Chapter 10 - Ziya

2655 Words

"Hello, Hunter," narinig kong bati ni Freya kay Hunter na nasa labas ng corridor. Kararating ko lang sa classroom dahil tinanghali ako ng gising. Ilang araw na akong nag-e-extend ng oras sa trabaho habang wala pang exams. Malaking bagay ang makapag-ipon ako. "Hello, Freya," ganting bati ni Hunter. Nakasandal si Hunter sa balustre habang si Freya ay tumabi sa binata. Tuloy tuloy ako sa loob. Hindi ko sila gustong tingnan dahil wala namang ginawa si Hunter kung hindi mang-inis sa 'kin. Pagpunta ko sa upuan ay may tatlong tsokolate doon na alam kong si Hunter ang naglagay. Sa totoo lang ay nagugutom ako dahil hindi ako nakapag-almusal. At tsokolate ang pinangarap kong mabili noon dahil nakikita ko lang kay Ate Marianne kapag bumibili siya sa labas ng school. Local chocolate pa nga lang 'y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD