"Charlotte Anak," tawag ng kaniyang ina mula sa labas ng pintuan. Mahihinang katok nito ang gumising sa kaniya. Bahagya niyang sinilip ang maliit na orasan na nakapatong sa kaniyang mesa. "Tsk! Alas sais na pala ng hapon!" Anas niya. Ibig sabihin matagal na pala siyang nakatulog, sabagay hang-over siya at pagod na pagod rin ang kaniyang pakiramdam.
"Charlotte! Gising ka na ba?" Patuloy parin ito sa pagkatok. "Opo ma..." Tugon niya na inaantok parin.
"Halika na anak, kanina pa kita ginigising. You didn't even woke up for lunch."
"Yes Ma, sandali..." Tinatamad parin siya, tila kay bigat ng kaniyang katawan, pero bumangon parin siya para buksan ang ina. "Pasensiya na Ma napasarap ang tulog ko." Humikab pa siya sa harapan ng ina.
"Siguro sobra kang nag-enjoy pati mga kaibigan. It's okay, hindi naman masama mag-enjoy once in a while." Ngumiti ito sa kaniya. "Maghanda ka na at kakain na tayo."
"Ay oo nga pala Ma," napangiwi siya, sakto rin kumalam ang kaniyang sikmura. Kahit breakfast di pala siya kumain kasi na binusog siya ni Sebastian kagabi...hihihi!
"Magsuklay ka ng buhok ah, dinaig mo pa si Sisa sa itsura mong iyan," natatawang sabi ng ginang sa kaniya. Napahawak siya kaagad sa kaniyang buhok, tsk! Parang dinaanan ng bagyo, nakalimutan kasi niyang suklayin iyon kanina bago matulog.
"Ahihihi opo Mama," nakisabay na rin siya sa tawa nito.
----
She combed her long wavy chestnut brown hair, and tied it with her hello kitty pink bow. Sinipat niyang muli ang kaniyang itsura sa salamin at napangiti, wala lang... Masyado lang siyang masaya.
Eto talaga ang hilig niya ang mgangolekta ng mga cartoon character items, specially ang kay Hello Kitty, Betty Boop at Jessica Rabbit. Pero mas bet niya si Betty Boop kasi nasa gitna ito ni Hello Kitty at Jessica Rabbit. Masyado naman kasing daring itong si JR.
"Hindi ka na virgin..." Kinausap niya ang sarili sa salamin. "Na-devirginized ka na ng love of your life!" Namula ang kaniyang mukha at humagikhik. "Tsk! Tama na nga yang kalandian mo noh!" Di niya mapigilan ang matawa sa sarili. "Ano labas ka na at kumain?" At nag-thumbs up sa sarili. Pag-iisipan pa niya ang next step kung papaano siya mapalapit sa kaniyang Kuya Sebastian, hindi bilang kapatid kundi bilang isang babae. Pero paano nga ba? Napaka-complicated naman kasi... Minsan hinihiling niya na sana hindi na lamang siya in-adopt ng Mama nito.
"Andito na a---" nataigilan siya nang makitang sino ang nasa kusina, ang matamis niyang ngiti ay biglang napalis. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso, nanlamig ang kaniyang mga kamay at paa.
"Oh bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" Takang sita ni Sebastian sa kaniya na baghayang lumingon sa kaniya bago itinutok ang mata sa harapan nito. Nakatayo ang binata habang hawak ang isang tasang may fruit salad at ang isang kamay ay minamaniobra ang remote control, may maliit na TV kasi sila sa itaas ng refrigirator. Hindi naman kalakihan ang kanilang kusina pero kasya silang tatlo pati na rin ang ibang appliances. "Hey! Little girl don't you just stand there halika na at kumain." Muli itong nagsalita nang wala itong makuhang sagot mula sa kaniya.
"Ah...er..." She blinked in a countless time, hindi siya makapagsalita ng diretso, parang may nakabara kasi sa kaniyang lalamunan. Dahan-dahan niyang hinakbang ang mga paa papunta sa mesa, nagmistulan siyang robot at may distansiya pa talaga nang dumaan siya sa harapan ng binata.
"Hoy Charlotte okay ka lang?" Kumunot ang noo ng binata. Na-wi-wirduhan ito sa inaasta ng kapatid.
"Okay lang ako! Hahaha!" Napatayo siya ng tuwid pero hindi man lang tumitingin sa binata. "Si Mama?"
"Sandali siyang lumabas, maybibilhin lang sa grocery store." Sagot nito.
Nanatili siyang nakatayo pero hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kinikilalang kapatid. Lingid sa kaniyang kaalaman, lihim siyang inoobserbahan ng binata.
"You're acting weird!" Anito sa kaniya na halos ikatalon niya sa kaniyang kinatatayuan.
"Pvtcha! Acting weird ka diyan! Hindi ako ma-a-acting weird eh kagabi lang akala ko panaginip lang ang lahat pero Kuya chinukchak tienes mo ako!" Piping sigaw niya. "Ahahaha!" Napapalakpak siya ng kamay at sinabayan ng pekeng tawa, teka para saan ba yun? Ggggrr! Gaga epic fail Charlotte! Na mas lalong kumunot ang noo ng binata sa kaniyang pinaggagawa. "W-wala K-kuya..." Iniwasan niya ang mga mata nito, "hang-over lang..." Kaila niya, pero ang totoo naasiwa siyang kaharap eto ah kagabi lang ay kahalikan niya ang binata, kayakap at... Wag na nga lang.
"Hang over?" Ulit nito.
"Opo... N-nag ano... Nag-invite po kasi s-si Debrah..." Tugon. Wow! As in wow lang parang mabait na bata lang kung maka-PO ay wagas.
"Parehas pala tayo..." Kumibit balikat ito, ilang segundo itong tumahimik, nagbuga ng hangin bago nagsalita. "Kain." He said, raising his spoon near Charlotte's mouth. "Pampaalis ng hang-over," he added.
Nagulat naman si Charlotte, pero alam din naman niya ang dahilan kung bakit. "Open your mouth." Mando nito sa kaniya na parang bata, haysss as usual. Teka, ito ang kutsarang gamit nito.
Pvtcha! Di niya maiwasan pamulhan siya ng mukha. Nagdadalawang isip kung kainin niya ba iyong isinusubo sa kaniya ni Sebastian. Eh di parang naghalikan lang sila ulit. 'Indirect kiss'
"Leche ka! Hindi lang naman isang beses na ginawa ni Sebastian yan ah!" Sigaw ng isang bahagi ng kaniyang utak. "Eh kasi... Diba mas may meaning na ngayon kasi nag...ano... Nag-ano na kami ano ba?!" Tugon naman ng kabila.
"Hey! Nangangawit na kamay ko," reklamo nito. Agad niyang ibinuka ang bibig at kinain ang fruit salad. Hmmm... Masarap! "Masarap kasi natikman mo na naman ang laway ng Kuya mo!" Sigaw ng kontrabida niyang konsensiya.
"Masarap ba?" Tanong nito. Tinanguan niya ang binata at agad rin nag-iwas ng tingin. "Opo..."
"Are you sure okay ka lang?" Naninigurado nitong tanong sa kaniya, napaatras siya ng konti nang lapitan siya ni Sebastian. Ang tangkad nito kumpara sa kaniya, hanggang balikat lang siya nito, ang lapad ng katawan at may ibubuga naman ang lean body nito. Tama lang ang laki ng mga muscles at abs nito.
Isang tanong ang lumalaro sa isip niya, nakayanan niya ang size nito? She bit her lips, ayan na naman pumapasok na naman ang mainit na eksenang pinagsaluhan nila kagabi.
Tumingala siya at di maiwasan titigan ang mga kulay tsokolate nitong mata, kagabi na puno ng apoy at pagnanasa. Hanggang sa dumako ang tingin niya sa mga labi nito na paulit-ulit niyang natikman at nahalikan. She could still feel the softness of his lips brushing her lips, how his tongue moved inside and how he played with hers.
"Tsk! Hindi ka talaga okay Charlotte," Sebastian snapped his fingers infront of her face. "P-po?" Nauutal niyang balik tanong, walang sumi-sink in sa kaniyang utak.
"Sabi ko masama ba ang pakiramdam mo? Pero hindi ka sumasagot nakatunganga ka lang sa akin." Anito. "Wala ka naman lagnat." Sinapo nito ang kaniyang noo gamit ang isang kamay, pakiramdam ni Charlotte ay napaso siya sa simpleng pagdampi ng balat nito sa kaniyang balat na agad siyang napaatras na mas lalong ikinakunot ng makinis nitong noo.
"O-okay lang ako K-kuya," nauutal niyang sabi, para iwasan ang mga nagtatakang titig nito ay agad siyang umupo sa kaniyang pwesto at sumandok ng kanin, wala sa kaniyang na naparami na pala ang kanin sa kaniyang plato.
"Hoy dahan-dahan naman," narinig niyang sabi nito. "Mauubos mo ba yang lahat?"
"Oh siya eto K-kuya hati tayo," binilis-bilis niya ang kaniyang mga galaw. "Leche! Naasiwa na talaga akong tawagin kang kuya eh inano mo na ako kagabi!" Gusto sana niyang isigaw sa pagmumukha nito. Kumuha siya ng ulam, walang lingon ay tahimik siyang kumain. Naramdaman na lamang niyang umupo ito sa katabing upuan.
"Let's take a walk sa plaza after ng dinner," aya ni Sebastian sa kaniya. Nilingunan niya ito, seryosong nakatingin sa pagkain, batid ang kalungkutan sa mukha nito.
"Kuya..."
"The wedding is off." He breathed heavily, "I'm not getting married anymore... Zoe left me... She ran away with my friend Vincent..." Puno ng hinanakit ang boses nito, ilang beses rin itong lumunok na halatang pinipil lamang ang sarili na huwag umiyak.
"Kuya..." Somehow she felt guilty, of course guilty kasi parte siya sa planong iyon. Ikinuwento si Alena ang past love story ng kapatid nitong si Zoe, and lately nalaman niyang ang lalakeng nakabangga niya pala sa engagement party ng mga ito ay mismong si Vincent na pala.
Alena hates Sebastian, that's the fact. Hindi rin niya alam kung bakit pero hindi talaga ito boto sa binata. Kaya naman tuwang-tuwa ito nang inamin niyang mahal niya si Sebastian at hindi naman sila totoong magkapatid and what is good about everything is, she is not legally adopted by the del Mundo's.
"Siguro masaya ka noh?" Sebastian chuckled.
"Kuya naman..." Nahihirapan niyang sabi, yes she hates Zoe, and definitely nagdidiriwang ang kaniyang puso pero ang makitang nahihirapan si Sebastian ay nahihirapan din ang kalooban niya. "Hindi naman sa ganon..." Hindi nga ba talaga?
"Biro lang yun... Wala ka namang kasalanan." Anito. Wala nga bang talaga? "It's her decision of leaving me... But God..." Napasubsob ito ng mukha sa mga palad. "Ang sakit Charlotte... Ang sakit..."
"Kuya..." Iyon lang siguro ang masasabi niya. Yes it was Zoe's choice of leaving Sebastian, but she was part of the plan. She was part of everything, she was part of causing the pain.
"Pasensiya na..." He faked a smile. "Wala akong ibang mapagsasabihan maliban sa'yo at ni Mama..."
She bit her lower lip, tumayo siya sa kinauupuan niya at nilapitan ito sa likuran, hindi niya makayanan ang makitang nasasaktan ang lalakeng pinakamamahal niya. She wrapped arms around his neck from behind.
"I'm so sorry kuya..." Napaiyak siya. "Hindi ko alam kung papaano ka i-comfort... Hindi ko alam..."
"Okay lang... This will be hard for me pero alam kong makakayanan ko rin ang lahat ng ito. You don't have to be sorry just because you don't know how to comfort me... Basta nandiyan ka lang, kayo ni Mama. Everything will be alright..." Hinaplos nito ang magkabilang braso niya.
"Hinding-hindi kita iiwan K-kuya... I will help you... You don't need Zoe in your life..." All you need is me...I can love you better than Zoe... Gusto niya sanang dugtungan iyon, pero mas pinili na lamang niya ang manahimik kaysa sa malayo ang loob nito sa kaniya.
Magiging okay ba talaga ang lahat? Paano pag nalaman ni Sebastian ang lahat...?
Itutuloy...