Masaya ako hanggang sa pag-uwi sa bahay dahil nasabi ko na kay Hunter ang totoo kong pagkatao at hindi naman ito naging problema sa samahan naming dalawa. Tama naman ito, wala akong kinalaman sa nakaraan nila ni Adriana. Mga bata pa naman kami, siguradong makakahap si Adriana ng lalaking magpapatibok muli ng puso nito. "Hi, princess!" Matamis akong ngumiti sa papalapit na si Kuya Drake. Sa tatlong lalaking kapatid ko, si Kuya Drake ang pinakamalapit sa akin dahil ilang taon lang ang tanda nito sa akin. Si Kuya Duncan at Kuya Danzel ay pareho nang abala sa trabaho sa Albano Hotel at sa mga hobbies tulad ng soccer kay Kuya Duncan at pagsusulat naman kay Kuya Danzel. "Hello, Kuya Drake!" Isinukbit ko ang kamay sa braso nito. "Nagugutom na 'ko. Anong meryenda?" "Nag-bake si Adriana

