"Naninibago yata ako sa anak ko," malambing na wika ni Mama sa akin habang nasa balkonahe ako at nagbabasa ng libro. Bihira niya akong makita na nag-aaral sa gabi, maliban na lang kung may exams. Kadalasan ay nasa mga barkada ako tumutuloy pagkalabas ko ng school. Ngayon ay ilang linggo na akong umuuwi nang maaga at may hawak pang libro habang nagkukulong sa kwarto. "Kailangan ko nang pumasa, 'Ma," nakangiti kong tugon. "Paano nga naman ako magiging magaling na doktor kung paulit-ulit ako sa ilang subjects ko." "Ang sabi ko naman kasi, kuhanin mo ang kursong gusto ng puso mo. Hayaan mo na ang mga doktor ko ang mag-asikaso sa sakit ko." "Ma... Gusto ko din namang maging doktor talaga." "Pero mas gusto mong maging isang sikat na singer, hindi ba?" Hinila ni Mama ang isang silya a

