Chapter Four

1832 Words
"Ice cream?" Tanong nito sa kaniya nang marating nila ang plaza ng subidivision. Kahit sa gabi ara maraming stalls nagbebenta ng pagkain dito. Sa gitna ay may isang napakalaking basketball court at ilang kabataang naglalaro. May maliit ring playground para sa mga bata, may swing, seesaw, sliding at kung anu-ano na pambata. Sinamahan niya ito para naman at least ay mapasaya niya ang binata at tutulungan niya itong makalimutan si Zoila. Pinangako niya sa sarili na babawi siya sa lihim niyang kasalanan. "Um-um!" Tumango siya kasabay ng isang matamis na ngiti sa labi. "The usual flavor lang Kuya ha, basta huwag mo na isalin ng durian flavor! I hate it!" "Silly little girl!" Ginulo nito ang kaniyang buhok. "Hey!" Angil niya at kunwari ay galit rito. Eversince nung dumating siya sa poder ng mga del Mundo ay tinuri siyang parang baby. "Wait for me over there," anito at tinuro ang bakanteng swing. Sinunod naman niya ang binata. Umupo siya sa maliit na bangko ng duyan habang minamasdan si Sebastian. Makikita sa itsura nito na hindi ito okay, gusot ang damit at magulo ang buhok, pero kahit ganun pa man ang hitsura nito ay hindi maitatannging guwapo parin ito. He simply looks handsome! Wala nang ibang lalake para sa kaniya. Pagkaraan ng tatlong minuto ay nilapitan siya ng binata. "Here you go..." Inabot nito ang cone ng order niyang ice cream. "Yey! Thank Kuya!" Abot hanggang mata ang ngiti niya, but then there is still this awkward feeling every time tinatawag niya itong 'Kuya'. Umupo ito sa katabing swing, at dahan-dahan kinakain ang ice cream nito. "Naalala mo pa ba, dito tayo madalas magpunta pagpinapagalitan ni Mama?" Mahina nitong tanong sa kaniya na di man lang siya tinatapunan ng tingin. "Dito rin tayo madalas tumambay, dito ka rin nagbibisikleta habang hinihintay ko dumaan ang crush ko." Tumawa ito. "Hahaha! Oo naman Kuya! Naalala ko tun, naalala ko rin kung paano ka binasted ng crush mo!" Sinabayan niya ang tawa ng binata. "Oo kasi kasalanan mo!" He snorted. "You told Vianelle na hindi ako pa ako tuli!" "Abah! Malay ko bang maniniwala siya dun, eh joke ko lang naman yun eh! Kasalanan niya kasi naniwala siya sa akin." Ngumuso siya. Ito yung unang kalokohang ginawa niya dati bago pa man niya na-realized na iba ang namumuong damdamin sa kaniyang puso para sa kinikilalang kapatid. Gusto kasi niya lahat ng atensiyon at pagmamahal ni Sebastian ay nakatuon lamang sa kaniya... KANYA lamang. Alalang-alala niya nung bata pa siya at si Sebastian nama'y nasa fourth year hight school, may crush ito sa babaeng kapitbahay nila na nasa kabilang kalye lang naninirahan. Sa tuwing nasa plaza sila ng subidivision napapansin niyang laging tinititigan iyon ni Sebastian mula sa malayo, hindi pa niya alam kung ano ang kaniyang nararamdaman basta ang alam niya ay naiinis siya sa dalagita, lingid sa kanyang kaalaman ay nagpapadala pala ng love letter ang kaniyang Kuya rito, hanggang sa isang araw siya ang pinag-utusan nitong iabot ang liham sa dalagita, kaya naman nagkaroon siya ng chance para basahin ang nilalaman niyon. "Eto miss," naaalala pa niya ang tagpong iyon. "Pinababigay sa'yo ni Kuya ko." Aniya kay Vianelle habang lihim na pinasadahan ng malditang tingin. "S-salamat..." Nagniningning ang mga mata nito nang kunin iyon mula sa kaniya.  "Ikaw ba si Charlotte, kapatid niya?" "Yes! Ako nga!" Tugon niya, nanatiling nakatayo siya sa harapan nito, hinihintay niyang buksan ng babae ang liham. Mukhang napansin naman ng dalagitang si Vianelle, kaya tumukhim ito. "Ang cute mo pala noh," ngumiti ito ng kay tamis pero hindi niya iyon sinuklian, "ang cute mo pala." "Cute?" Sabi niya sinabayan ng pekeng tawa, "ano ako tuta or kuting?" Her voice was full of sarcasm, na halatang ikinagulat ng kaniyang kausap. "Oo nga noh..." Lihim itong napangiwi, "sige Charlotte, salamat ha pero kailangan na akong umalis." "Teka sandali!" Tawag niya nang akmang aalis na sana si Vianelle. "Nililigawan ka ba ni Kuya?" Walang kiyemeng tanong niya rito, nabasa kasi niya sa liham, tinatanong ni Sebastian kung pwede ba itong ligawan. Pumihit si Vianelle, namumula ang pisngi at nahihiyang tumago. "Ayaw ko sanang sabihin ito noh? Pero may secret ako..." Anas niya. "A-ano?" Na kuryoso naman si Vianelle. "Halika, lumapit ka at ibubulong ko sa'yo..." Bahagyang yumuko si Vianelle para magpantay ang kanilang mukha, maliit pa kasi siya nung mga araw na iyon kumpara kay Vianelle at Sebastian. Sinimulan niyang i-share ang sekreto sa dalagita at ganun na lang ang paglaki ng mga mata nito at napatutop sa sariling bibig. "R-eally?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango siya as if nakiki-simpatya kay Vianelle. "Sad but true..." ---- Ang lakas ng halakhak nilang dalawa ni Sebastian habang ni-re-recall ang eksenang iyon. Ikinuwento niya sa binata ang lahat at di nito maiwasang matawa sa ginawa niya. Kaya pala sobrang pag-iwas ni Vianelle kay Sebastian noon, yun pala sinabi ni Charlotte na hindi pa siya tuli. "Maganda sana siya Kuya pero wala naman utak!" Wala parin siyang tigil sa paghalakhak. Halos maluha-luha na ang kaniyang mata. "Biro ko lang naman yun!" Pero ang totoo nun sinadya niya talagang sirain ang kapatid para lubayan lang ni Vianelle. "You silly girl! Pero nagalit talaga nun sa 'yo! Pero di kita matiis kasi kapatid kita." Umiling-iling ng ulo at pagkaraan ay tumingali ito sa langit. Aray! Parang tinusukan naman ng kutsilyo nito ang kaniyang puso. Ayan na naman ang KAPATID na yan! Pwede din bang hindi siya nito matiis kasi mahal rin siya nito. Tumigil siya sa kakatawa at yumuko, mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang chain ng swing. Sabagay ano ba ang ine-expect niya kay Sebastian. "Ang ganda ng langit, pero ang lungkot." Anito na ikinaangat ng mukha niya. Ang langit malungkot? "Hindi ah!" Agad niyang sabi. "Hindi naman malungkot ang langit ah!" Nilunganan siya ng binata at nagtama ang kanilang mga mata, agad din siyang nag-iwas. Malamlam ang mga mata nito, he's in deep pain. Humugot muna siya ng hangin at ibinuga iyon. "Siguro nga gustong umulan, pero pansamantala lang naman, dadaan lang naman iyon pagkatapos nun ay lilitaw parin naman ang mga bituin. Gaya ngayon sa nararamdaman mo, malungkot... Madilim...malamig... Uulan...iiyak ka... Pero lilipas din yan, lalabas ang mga bituin at mapapangit ka na lang at sasabihing... 'Uy lumipas din ang ulan'." Hays! Sana nakuha ni Sebastian ang gusto niyang ipahiwatig, at sana nga lang ay may sense rin ang sinabi niya. "It's how you face the rain Kuya..." There was silence for a moment between them, lumamig ang pag-ihip ng hangin na dumadampi sa kanilang balat. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at tumayo. "Lika na, I'll take you home." Sabi nitong nakapamulsa, nagpatiuna itong maglakad. Tsk! Biglang nagbago ang mood, hindi naman ito galit but she cold feel the sudden drop of the temperature. Sinundan niya ito at minabuting hindi na lang muna magsalita. ---- Malungkot siyang pumasok sa trabaho ng umagang iyon. Pumanhik siya sa loob ng malaking gusali ng AGC, dala ang kaniyang malaking kulay asul na bag na may design ng looney toons, habang ang isang kamay niya ay may lamang kape na binili niya sa starbucks na malapit lang sa pinagtatrabahuhan niya. Nang ihatid siya ni Sebastian sa bahay kagabi ay agad din itong umalis, nagpaalam ito sa kanilang Mama na