Amara the dreamer Episode 22

2023 Words
kANINA pa naka alis si Edward pero hindi parin siya natinag sa pintong kanyang pinag sandalan. Hindi maalis sa isip niya ang tagpo nila ni Edward. Sa anim na taon ngayon palang sila nagkausap muli. Bumangon ang sakit sa puso niya kung paano siya nito sinaktan. Gumolo bigla ang kanyang mundo. " Bakit paba ako nasasaktan? " Dahil ba siya ang unang lalaki minahal ko? dahil ba sa kanya ko sinuko ang pagka babae ko?" napahagolhol siya sa isipin iyon” nagkamali siya nang pagmamahal rito dahil sinaktan lamang siya nito. nakatulugan na niya ang pagiyak sa pagtatagpo nila ni Edward. Lalo pa siyang nasaktan nagkaroon nang anak ang dalawa. LAGLAG ang mga balikat ni Edward na umalis sa silid ni Amara. Kaitagal niya hinintay ang pagkakataon ito na muli magtagpo ang kanilang landas. "Pero paano ko siya suyuin? ngayon galit na galit pa siya sa akin. Napa buntong hininga siya habang naglalakad. Nasipan niyang magpunta nang bar para lunurin sa alak ang gumugulo sa isipan niya. Nakita niya sa mukha ni Amara kanina ang sakit na ramdaman nito. " Sana mapatawad niya ako, alam kung nagka mali ako pero sana bigyan niya ako nang isa pang pagkakataon mabawi ko ang sakit na idulot ko sa kanya." Tinungga niya ang bote nang alak na hawak niya. Nang magsawa siya sa bar ay tumayo siya at naglakad palapit sa dalampasigan. Nayapos niya ang sarili nang sumalubong sa kanya ang malamig na simoy nang hangin mula sa karagatan. " Masaya ako para kay Amara naabot niya ang pangarap niya” Saglit siyang napaisip nang maalaala ang sinabi ni Steve sa kanya noon na Hapon ang may-ari nito " so ano ang kaugnayan ni Amara sa Hapon na iyon? May relation ba si Amara at ang hapon? Kung may-roon man hindi ako susuko suyuin siyang bumalik sa akin. Hindi ko man siya napaglaban noon ngayon handa na ako” mariin niyang sabi sa sarili. ILANG MGA katok ang pumukaw kay Amara kinaumagahan. Kinakabahan siyang naglakad palapit sa pintuan para tignan" Imposible bumalik si Edward" sa isip niya. Bahagya niyang binuksan ang pintuan. " Hija? " Bungad sa kanya ni Consita nang pagbuksan niya. " Ma'am? Ano po ang atin?" Pilit ang kanyang ngiti dito. " Ayos ka lang ba hija?" Tanong nito sa kanya ng makita ang namamaga niyang mata. " Ano po ang mai- paglilingkod ko sa inyo ma'am?" tanong niya na hindi pinansin ang tanong nito sa kanya " Pwedi bang wag muna akong tawaging ma'am, hindi kana naman nag tatrabaho sa akin." Nakangiti nitong sabi. "Tita nalang ang itawag mo."Nginitian niya lang ito. Niluwangan na niya ang pagbukas nang pinto para patuluyin ang ginang. " Ang laki naman nitong kwarto mo," bulalas nito ng tuluyan makapasok sa loob. " umupo po kayo" tinuro niya ang sofa " Hija, nag sadya pala ako dito para invitahan ka sa birthday ng apo kung si Renzo." Nakangiti nitong sabi." Please wag mo akong tanggihan mag tatampo ako saiyo." Inunahan na siya nito ng hindi siya sumagot. " M-may lakad po kasi ako ngayon"pag dahilan niya. " Baka pwedi kahit dumaan kalang hija andito narin lang kami nag diwang sa hotel mo. Baka pwedi kahit bilang costumer nalang"pilit nito sa kanya. Tila siya pa ang nahiya sa sinabi nito " dito nag diwang sa hotel mo" " S-sige po." Napipilitan niyang tugon. Ayaw na niya sana makita si Edward Pero sa pakiusap nang ginang ay magkikita silang muli. Hindi narin ito nagtagal nagpapalam na ito sa kanya para makapag handa narin siya. " Aasahan kita mamaya hija ha?" bilin nito nang nasa labas na ito nang pintuan. Nakangiti siyang tumango-tango rito. Agad niyang sinara ang pinto nang makaalis ang ginang marahas siyang bumuntong hininga. " Ipapakita ko sa kanya na hindi ako na apektuhan at lalong hindi kuna siya kailangan sa buhay ko" sa kaloob looban niya. Tinungo niya ang kusina para ipaghanda ang sarili nang almusal Narinig niya ang kanyang celphone nagriring nasa ibabaw nang center table binalikan niya iyon para sagutin. " Hello mylove!" Bungad niya kay Hari nang sagutin niya ang tawag nito. " How’s everything?" tanong niya rito. " Everything is fine. I am going to see you soon” excited nitong sabi kanya. " That is nice to hear, and you need to stay longer cause we need to prefare our wedding" sabi niya sa masiglang boses. " Oh yes ofcourse. I am so excited to be your husband. I will make you the most beautiful bride" Natawa siya sa sinabi nito.Hindi narin siya makapaghintay na maging ganap silang mag asawa. " Anyway I have to go, I need to finish my work"pagpaalam nito. Pagka tapos nilang mag usap ni Harikasi nag handa narin siya para pumunta sa birthday. Hinanda niya ang sarili sa pakikipag harap sa mga tao umapi sa kanya noon. NANLISIK ang mga mata ni Sheila ng makita siya papalapit. Nakita niyang humakbang ito palapit sa kanya ngunit agad din intong huminto sa paglakad nang sinalubong siya ni Consita. Humawak ito sa braso niya at hinila siya papunta sa silya kalapit sa inuupuan nito. Tumakbo papalapit sa kanya si Renzo ng makita siya. " Tita Amara, birthday ko po ngayon." Magiliw nitong sabi at yumakap sa kanya. Nagulat siya ng yakapin siya nito." Happy birthday Enzo, may regalo ako sa iyo. Mamaya ibibigay ko." Nakangiti niyang sabi at hinahaplos haplos ang ulo nito. Kinabahan siya nang maglakad si Edward papit sa kanila ni Enzo " Relax Amara. Wala kang dapat na ipangamba. Hindi muna siya mahal diba?" paalala niya sa sarili " Salamat at nagpunta ka." Nakangiti sabi ni Edward nang makalapit ito sa kanya. " Walang ano man at pasimply siyang tumalikod. tinungo ang dulong upuan " Amara," nakangiting sabi ni Ivy sa kanya ng makita siya nito naka upo sa isang tabi. dinaanan kita sa unit mo kanina kaya ka pala wala ka roon dito ka lang pala." " Ano ang ginagawa mo dito?" Taka niyang tanong sa kaibigan. " Invited kaya kami sa birthdy ni Renzo." nakangiti nitong tugon sa kanya at tumabi nang upo. " Sino ba ang kaibigan mo boy or girl?"curious niyang tanong. " None of the above.Kaibigan ni Patrick si Edward." tugon nito sa kanya. Saka palang niya naalala si Patrick. Birthday nito ng kauna unahan niyang pagsayaw-sayaw. " Pwedi ba pumunta sa gitna ang mga magulang ni Renzo?" Tawag ng emcee sa mga magulang. Nakita niyang na una naglakad si Sheila pa punta sa gitna kasunod naman si Edward. " Ang hirap siguro ng ganyan noh? para kayong pusa at aso, pero wala ka naman magagawa” untag ni Ivy sa kanya nakatingin kina Sheila at Edward. Tila nahihiwagaan siya sa mga kwento patungkol sa dalawa. Mag tatanong sana siya ng dumating ang kanyang tauhan bitbit nito ang malaking laruan na sasakyan. Mabilis na tumakbo si Renzo sa kanya nang makita nito ang laruan. " Tita sa akin ba iyan?" Excited nitong tanong sa kanya. " Oo Renzo, regalo ko ito sa iyo. Dali sakay ka." Masayang sumakay ang bata sa de baterya sasakyan na laruan. " KAYA mo ba dito, gusto e held ang birthday ni Renzo para makita mo ang babaeng iyan?" Inis na sabi ni Sheila kay Edward habang ang mga mata ay nakatingin kay Amara at Renzo. " Ano ba Sheila birthday ng anak mo, wag mo sirain." pabulong niyang saway kay Sheila. " Rason mo lang siguro yang bagong bukas na hotel. Para magkita kayo ng babae iyan., Alam muna siguro nuon pa na siya ang may-ari nito." " Sheila, tigilan muna yang bunganga mo. Kaya masaya ako hindi naituloy ang kasal natin dahil din iyan sa bibig mo. Nakaka turn off ang paguugali mo” hindi na niya napigil ang sarili. Inis siyang tinalikuran si Sheila. tumalikod siya rito baka hindi niya mapigil ang sarili mag away pa sila nito. Nakakahiya sa kanilang mga bisita. NAGPALAM muna si Amara kay Renzo sasagutin niya lang ang tawag nang tindera niyang si Mila sa boutique. naglakad siya palayo sa mga tao. “ Mil——“ " Hoy! Magka liwanagan tayo." putol ni Sheila sa kanyang sasabihin sa kausap niya nasa celphone. “ Iba talaga ang pagiging pagka scandalosa nang babaeng ito” bulong niya sa sarili pinutol ang usapan nila ni Mila. Hinarap niya si Sheila. " Hindi ibig sabihin na mayaman kana pwedi kana makipag sabayan sa amin. Hindi porket gusto ka ni tita, umasta kanang close sa anak ko." Taas kilay nito sabi. " Ano ba ang pinag puputak ng butche mo Sheila?" Pag tataray niya dito wala na siyang pakialam na costumer niya ito. " Para kang manok putak ng putak." Inis siyang tinalikuran si Sheila. Mabilis naman siyang hinablot nito sa siko. " Bitiwan mo ako!” bulyaw niya " Bitawan mo ako, baka makalimutan kung costumer ka at ipakaladkad kita sa mga tauhan ko." Inis niyang sabi rito, Pinandilatan siya nito ng mata." Pinag yayabang muna ngayon na marami kang pera na magagawa mo ang gusto mo? " Nang uuyam nitong sabi saka tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Nakipag sukatan siya dito ng tingin. " Kaya kitang kaladkarin mag isa kung gusto ko. Pero hindi ko iyon gagawin dahil ayaw kong makita ng anak mo, ang lugar na kung saan ka na babagay." Sabi niya sa mahinang boses at akam siyang tumalikod. " Wag mo kalimutan kung saan ka nang galing babae ka, isang katulong kalang dati " Pahabol nitong sabi sa kanya. Napahinto siya sa sinasabi nito at binalikan niya si Sheila. Matiim niya itong tinitigan. " Kahit kailan hinding hindi ko iyon makakalimutan. " Mahirap ang tingin mo sa akin, pero na triggered ka." Nginitian niya ito ng nakaiinis na ngiti. “ Bakit kaba apektadong apektado Sheila? Dahil ba sa alam mo sa sarili mong nalalamangan kita?” " Go to hell!” Inis nitong sabi sa kanya. " Then I'll see you there!” Saka siya tuluyan umalis. “ Hinding hindi ako magpapasindak saiyo Sheila”bulalas niyang naglakad papasok sa loob nang hotel. " Amara!” tawag sa kanya ni Ivy ng makita siya nito. Huminto siya sa paglakad at inantay itong makalapit. “ Hindi kana babalik sa venue?” tanong nito. “ Hindi na may gagawin pa ako”tugon niya nagtuloy sa paglakad. Sumabay na sa kanya ang kaibigan. " Mag papablessing pala kami sa bago namin bahay ni Patrick punta ka ha?" " Sino ang ini-inbitahan mo?" Paniguro niyang tanong na wala si Edward. " Sino pa! Mga kaibigan ni Patrick at kaibigan ko, at syempre ikaw. Wag na wag mo akong indianin kung ayaw mong ipakulam kita." Pananakot nito sa kanya. " Naku! Nakakatakot ka naman." Nakangiti niyang sabi. " Sa gabi lang ako pupunta. kahit tira-tira lang okay na ako dun." " Bakit kailangan kang gabi pumunta? Ano pa ang kakainin mo? Tira tira ng ibang bisita?” Saka ngumisi ito. " Bahala na, basta tirhan mo nalang ako." " Pa special ang lukarit!” saka bumungisngis ito nang tawa. " Hala siya, ininvitahan niya ako tapos ngayon ayaw niya akong pumunta. Sa gabi lang ako libre” Nakairap niyang sabi rito. " Bakit ba kasi kailangan gabi ka pumunta?" " Basta, wag kana umangal." Inisip niyang sa gabi siya dahil sa may asawa na si Edward malamang hindi ito pwedi mag babad sa bahay nang kaibigan hanggang gabi sa bahay ni Ivy, lalo pa parang buntot nito si Sheila sa ganon hindi sila mapang abot roon. " Bahala kananga! Importante dumating ka." tugon nito. Iniwan na niya nag kaibigan sa lobby at nagtuloy siya sa kanya unit. napapailing siya nang maalala ang pagtatalo nila ni Sheila. “ walang pag babago” bulalas niya “ Mabuti pa atupagin ko nalang ang paparating namin kasal ni Harikasi lalo pa at parating na siya dito sa sa pinas. Binuklat niya kanyang laptop at naghahanap nang magandang gown na kanyang so-soutin para sa kasal nila. “ Hindi na ako makapag hintay” napahiga siya sa kama at pinikit ang kanyang mga mata habang ini-imagine ang sarili naglakad sa gitna nang aisle. Napa balikwas siya nang bangon nang iba ang kanyang nakikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD