Inihatid pa ako ni Renzo hanggang sa classroom nang makabalik kami sa university. Tulad ng dati, nakamasid sila Freya sa bawat kilos ko. "Boyfriend mo ba 'yon?" tanong nito nang lapitan ako. "Si Renzo? Hindi. Kaibigan ko lang." "Ang hilig mong makipagkaibigan sa mayayaman ano?" Tumaas pa ang isang kilay nito na para bang malaking kasalanan ang makipagkaibigan ako sa mayayaman. "May problema ba?" tanong ko naman. "Bawal na ba kayong maging kaibigan ng isang mahirap na katulad ko?" "Galante si Hunter, pero parang mas galante ang isang 'yon." Alam ko kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Sa tagal ko nang kaklase si Freya, hindi na ako nagtataka sa mga inaakusa niya sa akin. Kahit kay Venus noon ay iniisip nitong sinasamantala ko na mabait at galante ito at nakikinabang ako nang

