MY MAFIA BOSS (Tagalog Romance)
CHAPTER 1
Pumasok si Dark sa kanyang opisina na matamlay
ang mukha! nalulungkot siya dahil magreresign na
si tita Melanie na dating assistant ng ama nito
noon! Siguro dahil din sa katandaan kaya naisipan
niyang magresign para daw mapalitan ito ng mas
bata para mabilis kumilos kumpara sa kanya
na limitado na ang kinikilos nito, at sana daw....
Pinapanalangin niya na ang maipalit sa kanya ay
yung babaeng maganda at sexy para may silbi na
napalitan ito! pagbibiro pa niya sa binata! nang
nagusap sila nung isang araw, na tinawanan
lamang ito ng binata dahil sa biro ni tita Mel niya!
Tita Mel is already 55 yrs old at gusto na daw
niyang magpahinga, at syempre gusto din niyang
makapiling ang pamilya nito!
Iyon ang rason kung bakit nagresign ito sa
kompanya nila, naintindihan ko naman siya, para
sa akin she deserves that! she needs some break
to be with her family!
Kaya ngayon ay naghahanap ang lalake ng PA
A personal secretary kung baga! yung single para
walang sagabal or walang estorbo pagdating sa
trabaho, yung medyo bata siguro mga nasa edad
20s pataas, May magandang personalidad,
May pagmamahal sa trabaho, at syempre ontime
sa trabaho!
Pagdating naman sa itsura kahit pangit man o anu
man jan basta nasa kanya lahat ng hinahanap ng
binata ay okey na daw sa kanya.
When his father died because of plane crash 6yrs
ago! lahat ng yaman, assets, ari-arian ng montero
family tulad ng Mansion, lupa, hotel, restaurant at
iba pang business nila sa iba't-ibang sangay sa
ibang lugar! lahat ng iyon ay napunta sa kanya
kase siya lang naman ang nag-iisang anak ni
Franco Montero na pinakamayaman sa lugar nila!
Kung kayat noong nasa wastong edad na itoy siya
na ang sumunod na namahala sa mga kompanya
nilang na iniwan ng ama nito.
at dahil mapagkakatiwalaan ang mga tauhan ng
ama nitoy nanatili sila sa pamamahala nito, at
syempre sa anim na taong pamamahala nito sa
kompanya nilay naging maganda ang takbo nito.
Nilapag nito sa mesa ang hawak nitong folder na
naglalaman ng mga emportanteng dokumento at
nakapamaywang na nakaharap sa di salaming
dingding!
Mula sa ika limangpot palapag siya naroroon kaya
tanaw niya mula sa taas ang naglalakihan at
magagandang establisimento tulad ng mga
restaurants, hotels at iba pa!
Cringgggg! crigggg!!! napawi ang paguni-guni
nito ng biglang tumunog ang telepono!
Lumapit siya at sinagot ito!
Sir! meron na pong mga nagaaply online at
nagbigay narin ng mga resume nila! gusto niyo
pong tingan ang mga files nila sir!?
Okey! kindly send at may files right know! i need to
check it emediately! pormal niyang sagot!
Okey po sir! at binabana ang telepono sa kabilang
linya.
ILANG ORAS ng palakad lakad sa bayan si Camilla
para maghanap ng trabaho sa bayan pero
sadyang wala talagang tumatanggap sa kanya
dahil wala siyang maipakita o maibigay manlang
na dokumento na isang katibayan na itoy
nakapagtapos manlang sa secondarya!
Siya ay nakapagtapos ng highschool pero hindi
niya ito naipagpatuloy dahil sa kawalan ng
financial! kaya napagpasyahan niyang pumunta
nalang dito sa siyudad para makipagsapalaran.
Nakitira ito sa isang kaibigan na kababata rin nito!
PAANO kaya ito! hindi nila ako tangapin kung wala
daw akong maipapakitang mga dokumento tulad
ng Barangay Clearance, NBI, PSA at iba napakamot
nalang ito sa ulo at napaupo sa may upuan sa may
gilid ng kalsada! at nakatingala sa mataas at
matayog na building sa harapan nito, sobrang
napahanga ito dahil sa sobrang ganda nito.
Lahat ng paligid nito ay yari sa salamin!
Wow! grabe naman siguro lahat ng empleyado dito
ay magaganda ang mga damit, Hindi gaya ng suot
ko ngayon lawlaw na nga ang pantalon ko patirin
itong tshirt ko! naku po! ayaw ko namn kaseng
isuot yung pinapahiram kanina sa akin ni Dona
kase sobrang sikip at maiksi pa! eh! alam naman
niyang hindi ako nagsusuot ng mga ganun!
Kaya pinagsabihan niya akong baduy daw!
Hayyy! kailan kaya ako makakatrabaho sa isang
katulad nito!
Maya-mayay may lumabas na tatlong babae sa
building na iyon na naka uniporme ng above the
knee na kulay pulang dress! Ohh! siguro ganyan
ang uniporme nila jan, grabe angsesexy at ang
gaganda nila! nasabe nito habang nakatingin sa
sa tatlong babaeng naglalakad papasok sa isang
kalapit din nitong building!
Makalipas ng ilang minuto ay may lumabas ding
isang napakagarang sasakyan na kulay asul!
Galing siguro sa basement ng building na iyon!
Napahanga siya lalo ng masilayan ang nasa loob
nito!
A-ang gwapo naman ng nasa loob ng sasakyan na
iyon! pakiramdam niya parang tumigil ang oras sa
mga sandaling iyon ng masilayan ang isang
lalakeng sakay sa asul na sasakyan!
Bakit ganun biglang kumabog ang puso ko ng
makita ko ang lalakeng iyon!
Sobrang gwapo niya! Hayyyyy!
Oh s**t! kumakalam na ang tiyan ko! nasapo ng
dalaga ang kumakalam nitong tiyan! mabuti
nalang na umuwi na muna ako at bukas kona lang
ipagpatuloy ang paghahanap ng trabaho at
magpapatulong nalang ako kay Dona!
Naglakad ito papuntang paradahan ng jeep medyo
malayo iyon kaya kandatakbuhin na niya ito
papunta roon dahil parang gagabihin na yata ito!
Pagdating niya sa boarding house ng kaibigan ay
nadatnan niyang nag-aayos ang kaibigan na
pumasok na sa trabaho nito kase pang gabe ang
trabaho nito!
Oh! ikaw pala Camilla! oh! ano! may nahanap kana
bang trabaho?
Hayyy! dumighay lang ang dalaga!
Aynaku! alam kona! ang ibig sabihin niyan! alam
kong walang tumanggap sayo! oh! diba! sabi ko
kase sayo pagdating dito sa siyudad kung
talagang wala kang natapos na kurso o kayay
maipapakitang dokumento na taga rito ka o yung
mga sinasabi nilang mga Barangay Clearance,
Police clearance at iba pang kung anu ano man
ang mga iyon! ang daming kailangan! nakakainis!
At tiyaka tingnan mo nga naman ang itsura mo sa
salamin! halika tingan mo dito! tinuro pa ang
salamin kung saan ito nakalagay! Oh! kahit siguro
sinu manyang sobrang bait na nilalang kung
tingnan ka nilang ganyan ang itsura ng nagaaply
ay hindi ka talaga nila tatanggapin, Lawlaw na nga
yang pantalon mo, longsleeve pa ang pangitaas
mo! at dumagdag pa ang nakalugay mong
mahabang buhok na parang isang ltaong hindi
manlang nakatikim ng rebond!
Naku friend! ako ang nababahala sa itsura mong
iyan!
Grabe! ka namang manghusga sa akin! eh! ganito
na ako manamit eh! at tiyaka wala naman akong
pera pambili ng bagong damit!
Hayaan mo! ipagpray mona magkakacostumer
ako ng bigtime ngayon para ililibre kita bukas!
kahit manlang sa pamparebond mo ng buhok at
makatikim manlang yang buhok mo ng koryente!
pagbibiro ng kaibigan! sabay tawa ng pagak!
Sige na! maiwan na kita dito! may tinira akong
ulam jan sa mesa! ikaw nang bahala rito! alis na
ako! baka malate pa ako!
Sige! friend! engat ka! at ni-locked.ang pintuan
nang nakalabas na ito.