SNOW POINT OF VIEW Tahimik ang gabi, pero sa loob ng kwartong iyon, ang t***k ng puso ko ang pinakamalakas na tunog. Nakahawak pa rin si Davian sa kamay ko—hindi para pigilan ako, kundi para alalayan. Parang hinihintay niya ang pagpayag ko, ang pagsang-ayon ko sa isang bagay na matagal na naming iniiwasan. “Sabihin mo kung ayaw mo,” bulong niya, paos, habang nakatitig sa akin. “Titigil ako.” Ngunit ang sagot ko ay isang marahang haplos sa kanyang pisngi. Wala akong salitang kayang magpaliwanag ng nararamdaman ko, pero alam kong nararamdaman din niya ito. Dahan-dahan kaming lumapit sa isa’t isa, parang dalawang kaluluwang matagal nang humiwalay, ngayo’y muling nagtagpo. Ang mga labi namin ay muling nagtagpo sa isang halik—masalimuot, masidhi, puno ng pananabik at takot. Takot na baka

