Chapter 5 : The First Enemy

1008 Words
Itutuloy ko na ang aking kalokohan.. haha.. Kahit wala pang masyadong nagbabasa nitong story okei lang, :) ------------------------------------------------------------------------ Xavier's POV Hindi ako makatayo dahil sa dami ng mga nakain ko kaya naman sinabihan ko sila Aera at Ezekiel na maghintay lang sandali dahil hindi pa ako makatayo. Mga kalahating oras ang lumipas ng tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ko at tumayo na para sumunod sa sasakyan.  Pagkaupo ko sa loob ng sasakyan ay agad na din kaming umalis upang mapuntahan yung isa sa lugar na sinasabi nila. Napansin ko naman na naghaharutan yung tatlo sa likod at nagtatawanan pa. Nung mapatingin ako sa kanila ay nakita ko kung pano nag-apir si greg at jericho at ng mapatingin ako kay jonathan ay natawa ako dito dahil nakasimangot ito ng husto. "Xavier." Napatingin ako kay Ezekiel dahil sa pagtawag nito sakin. "Bakit?" Tanong ko dito. "Ano ang mga kaya mong gawin para mailigtas ang mahal mo sa buhay?" Seryosng tanong nito sakin. Napansin ko naman na biglang tumahimik sila Jericho sa likuran at si Aera naman ay halatang nakikinig sa amin. Nakatigin ak ng deretso sa mga mata ni Ezekiel. "Lahat gagawin ko, kahit na imposible ang isang bagay gagawin kong posible para lang mailigtas ang isang taong mahal ko." Seryoso kong sagot sa kanya. "Kahit na buhay mo ang maging kapalit para lang mailigtas sya?" Tanong ulit nito. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong nya. Dahil alam ko sa sarili ko ung ano ang nararamdaman ko dahil na din sa kapatid ko ngayon na kinuha sa akin. "Syempre hindi ako papayag na maging kapalit ang buhay ko." Sagot ko kay Ezekiel. Kumunot naman ang noo nito at tila naguluhan sa sinabi ko. "Akala ko ba gagawin mo ang lahat?" Tanong nya ulit sa akin habang hindi man lang kmukurap ang mga mata. "Oo pero hindi kapalit ang buhay ko, ano pa ang sense kung ililigtas ko sya tapos iiwan ko din naman sya di ba? Mas malulungkot lang yung ililigtas ko kapag ligtas nga sya pero wala naman na yung taong nagligtas sa kanya." Mahaba kong sagot dito. Nag-iwas ng tingin si Ezekiel sa akin at tila ba may malalim na iniisip. Samantalang sila Jericho naman ay hindi na mga nagsalita at nanahimik na lamang sa likod ng sasakyan. Pero ilang saglit lang ang lumipas ng bigla na lamang may kumalabog sa ibabaw ng sasakyan namin. Maya-maya pa ay may kumalabog na naman ulit na tila tumalon papunta sa bubong ng sinasakyan naming van.  "Ano yun?" Kinakabahang tanong ko sa kanila. Nang mapatingin ako sa bintana sa gilid ko ay napasigaw na lamang ako ng biglang may sumilip. Nakakatakot ang anyo nito na parang sa halimaw na hindi ko maipaliwanag. Lalo lang akong natakot ng biglang ihinto yung van na sinasakyan namin. "May halimaw sa labas!" Sigaw ko sa kanila. Unang lumabas si Aera at sumunod naman si Ezekiel. kahit na gusto kong lumabas ay nanginginig ako sa takot kaya hindi ko din magawang umalis o gumalaw man lang sa kinauupuan ko ngayon. Nakita ko ng biglang may tumalon sa harapan nila Aera at Ezekiel. Halimaw ba yun o ano? Mabalahibo ang buo nitong katawan at ang mga mata ay nanlilisik na kulay pula. Mahahaba ang mga pangil at mahahaba ang mga kuko na kulay itim.  Pero ang ikinagulat ko ay ng biglang may mga nagsilabasan na mga kasama nito na bigla na lamang nagsi-sulputan, sila jericho naman ay lumabas na din ng sasakyan at sumunod kina Aera at Ezekiel. Masyado silang madami kung lalabanan nila isa-isa. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong magagawa dahil baka pagtapak ko palang ng mga paa sa labas ng sasakyan eh nilalamon na ko ng buhay ng mga halimaw na yan. Dito lang talaga ako promise ko sa sarili ko. Nawa;a ang iniisip ko ng bigla nagkagul ang mga nasa labas. Nagsisimula na ang laban. Pinagdarasal ko na sana sa malayo sila maglaban laban dahil baka madamay pa ako. Ililigtas ko pa kapatid ko at hinding hindi ako pwedeng mamatay. Bigla na lang kumalabog ang sasakyan at nanlaki ang mga mata ko ng makita na nakatingin ang isa sa mga halimaw sakin. Naglakad ito papalapit sa sasakyan. "Wa..wag" Takot at mahinang sambit ko sa sarili ko na sana wag lumapit ang halimaw sa kinaroroonan ko. Pero mukhang hindi ako pinagbigyan ng tadhana dahil nasa tapat na ng pintuan ang halimaw at parang gutom na gutom na nakatingin sa akin. "U..umalis ka dito." Natatakot pero lakas loob kong sabi dito. "Hi..hindi ako na..natatakot sayo." Patuloy at nagkakandautal kong sabi sa halimaw na nasa harapan ko ngayon. Pero nang akma na itong papasok sa loob ng sasakyan ay napasigaw ako ng malakas. "Tuloooooooooooooong!" at ilang saglit lang ay may kamay na biglang sumulpot sa harapan nito at biglang hinila ang ulo nito patalikod na naging sanhi na pagkamatay nito. Si Ezekiel. Mangiyak-ngiyak ako dahil dito kaya naman bigla ko na lamang nayakap tong lalaking ilang beses ng nagliligtas sa buhay ko. "Salamat ulit." Nanginginig pa din ako hanggang ngayon dahil sa takot.  "Okay na kaya wag ka ng matakot." Sabi nito sa akin. Nang idilat ko ang aking mga mata ay mga nakahandusay na ang mga halimaw. Isa-isa namang nagsidatingan ang iba pa. Mga parang wala lang nangyari samantalang ako halos humiwalay na kagad yung kaluluwa ko sa katawang lupa ko.  "Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Aera sa amin. "Oo, ako ayos lang pero itong isa nakita ko kung pano magmatapang pero hihingi din naman pala ng saklolo. Haha." Tumatawang sagot ni Ezekiel kaya tinignan ko sya ng isang matalim na tingin pero napangiti ako dahil ito ang unang beses na nakita ko syang ngumiti at tumawa. "Oh tara na. Ipagpatuloy na natin yung byahe." Natatawang sabi ni Jericho. Naglalakad na kami papunta sa sasakyan ng biglang may magsalita. "Katulad nga ng inaasahan, madali nyo lang natapos ang mga utusang halimaw."  Napatigil kaming lahat at napalingon sa pinanggalingan ng boses.  ---------------------------------------------------------------------------- Ayun hanggang dito na muna :)) kaantok na ba yung story? hehe.. pagtsagaan na lang.. haha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD