Nalilito ako. Maraming tanong na gusto kong mabigyan ng kasagutan. Pero wala na si Mama Bea na magpapaliwanag sa akin ng lahat. Dapat ko bang paniwalaan ang sinasabi ng lalaking nasa harap ko? 'Hindi pa rin mawala sa puso mo si Zandro, Bea! Kaya't kahit anong pilit mo na mahalin ko ang anak niya'y hindi ko kaya!' Iyon ang mga salitang bumalik sa aking balintataw ngayon. Pag-uusap iyon ni Papa Norman at ni Mama. Hindi ko alam na ako pala ang anak na tinutukoy sa pag-uusap na iyon. Papa Norman didn't love me. Or maybe he tried, and then he failed. Dahil ako ang bunga ng pagmamahalan nilang dalawa. Zandro Albano. The name that didn't register in my mind but the man was persistent for me to recall it. Even his touch and his voice was unfamiliar. Though I saw his face few times

