Chapter 23 - Ziya

2204 Words

Hindi pa rin ako makapaniwala na ngayon ay may kukupkop na sa akin na bagong pamilya. Mula sa Albano Hotel, pauwi na raw kami sa bahay ng totoo kong magulang. Si Daddy Zandro ang nag-drive ng kotse habang nasa backseat kami ni Mommy Dani na hindi binibitiwan ang kamay ko. Hindi rin ito tumitigil sa pagsinghot dahil patuloy pa rin ito sa pag-iyak. "Huwag na ho kayong umiyak..." wika ko para patahanin siya. Lahat sila ay nag-aalala dahil baka daw bumagsak na naman si Mommy sa matinding emosyon katulad noong nawala ako. "Masayang masaya lang ako, Ziya. Sa wakas, kapiling ka na namin. Dininig pa rin ng Diyos ang panalangin ko." "Hindi na ho ako mawawala. Wala na hong aagaw sa akin. At kung sakali man, alam ko na ho kung saan ako babalik..." pagtitiyak ko naman para tumahan na it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD