Xavier's POV
Habang patuloy kami sa paglalakad ay naalala ko nanaman ang pamilya ko, si mama at papa at ang kapatid ko na si Jerome na kinuha nila. Sana nasa mabuti syang kalagayan. "Pangako Jerome kukunin ulit kita, hintayin mo ko." Sabi ko sa sarili ko.
"Babawiin natin sya." Napalingon ako kay Ezekiel na nakatingin din pala sa akin. Napalakas yata ang sinabi ko at narinig nya.
"Salamat." Sagot ko sa sinabi nya at nginitian ito.
Lumingon ulit ako sa kanya upang magtanong. "Nasa maayos na kalagayan naman si Jerome di ba?"
"Oo, sinisigurado ko sayo na hindi nila gagalawin si Jerome." Pagpapalakas loob na sagot ni Ezekiel sakin.
Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano sa sinabi nya sa akin. May pag-asa pa ako na mabawi ang kapatid ko. At hindi ako papayag na may mangyari sa kanyang masama, sya nalang ang pamilya ko. Gagawin ko ang lahat para mabawi sya sa mga kumuha sa kanya.
Napansin ko nalang na tumigil sila sa isang hi-way. Baka sasakay kami ng bus o ng kahit na ano. Ilang minuto pa ang dumaan at nakita ko na may paparating na sasakyan. Agad naman nila itong pinara. Nilapitan ni Aera ang sasakyan at tila kinausap sandali ang driver nito.
Nang matapos ay bigla itong humarap sa amin at nag thumbs-up. Kaya naman agad kaming nagsilapitan dito sa sasakyan. Van na kulay itim at halatang bago lamang ito. Nagsipasukan na sa loob sila Aera at ang iba pa. "Tara na pasok na tayo." sabi ni Ezekiel sa akin at pinauna na akong makasakay bago sya.
Nang makita ko ang loob ng van ay nakapagtatakang walang kasama ang driver. Siguro tagadito lang ito. Sa isip-isip ko. Napausog naman ako sa sulok dahil naramdaman kong umuusog si Ezekiel palapit sa akin.
"Nasisikipan ka ba?" Taakang tanong ko dito at tumang lamang ito.
Si aera nasa tabi ng driver seat at yung tatlong si Jericho, Gregory at Jonathan ay nasa likuran nakaupo. Kaming dalawa lang ang nasa gitna kaya naman nilingon ko ulit sya.
"Niloloko mo ba ko? Eh dalawa lang tayo ditong magkatabi." Asar na sabi ko kay Ezekiel at tila wala naman itong narinig. "Bahala ka nga sa buhay mo." Dugtong ko pa dito.
Habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe ay walang nagsasalita kahit na isa sa kanila, nakakabingi ang katahimikan. Tinignan ko naman si Ezekiel na sa gilid nakatingin.
"Ezekiel." Tawag ko dito.
"Bakit?" Sagt nito na hindi man lang lumiingon sa akin.
"Nagka-girlfriend ka na ba?" Wala sa sariling tanong ko. Napalingon naman ito sa akin at tila gulat na gulat sa itinanong ko sa kanya.
Nakatingin lang ito sa akin at tila iniisip kung sasagutin yung itinanong ko sa kanya. Daig pa ang quiz sa math. Parang seryosong seryoso ang itsura.
"Oo." Matipid nya lang na sagot sa akin at lumingon na ulit sa mga nadadaanan namin.
"Ta..Tao?" Alinlangan kong tanong sa kanya.
Lumingon naman ito sa akin ulit at nakakunot ang noo at tila naaasar sa itinanong ko sa kanya. Narining ko naman sila Jericho na tumatawa siguro dahil sa reaksyon ni Ezekiel sa akin.
"Hindi." Asar na sagot nito sa akin. Ah ngayon alam ko na.
"Asan sya? Bakit di nyo isinama?" Tanong ko ulit dito.
"Hindi ko sya maisama kahit na gustong gusto ko." Malungkot na sabi nito. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko na pati ako ay nalungkot na lang bigla.
Ilang oras na ang naging byahe namin at hindi ko na alam kung nasaang lugar na kami naroroon. Basta ang sigurado ko lang nasa pilipinas pa din kami. Medyo nakakaramdam na ako ng gutom pero di ko na lang iniintindi dahil na din sa mga iniisip ko. Na hindi ko man lang nabigyan ng maayos na libing yung magulang ko, yung kapatid ko na kailangan kong bawiin, yung bahay namin na walang nagbabantay, yung pag-aaral ko na napapabayaan ko na.
Ilang sandali pa ay napansin ko na lang na huminto ang van. Bakit kaya? Nagtatakang tanong ko. "May pwedeng makainan sa tabi, tara sasamahan kita." biglang sabi ni Aera sa akin. Napangiti na lang ako dito at tumango.
Bumaba na ako ng van at napansin ko naman na nakasunod din si Ezekiel sa akin, baka nagugutom na din kaya ganun. "Bakit sila greg hindi pa bumababa?" Tanong ko dito ng makita ko ang mga ito na hindi pa umaalis sa mga pagkakapo nila sa loob ng sasakyan.
"Ayos lang kami, hindi kami kumakain." Parang wala lang na sagot nito sa akin.
Sabagay nga naman. Hindi nga pala simpleng mga tao lang tong mga to na katulad ko. Eh di sila na. Basta ako kakain ako. Nagwawala na din kasi ang mga mapagmahal kong mga alaga sa tyan. Habang papasok sa karindirya ay nakasunod lamang si Aera at Ezekiel sa akin.
Nakaupo na kami at naghihintay ng mga inoder kong pagkain ng maalala kong wala akong dalang pera. Nabasa siguro ni Ezekiel ang nasa isip ko kaya nag-abot ito sa akin. Pero ang dami masyado. "San galing to?" Gulat kong tanong sa kanya habang nakatingin sa mga libong nasa kamay ko ngayon.
Pero ng tignan ko ang mga ito ay nakangiti lamang sila. Kaya naman napailing na lamang ako. Malulugi ang World Bank sa mga demonyong to kapag ganito kaya pati ako ay natawa na lamang sa kanila. Hanggang sa dumating na yung mga in-order kong pagkain.
"Pwede ba?" Naiilang kong tanong kay Aera at Ezekiel. Hindi ako makakain ng maayos dahil nakatitig ito sa ginagawa kong pakikipaglaban sa mga pagkaing in-order ko. Hindi ako makapag-concentrate.
"Sige lang kumain ka lang dyan." Naka-ngiting sagot ni Aera sa akin.
"Bahala nga kayo dyan." Sabi ko na lamang sa kanila at pilit kong inignora ang nararamdaman kong pagka-ilang dahil sa pagtitig nila sa akin habang kumakain. Iisipin ko na lamang na wala akong kasama ditong kumain at iisipin ko na lamang na gutom na gutom na talaga ako.
--------------------------------------------