Kinabukasan ay maaga ako pumasok dahil hindi ako napagod sa nagdaang gabi. Nagsuhestyon pa si Laura na dalhin na lang sa laundry ang mga damit namin para hindi na kami mapagod. Sinagot niya ang pambayad dahil alam niyang sinisinop ko bawat sintimo na sinasahod ko sa fastfood. Pagdating sa eskwelahan ay walang Renzo na sumulpot sa umaga. Hindi ko alam kung bakit magdamag ding nakaukit sa memorya ko ang maamo niyang mukha. Masarap siyang maging kaibigan at magaan ang loob ko sa kanya. Sa buong oras na magkasama kami kahapon ay nakita ko kung gaano kiya ka-gentleman sa kabila ng magkaibang katayuan sa buhay. Nakita ko naman sa campus ang isa sa mga babae na pinagkakatuwaan nila Hunter noong bago pa lang ako sa unibersidad. Katawanan nito si Hunter na napakunot ang noo ko. Kung ako an

