SNOW POINT OF VIEW “Snow!” tawag ni Andress mula sa labas ng safehouse ko, may hawak na helmet at punong-puno ng energy sa mukha. “Sumama ka na, dali! May motor race sa Adrenaline. Main event ngayon—makakalimot ka sa mga iniisip mo, promise!” At gaya ng dati, hindi ako nakatanggi sa makulit kong pinsan. Kahit hindi ko feel lumabas, napilitan akong sumama. Naisip ko na rin na baka makatulong nga ang ingay at adrenaline para matahimik kahit sandali ang gulo sa isip ko. Pagdating namin sa Adrenaline Circuit, halos mabingi ako sa tili ng mga tao at sa tunog ng mga makina. Sobrang dami ng tao—mga pamilya, magkakaibigan, at ilang mukhang halatang tagasubaybay ng karera. May mga nag-iinuman na, may nagtatalo sa taya, at may nagvivideo habang sumisigaw ng pangalan ng kanilang mga paborito. “G

