" Amara? Oh my God its you.” gulat na sabi nang ginang na si Consita nang mapag sino siya. Mabilis itong nakalapit sa kanya at niyakap siya nito.
Tumingin siya kay Sheila,pinukol siya nito nang matalim na tingin bago ito umalis hinila ang anak “ Edward, halika na.” tawag ni Sheila sa malambing nitong boses. Hindi ito pinakinggan ni Edward
Inutusan ni Sheila ang anak na hilahin ang ama. Agad naman tumalima ang bata” Let’s go daddy” sabi nito sabay hila sa kamay ni Edward.
“ Bye, tita Amara” paalam nang bata sa kanya.
“ Bye” tanging tugon niya at ngumiti rito.
Kumalas ang ginang sa pagyakap sa kanya.” Hija, hindi ko inasahan makikita kita rito” sabi nitong kumapit sa braso niya at hinila siyang maglakad kasunod nina Sheila at Edward.
" Ang laki nang pinag bago mo hija, lalo ka gumanda ngayon."
Ngumiti siya " Kayo din po ma'am hindi po kayo tumanda. Ang ganda niyo parin." Balik niyang puri sa ginang.
" Naku, salamat naman.Kumusta ka naman ngayon?”
“ Heto, nakaraos din” maikli niyang tugon na ang mga mata nakatuon parin kina Sheila.
Saglit silang huminto nang ginang sa paglakad.
“ Alam mo ba nong umalis ka, na mimiss kita. Lagi kung sinabi sa sarili ko na sana bumalik ka sa amin” sabi nito nakatayo sa kanyang harapan.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa sinabi nito. Tanging sakit at pait ang nasa isipan niya nang mga sandaling iyon, na nagka harap-harap na silang lahat.
" BAKIT MO ba binitawan?” Galit na tanong ni Edward kay Sheila.
Nang madulas si Renzo paakyat na sila sa hagdanan papasok nang hotel. Bumitaw ang banata mula sa pagkahawak ni Sheila at naapakan ni Renzo ang basang sahig kaya ito natumba.
Matalim na tumingin si Sheila sa kanya. Kung nakakasugat ang mga tingin nito siguro kanina pa siya duguan.
“ Wag mo akong sisihin at sigawan” galit nitong sabi sa kanya at inis itong naglakad papunta sa loob nang hotel para puntahan ang staff.
“ Nasaan ba ang manager niyo?" Inis na tanong ni Sheila sa staff nang makalapit.
" Ma'am, umalis po sandali ang manager namin." tugon nang staff nasa front desk.
" Bakit niyo pinabayaan mabasa ang sahig? na dulas tuloy ang anak ko.
Nandito ba ang may ari ng hotel naito?"
" Ano ba Sheila, kasalanan mo naman dahil binitawan mo ang bata. Gusto mo pa isisi sa hotel nato ang kasalanan mo." Inis na saway ni Edward.
“ Kung wala ang manager niyo, ipaka usap mo ako sa may-ari nito!” bulyaw ni Sheila.
" Yes, ma'am sandali tatawagin ko po." Tugon ng staff natataranta sa ipinakitang galit ni Sheila.
“HINDI KO ngarin akalain po eh na makarating ako nang Japan” sabi niya sa ginang na may bahid nang pait ang kanyang boses.
“ Matagal karin don hija? Kailan kalang ba umuwi? Hindi mo man lang ako dinalaw sa amin” nagtatampo ang boses nito.
“ Na busy lang po kasi ako” pagdahilan niya.
" Ma'am excuse me po." putol nang staff sa pag uusap nila ng ginang nang makalapit ito sa kanila.
" Gusto po kayo makausap ng costumer po natin. Nadulas po kasi ang anak niya hinanap niya si manager pero may pinuntahan po kasi si sir kaya sabi niya ang may-ari nalang daw” paliwanag nito.
“ Sige, ako na ang kumakausap sa kanya” sabi niya sa mahina na boses.
“ S-saiyo itong resort?” Gulat na tanong ng ginang sa kanya.
Tanging ngiti lamang ang kanyang tugon rito. Naglakad siya pasok sa hotel. Napabuntong hininga pa siya nang makita si Edward at si Sheila nakatayo roon.
Lalo naman nang galaiti sa galit si Sheila nang lumapit siya rito.
" Gusto kung makausap ang may-ari ng hotel hindi ang babaeng ito!” halos mag hystercal na si Sheila sa subrang galit.
" Ma'am siya po ang may-ari nang hotel na ito. Si ma’am Amara po.” tugon nang staff.
Hindi naka pagsalita si Sheila, sa narinig. Nakita niya ang gulat na rumihestro sa mukha nito. Tinapunan niya nang tingin si Edward na noon ay labis ang pagka mangha sa narinig.
“ Hindi kayo makapaniwala na ang inalipusta niyo noon at sinasaktan niyo ay ang may-ari nang hotel na tinutuluyan niyo?”gusto niyang sabihin rito. Pero hindi na niya iyon isinatinig pa.
Hinayaan niya ang mga panauhin nasa kanyang harapan na magulantang sa kanyang mga pagbabago at sa narating.
" Sa susunod, pag sabihan mo yang mga tauhan mo na wag silang tatanga-tanga. Ayan tuloy na accidente ang anak ko." Inis na sabi ni Sheila sa kanya nang mahimasmasan ito sa pagka bigla.
" My apology mrs Delgado." hinging umanhin niya nahihirapan pa siyang banggitin ang mrs Delgado.” bakit sumasabit sa lalamunan ko ang katagang iyan?” sa kaloob looban niya.
" Mommy, bakit po kayo nagagalit kasalanan ko naman. May yellow sign na bawal doon dumaan pero don parin ako kaya po ako na dulas." sabad nang bata
“ mabuti pa ang bata matalino kung mag isip” gusto niyang sabihin. Nginitian niya si Renzo at ibinaling ang tingin sa nakatulala paring si Edward.
" Para po makabawi kami sa inyo mr and mrs Delgado. Hayaan niyo po ilibre po namin sa inyo ang isang gabi sa pag stay niyo dito sa hotel namin” malumanay niyang sabi.
Hindi parin makapag salita si Edward, hindi parin nag absorb sa utak nito ang pagtatagpo nila.
" So, ano? pinamukha mo sa amin, na hindi namin ma afford ang isang gabi sa hotel nato?" Naka taas kilay na tanong sa kanya ni Sheila.
" Nasa sa inyo napo iyan mrs, kung paano niyo intindihin ang alok ko. Once again po, pa-umanhin sa nangyari."pilit siyang ngumiti saka tumalikod na.
" Amara, hija .” Tawag sa kanya ni Consita.
huminto siya sa paglakad at pinilit kalmahin ang sarili na kanina pa gusto mag-wala. Ngumiti siya bago nilingon ang ginang.
“ Po?”
" Sana dalawin mo ako sa bahay para makapag kwentuhan naman tayo.” pakiusap nito sa kanya.
“ Sige po, da-daanan ko po kayo kapag may free time po ako ma'am." iyon lang ay nag mamadali siyang tumalikod palayo.
Pagka pasok niya sa loob nang kanyang unit ay pinakawalan niya ang mga luha kanina pa nag babadya. Nasasaktan siya sa pagkikita nila. Pagkatapos siyang lukuhin ni Edward ay ngayon lang sila nagkaharap nito.
“ Talagang nagpakasal sila”anas niya sa mapaklang boses.
“ Knock! Knock!” dalawang katok ang pumutol sa kanya pag-iisip.
Pinahid niya ang kanyang luha at tinungo ang pintuan para tignan kung sino ang kumakatok.
Nagitla siya nang mabungaran si Edward nakatayo sa pintuan " Bakit ka nagpunta dito?" Konot-noo niyang tanong.
" Amara!" bulalas nitong niyakap siya.
" Ano ba Edward, Bitiwan mo ako!” itinulak niya ito nang malakas.
" Bakit ka umalis?" tanong nito.
“ Umalis kana wala na tayong pag-uusapan pa!” bulyaw niyang pigil ang maiyak.
“ Sagutin mo ako, bakit ka umalis?”sabi nitong hinawakan siya sa magkabilang balikat.
Mabiilis niyang tinanggal ang dalawang kamay nitong nakahawak sa kanya.
“ Bakit mo ako niluko?" balik niyang tanong dito.
" Hindi kita niloko. Minahal kita, pero ng iwan ka! Iniwan mo ako, na hindi mo binigyan ng pagkakataon mag paliwanag." Inis nitong sabi sa kanya.
" Pero nagpakasal ka!" Maluha luha niyang sabi.
" Pagkatapos mo akong makuha, basta basta mo nalang ako iniwan sa ere.
Ang tanga tanga ko, naniwala sayo namahal mo.” hindi niya napigil ang luha nag unahan sa paglandas sa kanyang pisngi.
“ hindi ko inisip na pagka babae ko lang ang gusto mo. Sino ba ang sumeryuso sa akin na katulong niyo lang noon” humihikbi niyang sumbat rito.
" Hindi kita niloko, totoong mahal kita, ni minsan hindi ko inisip na isa kang katulong. Pero pinag palit mo ako sa pangarap mo, mas mahalaga sa iyo ang pangarap mong ito. “sabi nito tinuro ang kabuohan ng hotel.
”Kaya mo ako iniwan para dito!Nihindi mo ako hinayaan magpaliwanag sayo” Pasigaw na sabi ni Edward sa kanya.
“ Wala nang dahilan pa para magpaliwanag ka. Umalis kana rito!” balik niyang sigaw na itinulak niya.
“ Mag usap tayo nang maayos Amara” nagsumamo ang boses nito.
“ Para ano pa? Wala nang dahilan para magusap tayo. Kaya umalis kana!”
“ Bakit ganyan kana ngayon? Bakit basta basta mo nalang tinatapon ang nakaraan natin? Dahil ba sa mayaman kana?”
“Wala akong nakitang magandang alalala sa nakaraan natin na dapat kung pahalagahan.
Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Maayos na ang kalagayan ko Edward, natupad ko ang pangarap ko na wala ka. Kaya wala na akong dahilan para balikan ang nakaraan. Matagal kunang kinalimutan ang nakaraan natin.Kaya mas mabuti pang umalis kana.
Nagtagis ang bagang nito sa galit sa kanya. " Ilang Japanes ba para maabot mo ito?”
Nag dilim ang kanyang paningin sa kanyang narinig.
inis siyang lumapit rito at walang pasabi sabi sinampal niya ito “ Pak!
“Pak!”mag asawang sampal ang binigay niya rito.
nanginginig ang buo niyang kamlamnan at nag aapoy ang mga mata sa subrang galit na tumingin rito.
" Wala kang karapatan na sa bihin mo iyan sa akin," sabi niya sa gumaralgal ang boses.
“ Hindi mo alam kung ano ang pinag daanan ko para husgahan mo ako ng ganyan." Pagpatuloy niya hinayaan na niya maglandas ang kanyang mga luha.
Natigilan ito sa kanyang sinabi.
“ I’m sorry Amara” hinging umanhin nitong namumula ang mga mata.
" Paano kita bibigyan ng pagkakataon na mag paliwanag, ni hindi mo ako sinubukan kausapin.
" Alam mo saan ang bahay namin, pero ni anino mo hindi ko nakita.
Ngayon sasabihin mo sa akin, na hindi kita binigyan ng pagkakataon?
Umalis ka sa harapan ko ngayon din!" Pasigaw niyang taboy kay Edward.
" Ilang beses kung sinubukan lapitan ka."
" Pero, hindi mo magawa? Bakit dahil pinili mo siya diba? Ang daming pag kakataon Edward pero wala kang balak na lapitan at kausapin ako."
" Amara, patawarin mo ako. Mahal kita kahit hanggang ngayon." Mangiyak ngiyak nitong sabi.
" Umalis ka Edward or tatawag ako ng pulis?” Taboy niya rito sa matigas na boses.
" Amara, please bigyan mo ako nang pagkakataon na magpaliwag." Sumamo nito sa kanya.
" Labas! Lumabas ka sabi eh!” itinulak niya ito palabas ng silid.
Nakita niya ang malungkot nitong mukha pero wala siyang pakialam.
Pabalibag niyang sinara ang pinto at napahagolhol siya ng mapag isa.
" Bakit? Bakit?" Sigaw niyang tanong sa sarili.
" Bakit kapa nagpakita hayup ka.
Ginulo mo lang ang tahimik kung buhay”