"I'm glad you wanted to be a doctor," wika ni Daddy na hindi pa umaalis sa silid. Kinuha ni Mommy ang ilang damit niya sa wardrobe nito dahil wala akong maisusuot na pantulog at gagamitin kinabukasan. "Pangarap ko na ho noon pa ang maging doktor. Akala ko nga ho hindi ko na matutupad ang pangarap na 'yun." "You have all the means to fulfill your dreams now, Ziya. Nandito kaming lahat para suportahan ka. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon na may isa akong anak na gustong sumunod sa yapak ko." "Wala hong naging doktor kila Kuya?" "Si Drake, nagdadalawang-isip pa. Ang Kuya Duncan mo at si Danzel ay parehong walang kinalaman sa medisina ang kinuhang kurso. Though I am not complaining, you gave me another pride I could always be proud of." "Sana nga po maging matagumpay akong dok