dun muna ito mananatili, magpapahangin at mag-isip. Nalungkot ang kanilang ina nang malaman nito ang tungkol sa ginawa ni Zoe sa anak, siyempre bilang isang ina ay hindi nito maiwasang magalit sa dalaga, but Sebastian is too kind. Hindi maiwasan ni Charlotte ang mainggit dito. Bakit ba kasi ganito at ganyan? Sana siya na lang si Zoe, sana siya na lang. "Good morning Miss Beautiful!" Kay lapad at tamis nang ngiti ng makulit niyang kasamahan sa trabaho ang sumalubong sa kaniya. Si Cachupoy ay este si Emrish pala, ang sungki-sungki nitong ngipin na may braces ang unang napansin niya, napaatras siya sa gulat at inis dito. Kita ang gilagid, ang buhok nito ay maayos na maasyos na sinuklayan at perpektong hinati sa gitna na halatang nilagyan pa ng pumada ng Lolo pa nito. Sinabayan siya nito sa paglakad. Wala siyang balak makipag-kuwentuhan, pre-occupied ang kaniyang utak kay Sebastian. "Ano na naman ang kailangan mo?" Inikutan niya ito ng mata. Mukhang alam na niya ang sadya nito. "Eh..." Nahihiya itong napakamot ng batok. "Si Alena na naman?" Tinaasan niya ito ng kilay, ngumiti lang ang gago. Sinasabi na nga ba! "Tsk! Sabi ko naman sa 'yo parehas ko kayong kaibigan. Huwag ka na kasing umasa dun! Masasaktan ka lang!" Sabi niya sa na iiritang boses, pero siya rin mismo ang napahinto sa kaniyang sinabi, lumungkot ang mukha ng kaniyang kasamahan. Kung tutuusin parehas lang naman sila ng sitwasyon ni Emrish... Eh siya? Paano na ang sitwasyon niya? Buti pa si Emrish pwede lumapit kay Alena kahit anong oras. "Pasensiya na... PMS lang..." Kunwaring dahilan niya. "S-sige... Try mo ulit siyang i-text? B-baka papayag na yun makipag-date sayo." Fingers crossed. Samantala... Mahimbing na mahimbing paring natutulog si Sebastian sa carpeted floor ng kaniyang living room sa condo habang yakap-yakap ang picture frame ni Zoila. Nakakalat ang mga ilang papel, magazines at libro. Kasama rin ng mga empty bottles at beer in cans. Basag ang monitor ng kaniyang laptop, ito kasi ang napagbuntungan ng galit niya kagabi. He was rereading all her e-mails and chat conversations noong nasa middle east pa siya. Although she can sense coldness from her kahit sa chat man lang ay inignora niya lahat ng iyon, he said everything between them is okay. He loves her and she loves him, he's in love with her but sad to say she never did. Kagabi, nung kinausap siya ni Charlotte, trying to comfort him pero sadyang na nanaig ang kaniyang emosyon kaysa sa utak. He realized words are not enough to comfort a broken heart... As if his soul is also broken. He admits it was a good laugh upon listening to Charlottes stories back when they were young, pero pagkatapos nun ay wala na. He's still sad and lonely. Sa totoo lang, kagabi lang siya nakakain ng maayos, kung maayos nga ba ang twag dun. He has no appetite for food, nor anything else. He just wanted to be alone. Kinansela niya lahat ng mga plinano nila ni Zoe, maliban na lamang sa gown nitong na simulan ng gawin. Wala siyang nagawa kundi ang ituloy na lamang ng designer. Babayaran na lamang niya iyon, anyway money is not a big deal for him! Subalit ano naman ang gagawin niya sa gown na iyon? Tititigan na lang ba niya at aasang bumalik si Zoe at suotin iyon? The heck! --- Uwian na ni Charlotte nang tumawag ang kaniyang Mama, ang Mama nila ni Sebastian. Pinakiusapan siya nitong daanin ang kapatid sa condo nito dahil sa labis na pag-alala, hindi kasi sinasagot ng binata ang mga text at calls ng ina, maging ang tawag sa landline ay hindi rin nito sinasagot. "Don't worry Ma, I'm on my way to Kuya's place. Don't worry, I'll take care of him, kakausapin ko siya." Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD